Dahil kampante na ay agad na kinuha ni Zyair ang susi. Nagulat pa siya ng makitang hindi lang pala yun nag-iisa, nasa anim na piraso iyong magkakasama sa isang lalagyan at iba-iba ang hitsura. May susi pa ng sasakyan, alam niya dahil ganoon rin ang susi ng sasakyan nila.. Sa dami ng susing naroon, isa lang ang hiling niya, na sana ay may susi na kakasya sa pintuan ng bahay. Malabo man dahil hindi naman taga-roon ang bakla, kahit papa'no ay nabigyan siya noon ng pag-asa. Matiyaga siyang naghintay ng ilang oras pa hanggang sa tuluyan ng nawala ang ingay ng tawanan at sigawan, tanging malakas na tugtog na lamang ang maririnig. Mabuti na lang rin at hindi na sila naisipang silipin ni Sabel doon. Muli ay binuksan niya ang pintuan ng kwarto sa napakaliit na siwang at doon buong ingat na sumi

