Matapos ang eksena sa hagdanan sa pagitan nilang tatlo ni Lyka at Brigette at ang narinig na usapan ni Lyka at ng isa sa mga kasambahay nila ay natahimik na siya. Ngunit pilit niya itong inalis sa kanyang isipan dahil kailangan siya ngayon ni Brigette at marammi pa silang dapat gawin sa araw na ito. Ngayong umaga ay ang appointment nila sa doctor. Sa totoo lang ay hindi niya sinabi kay Brigette na bago sila pupunta sa wedding organizer na pinili niya ay pupunta muna sila sa doctor. Hindi na niya sinabi iyon dahil baka hindi ito pumayag. Nang ihinto ni Bryan ang sasakyan sa parking area ng ospital ay nagtatanong ang tinging ipinukol sa kanya ni Brigette. "I thought we're going to meet our wedding organizer?" tanong nito sa kanya. "I'm sorry if I didnt tell you. Baka kasi hindi ka pu

