Simula ng araw na iyon ay naging mailap na sa babae si Zyair. Ginamot niya nang mag-isa ang sarili mula sa trauma kahit pa nga minsan ay patuloy pa rin siyang hina-hunting ng mga alaala. Ang dating pagmamahal na nadarama para sa kanyang ina ay tuluyan na ring naglaho. Napalitan iyon ng pagkamuhi at galit. Sinisisi niya rin ang ina sa lahat ng nangyari sa buhay nila lalo na sa kanyang ama. Ang masakit pa, simula rin noon ay nawalan ng gana si Zyair sa mga kalahi ni Eba, nagpapakitang tao lang siya sa bawat babaeng lumalapit sa kanya na kung may pinapakita mang motibo ay gagamitin niya lang ang pagkakataon upang lokohin at saktan ang babaeng iyon. Naging mapaglaro siya, chickboy na matatawag ngunit binansagan ring ultimate heart-breaker sa campus nila. Subalit sa kabila ng bansag na iyon

