Matuling lumipas ang isang taon, nakasanayan na ni Zyair ang gabi-gabing senaryo sa loob ng bahay na iyon o mas maiging sabihin na pinakakulungan niya na rin. Sa loob ng isang taon ay hindi niya nagawang lumabas doon o kahit masilayan man lang ang labasan. Sa tuwina ay nakakandado ang bahay, kung aalis man ang mga babae doon ay sa kwarto siya ikinukulong. Ginawa rin siyang taga-laba at taga-linis. Gayunpaman ay hindi naman siya nagutuman, may matitino din siyang mga damit. Once a month din kung kuhaan siya ng larawan ni Sabel ng walang saplot. Madalas ay vini-video pa nito kung paano siya pagsawaan ng mga anak-anakan nito. Tuluyan na siyang na-expose sa makamundong gawain at ang dating hindi niya masikmura, ngayon ay balewala niya na lang na ginagawa. Hindi namalayan ni Zyair na tuluyan

