Simula nang bumalik si Bryan ay hindi na ito umiimik pa kung hndi niya ito tinatanong o kaya naman ay tinatanong ng wedding organizer nila. Parang kasing lalim ng balon ang isip nito dahil kung minsan ay ilang beses pa niya itong tinatawag kapag may itinatanong siya rito. Parang wala rin itong ganang asikasuhin ang kanilang kasal dahil halos lahat ay binibigay nito sa kanya. Kanina pa siya naiinis dito ngunit hindi na lamang niya isinatinig dahil baka mag-away pa sila. Hanggang sa makauwi sila ay hindi na ito umimik pa. "Is there something wrong?" tnong niya nang makapasok sila sa loob ng kanilang kwarto. Napabuntong-hininga si Bryan pagkatapos ay napailing bago ito pumasok sa loob ng banyo. Sinundan niya ito ngunit nang pihitin niya ang doorknob ay naka-lock na ito na hindi naman nito

