Literal na napanganga si Simon at hindi nakapagsalita. Ganoon na lang ang pagbawi niya sa braso niya ng hatakin siya ni Zyair papasok sa loob ng kwarto nito. Natanaw niya pa mula sa kinatatayuan kanila habang naka-side view. "Zyair, anong ginagawa mo?! Wala ka na ba sa katinuan? Magbihis ka nga.." inis at pabulong na wika niya sa kapatid. "Ha? Bakit anong masama sa hitsura ko?" Halos magtangis ang bagang ni Simon sa narinig na tugon ng kapatid. "Pauwiin mo na rin yang babaeng kasama mo at mag-uusap tayo!" May diing utos niya pa saka nagmamadaling tumalikod. "Pero kuya, gabing-gabi na. Baka naman pwedeng bukas na siya umuwi?" Napahinto si Simon sa paglalakad pero hindi na lumingon pa sa kapatid. Napabuga lang siya ng hangin at muling naglakad patungo sa kwarto niya. Hiling niya na sa

