Yuki
"Alright! Everyone listen up!" sabi ko sa sampung mga higanteng nasa harapan ko habang nakatingin sila sa akin. "Do you know why we are here?"
"Yes ma'am!" sagot nilang lahat.
Pagkatapos maka-recruite ng limang main player ng aming eskwelahan ay may lima pang sumali. All in all ay mayroon kaming first five which our main player at limang benchwarmer or substitutes. Thanks to Raiga and Maki's effort, nabuo na rin sa wakas ang pangarap naming team. Within less month, magsisimula na ang preliminary game. Nakapagpasa na kami ng application kahapon at agad din itong na-approved pagkatapos mareview ng committee ng laro.
"Alam ninyo ba kung bakit kayo narito sa track and field ngayon?" tanong ko.
"Yes ma'am!" sagot nila.
"Good! So I'm going to check kung hanggang saan ang kaya ninyo by doing forty laps of running," sabi ko.
"Forty? Ma'am that's too much for my body," sabi ni Andro.
"Huh? May reklamo ka, Andro?" tanong ko sa kanya.
"Wala maan!" sagot niya.
"So ano pang hinihintay ninyo? Go and start running already!" pasigaw kong sabi sa kanila.
Agad nila akong sinunod at nagsimulang tumakbo. It is essential to a game to build stamina lalo na kapag basketball ang laro. Nakakapagod ito. They needed it if they wanted to last long in the game.
"What are you planning to do Yuki? Wala pa tayong coach sa ngayon. Can we really do it?" tanong sa akin ni Maki.
Although he's considered to be the six man, he's also the captain but there's a limit for him to play.
"I need to strengthen their body. Alam mo iyan since you were a player," sagot ko sa kanya.
"And speaking of coach, I already had someone in my mind."
"Huh? Sino naman?"
"This guy," sagot ko sabay pakita sa kanya ng picture sa tablet na hawak ko.
"Erol? Erol Lied? Sino iyan?" tanong nito sa akin.
"Someone I have been scouting since day one and surprisingly, this Erol guy is related to Raiga," sagot ko.
"R-related?" nauutal niyang tanong habang pinamumulahan ng mukha.
Binalewala ko ito dahil alam ko ang nakaraan nila ni Raiga noon. But ever since na bumalik si Raiga dito sa Japan at binubully nito si Maki, he's been blushing like a cute girl. Actually I knew this and I'm a freaking boy's love fan. Do you know how hard for me contain my scream everytime I see kissing? I act normal pero deep inside, I'm just a fujoshi.
"He's married to a guy named Rafael Lied, Raiga's uncle. Annnd he's the one who honed and trained Raiga in the basketball field," sagot ko.
"How the hell did you know about this?" nagtatakang tanong ko.
"Oh I just happened to stumble into his social media account and read his bio. Then tada he'll be flying here one of these days. Don't tell Raiga."
"You are weird Yuki," sabi niya sa akin.
"Anything in the name of basketball," sagot ko sa kanya.
Bumaling ako sa mga lalaking tumatakbo at saka chineck kung minuto na ang dumaan simula ng tumakbo ang mga team.
"Oi, Andro! Speed up! Nahuhuli sa iba," sigaw ko kay Andro nang makita ko siyang parang nag jojogging lang. "If you don't run properly, dagdagan ko pa ng ilang laps ang tatakbuhin mo!" "Eto na po! Tatakbo na maam!" pasigaw niyang sabi.
Matapos makatakbo ng forty lapses, hingal na hingal na nakatayo sa field ang sampu habang umiinom ng tubig.
"This will be your routine every morning, boys. Because basketball requires physical strength, we need to focus on strengthening your lower body so it can absorb force since ito ang madalas ginagamit when it comes to this kind of sport. That's why I prepared a series of exercises that you can do everyday. I need you guys to focus on these. Ilang weeks na lang at magsisimula na ang laro. If you want to win, be serious," sabi ko pa.
I can see determination sa mukha ng mga kalalakihang nasa harapan ko. At hindi naman ako nabigo since eager silang mag training under my supervision.
At tulad nga ng napag-usapan ng admins ng Serio, Erol Lied was offered a job in our school. As Physical Education teacher and a coach. At first gulat na gulat si Raiga pero sandali lang iyon at agad niyang ipinakilala sa amin ito.
At ngayong hapon na ito ang unang araw ng training ng team under his supervision.
"Listen up kiddos. We're going to do ten minutes drills today. Two minutes of each drill. I'm going to show you the first one. Pay attention because I'm going to let you do it after me. You get it?"
"Yes coach!"
Ngumiti Coach Erol sa kanila.
"Drill number one is swing the ball around the back and shoot," sabi niya na pumuwesto sa left side ng rim.
Pinaikot niya ang bola sa mula sa kanyang kanang kamay patalikod patungo sa kanyang kaliwang kamay at saka ibinato ang bola sa rim.
Pasok.
Lumipat siya sa kabila at inulit niya ang kanyang ginawa.
"Madali lang hindi ba?" tanong niya.
Tumango ang team.
"Okay do it for two minutes," sabi nito bago ipisanaa ang bola kay Xeno. "Chop chop."
Isa-isa nilang ginawa ang ipinakitang drill ni Coach sa kanila.
"Good good! Next drill will be two combinations of dribbling with spin and shoot. I'm going to show you," sabi pa niya.
Kumuha siya ng bola at pumuwesto sa three point lane at saka nag-dribble ng bola. Pinalusot niya ang bola sa pagitan ng kanyang paa habang papalapit sa rim bago nag-dribble ng isang beses mula sa kanang kamay palipat sa kaliwa at saka umikot pagkatapos ay initsa ang bola sa rim.
"The dribble drill I did was cross over and then followed by cross over and then spin and shoot.
Are you following boys?"
"Yes coach."
"Think you can do it now? Sino ang hindi nakakakuha?"
Walang nagtaas ng kamay which is good.
"Okay. Do it in two minutes," sabi niya bago ipinasa kay Raiga ang bola.
Pagkatapos ng dalawang minuto ay ipinakita ni Coach ang drill number three.
"Listen boys this drill is the easiest," sabi niya bago pumuwesto sa itaas ng free throw lane. "Dribble once and then jumpshot," aniya pa bago ipinakita sa kanila ang tamang paraan.
Ipinagawa niya ito sa team at saka inobserbahan.
"Next drill is step back and jumpshot," sabi pa niya bago ipinakita ang drill.
Kumuha siya ng bola at saka pumuwesto ang kanang three point lane.
"Step in and step back the right or left then jumpshot," sabi pa niya.
Inihakbang niya ang kanyang kanang paa sa loob ng three point lane at saka inihakbang pabalik ang kanyang paa pakaliwa at saka nag-jumpshot. Ginawa rin niya ito sa kabilang lane at pagkatapos ay pinagawa niya ito sa team.
"Remember, pay attention to your footing," aniya pa.
Pagkatapos ng dalawang minuto sa drill number four at tinuro niya ang last na drill.
"So the last drill will be focusing on three points. You can use either behind the back, in between leg or crossover dribble and then shoot," sabi niya pumuwesto sa kaliwang wing ng three point lane.
"Dribble once, and then behind the back and then shoot," lumipat ito sa gitnang three point lane pagkatapos. "Use behind the leg dribble once and shoot," aniya pa bago lumipat sa kanang lane. "I use crossover dribble and then shoot."
Ipinakita niya ang tatlong drill sa team bago niya ipinasubok sa mga ito.
"Alright. Good work everyone. Now, I want you to start again with two minutes of drill each for ten minutes. Make sure that you get it right. There's no room for I don't know how things are here. I want you to know that I am strict when it comes to basketball. I don't need a half-assed player. I need the hard core ones. Start practicing," istrikto niyang sabi.
"Yes coach!" sagot ng mga ito.
Lumapit sa amin si Coach at naupo habang pinapanood ang practice ng team. This this guy honed Raiga to the fullest. At alam kong makakatulong siya sa iba pang member ng team. According to his bio, Erol is trainer as well as coach. Dati na rin siyang player noong kabataan pa niya at dahil sa magaling talaga siyang maglaro, ilang sikat na eskwelahan ang nag-offer sa kanya mag turo at mag-coach sa team ng mga ito. Iyon ang naging trabaho niya bago lumipad sa America.
"You must be Maki?" tanong niya kay Maki na nakaupo sa aking tabi pagkatapos ng practice.
"Y-yes coach," nahihiyang sagot ni Maki.
Ngumiti ng makahulugan si Coach Erol. Para bang may pinapahiwatig ang kanyang ngiti bago tumingin kay Raiga na hingal na hingal habang umiinom ng tubig..
"What?" tanong ni Raiga sa kanya.
"So he's the one huh?"
"Yeah," seryosong sagot ni Raiga bago hinila patayo si Maki. "And he's mine."
Nakita kong namula ang mga pisngi ni Maki. Lihim akong napatawa. Never kong nakita ang side na ito ni Maki. So it's a surprised na may side rin pa lang siyang ganito despite having a girlfriend. Come to think of it. What if makita sila ni Aoi sa ganitong eksena?
Tumayo si Coach Erol at saka pinitik ang noo ni Raiga.
"I'm not going to take him away from you, silly. I already have your uncle," sagot nito.
Pagkatapos ng practice ay magkasama kaming naglakad ni Maki palabas ng gym. Gusto pa sanang sumama ni Raiga ngunit pinigalan siya ni Coach dahil meron silang family gathering. Walang nagawa si Raiga kung hindi sumama sa asawa ng kanyang tiyuhin. Halata naman na kahit strikto ang coach, he spoils Raiga on his own way.
"So about this thing between you and Raiga, are you serious about it?" tanong ko sa kanya.
Bumuntong-hininga si Maki.
"I don't know," sagot niya.
"Anong I don't know ka dyan? Paano si Aio? Seryoso ka ba? Hindi pwedeng pagsasabayin ko
sila."
Hindi ito umimik bagkus ay payuko na lang.
Siniko ko siya. Symepre kaibigan niya ako pero hindi naman ako papayag kung magiging two-timer siya.
"Sagot."
"I'll figure it out, okay?"
"You need to make a decision agad. I don't mind you being gay but if you ever choose one of them, say it now. It would be better if the earlier the better." "Ughh why do I have to choose?" reklamo niya.
"Because you need to. Hindi naman dalawa ang katawan mo at puso mo kaya dapat isa lang.
It's either Raiga or Aoi. Hindi pwedeng dalawa."
"But-"
"No buts. Kaibigan kita kaya hindi kita kukunsintihin."
"I know that," sagot niya.
"Sino ba ang matimbang? Sino ba ang gusto mong makasama? Si Aoi ba o si Raiga?"
"Pag-iisipan ko pa. Hindi ko naman sinagot si Raiga eh," sagot niya
"Anong hindi sinasagot eh nakita ko kayong naghalikan. Anong tawag mo doon? Kissing buddies lang?"
Nakita kong namula si Maki.
"Kilala ko si Aio, Maki. She's been chasing you since middle school. At alam mo kung akong pwedeng gawin ng babaeng iyon," sabi ko.