Eksaktong matapos ang break time ay oras naman ni Ms. Suarez. Pagbalik niya sa room nila ay agad na hinanap ng mga mata niya si Rashid. Natanawan niya naman itong nakaupo sa desk nito at tila busy sa pagtingin sa hawak nitong card. Walang pagdadalawang-isip siyang naupo sa tabi nito at inakbayan ang babae. Agad itong nag-angat ng tingin at literal na napanganga ng makita siya. "Z-zyair! A-anong ginagawa mo?" Bagama't tila hindi ito kumportable ay hindi naman nito ginawang manlaban o alisin man lang ang braso niyang nakadantay sa balikat nito. "I just realize I like you. Willing na akong maging display mo. Maganda ka at maraming nagkakagusto sayo dito sa campus. Sigurado akong maraming maiinggit sa akin." Kinindatan niya pa ito. Ng makabawi ay ngumiti na rin si Rashid sa kanya. "Sure ka

