Magaan na ang pakiramdam ni Zyair pagbalik sa dorm ng hapong iyon. Kaagad niyang inayos ang lahat ng gamit niya. Sa pantalan na rin siya kukuha ng ticket pauwi dahil hindi niya na naharap ang pagpapa-book ng mas maaga. Palibhasa naki-usap na rin siya sa mga head na ipadala na lang sa probinsiya nila ang lahat ng transcript records niya dahil pansamantala siyang babalik muna doon ngayong sem-break. Pumayag naman ang mga ito. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng dumating ang isa sa ka-room mate niya. Pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae na kung hindi siya nagkakamali ay girlfriend ng isa rin sa tropa nito. Nangunot ang noo niya at nasa mata ang pagtatanong. "Uy, Zyair nandiyan ka pala!" Tila gulat din na usal nito. Napansin niyang mas napadiin pa ang paghahawak kamay ng dalawa

