KABANATA 55

1130 Words

"W-wala na si Papa, Zyair. Magta-tatlong buwan na." Mahina at ramdam kong ngatal na tugon ni Kuya Simon sa akin. Hindi ako nakaimik. Naiintindihan ko ang sinabi niya pero parang hindi iyon lubusang nag-sink in sa utak ko. Para bang ayaw kong maniwala. Parang hindi totoo at niloloko niya lang ako. Napangisi ako at tinapik siya sa balikat. "Alam mong hindi bagay sayo maging Joker, Simon." Pero matiim niya lang akong tiningnan. Naroon ang lungkot, nababasa ko rin sa mga mata niya ang katotohanan para sa mga binitiwang salita. Ang kabang kanina ko pa nilalabanan ay tuluyan ng nagkaroon ng dahilan. "Kuya… N-nagbibiro ka 'di ba?" Pilit din ang mga ngiting sumilay sa labi ko. Umaasa na guguhit din bigla ang ngiti sa labi niya at sisigaw ng 'joke lang!' O 'got yah!' Pero hindi iyon nangyari.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD