COLLEGE DAYS Dahil sa mabigat na gawain sa Farm ay lalo pang gumanda ang pangangatawan ni Zyair. Lumapad ang kanyang dibdib at balikat at mas naging kaakit-akit pa siya sa mga kababaihan. Bago tuluyang nag-college ay ginugol niya muna ang sarili sa pagtatrabaho sa Farm habang ang kuya niya naman ay tinatapos ang kurso nito sa agricultural industry. Napagkasunduan kasi nilang siya ang hahawak ng kumpanya at ito naman sa Farm. Kaya ng tuluyang makapagtapos ay tumutok na si Simon sa pag-aalaga ng lumalawak nilang taniman ng grapes na siyang ginagawang wine sa noo'y maliit pa lang nilang kumpanya. Pinagsabay-sabay nito ang pamamahala sa Farm, factory, at maliit na tindahan ng wine. Si Zyair naman ay pinadala sa Manila upang doon tapusin ang business Administration na pinapa-masterize sa kan

