Chapter 7

1869 Words
Andro "Doon ka na titira sa apartment ko Andro. Pagpasensyahan mo na't maliit lamang itong tirahan natin," sabi sa akin ni Tito Kohei. Siya iyong kapatid ng aking Papa na nag-alaga sa akin nang mamatay sila sa isang aksidente. I live with him until I graduated middle school. Pero noong tumuntong na ako ng high school ay nagpasya na akong maghanap ng apartment na pwedeng lipatan. Hindi na ako pwedeng makitira sa kanya lalo na't manganganak na ng Tita Megumi. Ayaw sana nila ako payagan pero nagpumilit ako dahil gusto ko ng maging independent. May naiwang hindi kalakihang halaga ang mga magulang ko sa akin at iyon ay ang ginamit kong paunang pabayad sa mga buwan na ilalagi ko sa apartment habang naghahanap ako ng part time job at eskwelahang pwedeng pasukan at payag na pwedeng mag-part time ng trabaho ang mga estudyante. Hindi naman ako nabigo dahil natanggap ako sa isang resto-bar na hinaharana ang kanilang mga customer. Buti na lang at medyo gifted ang boses ko at natanggap ako agad. Hindi naman kalakihanan ang kita. Its enough to get me through high school life at mga personal kong pangangailangan. Noong una pa-sideline sideline lang ako hanggang sa tuluyan na akong naging regular singer ng resto. But recently, humina ang resto dahil nagsulputan na rin ang mga club sa tabi nito. Iyong dating regular na pasok ko ay nabawasan na ng ilang araw which is tough in my side dahil kailangan ko ng magsimulang nagbayad ng renta ng apartment na tinitirhan ko. Todo budget ako sa perang kinita ko at halos tipirin ko na rin ang aking sarili para lang makaipon sa susunod na bayarin sa bahay. "What do you think?" tanong sa akin ng lalaking nagpakilalang Maki. Kasama ang isang matangkad na taong kulay asul ang buhok na parang inaantok habang kumakain ng lollipop. "Come again?" naniniguradong tanong ko sa kanila. "My school wants to offer you a scholarship with free boarding house and food allowance. Of course in exchange, you have become part of our basketball team. Sounds good?" Pinagmasdan ko silang dalawa. The offer's not bad. To be honest, it's not bad at all! I thought Serio Private High School only offers scholarships for those who are geniuses. "Pwede na. But I still need to do part time job para sa personal na pangangailangan ko. Will you going to let me do that?" "Sure as long as you attend practices and training. There will be no problem." Ngumiti ako. "Sige," sagot. "Offer accepted." Ang usapan namin ay nagkikita kakinsa gate ng eskwelahan kinabukasan. "This will be your room," sabi sa akin ni Maki noing dinala niya ako sa building kung saan naroon ang dorm para sa mga estudyanteng malayo ang kanilang bahay mula sa eskwelahan. "Sabihin mo kung hindi mo ito gusto at pwede naming palitan ang dorm room mo," sabi pa niya. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid. Kumpleto ang mga gamit mula bed, study table, closet at may sarili pang banyo. Ang maganda pa ay isa lang ang pwedeng umokupa rito. "It's fine. I like it," sagot ko sa kanya. "Breakfast, lunch and dinner will be serve at the canteen. Ikaw na ang bahala kung gusto mong bumili sa labas." "Okay. Got it." "See you later this afternoon sa club room," sabi niya. "Copy." Pagkaalis ng dalawa ay ibinaba ako ang aking duffel bag sa sahig at saka nahiga sa kama. Napaka-swerte ko naman dahil may grasyang dumating sa gitna ng aking paghihirap. Katatapos ko lang ayusin ang aking mga damit sa closet ng makarinig ako ng tatlong katok sa aking pintuan. Nilapitan ko ang pintuan at saka binuksan ito. Natuon ang aking mga mata sa lalaking hanggang dibdib ko lang habang nakangiti. Oh hell. There goes my heart. At that moment, akala ko ay may bumabang isang anghel mula sa langit na inilaan para sa akin. Badump, badump, badump. My heart, oh my heart. Is he the one for me? "Hello, ako nga pala si Ryuk, ang kapit-dorm mo. Since bago ka pa lang, gusto mo bang sumabay sa amin ng pinsan kong kumain sa canteen? Magdi-dinner kasi baka hindi mo alam kung saang parte ang canteen sa building na ito," sabi niya bago muling ngumiti. Jusko! "Oi, mapapasukan ng langaw iyang nakabuka mong bibig," sabi ni Raiga na hindi ko napansin na nasa tabi lamang. Bigla kong naitikom ang aking bibig. "Don't mind him. Uhm, anong pangalan mo?" tanong niya. "Andro," sagot ko. "Gusto mo bang sumabay sa amin ni Raiga?" I end up tugging with them habang kausap ko si Ryuk si Raiga naman ay tahimik lamang habang nakatingin sa kanyang cell phone. "Alam mo bang maraming menu ng ulam sa canteen? At unlimited pa," sabi niya pagkapasok namin sa pintuan ng canteen. Sumalubong sa amin ang aroma ng mga pagkaing nakahanda na sa mahabang mesa. May mga mangilan-ngilan na estudyanteng nakaupo na at nagsisimulang kumain. Kumuha si Ryuk ng pinggan at saka ibinigay sa akin. "Huwag kang mahiya. Kumain ka lang ng kumain kasi sagot lahat ng management ng school ang mga pagkain dito," sabi pa niya habang binibigyan ako ng spoon, fork at chopsticks. Natakam ako sa pagkain sa mesa kung kaya lahat yata ng klase ng pagkain ay inilagay ko sa aking pagkain. Nakita kong tumawa si Ryuk. "You know, you can always fill your plate kapag naubos mo na ang laman niyan," sabi niya ng makaupo kasi sa isang bakanteng upuan kasama syempre ang ulagang si Raiga na inuuna pa ang cellphone kaysa kumain. "Oh don't mind him. May nilalaro kasi iyan at may war yata sila kaya hindi mo maistorbo," sabi pa niya. Nagsimula akong kumain. Kung alam ko na ganito sa Serio, dapat sana ay noon pa ako nag-aral dito. "These food are all delicious," sabi ko sa kanya. "Yes it is. Sinisiguro kasi ng dorm management na nakakain ng lahat ang mga masustansyang pagkain na inihanda nila since lahat ng mga nagdo-dorm ditp ay mga sport related scholarship," sagot niya bago sumubo ng gulay sa kanyang bibig. "Woah. Akala ko ay para sa matatalino lang ang scholarship na ino-offer ng Serio," sabi ko. "Nakita mo iyon?" tanong niya bago itinuro ang bintana na nasa aking likuran. Nilingon ko iyon at nakita ko ang building na may malaking letrang B na nakasulat sa gate. "Yes," "That dorm housing the top notch of our school. Mga matalinong estudyante ang nariyan," sagot niya. Napatingin ako kay Ryuk habang kunakain ito. He's too small kung ikukumpara sa mga ibang estudyante na narito. So does it mean na kasi rin ba ito sa varsity ng eskwelahan? "I'm in baseball team by the way," sabi niya na tila ba nabasa bito ang nasa aking isipan. "Huh? Baseball?" nagulat ako sa sinabi niya. "You made it again," sabi ng isang lalaking bigla na lamang tumabi kay Ryuk na may dalang tray ng pagkain. Inilapag nito ang tray sa aking harapan at saka ginulo ang buhok ni Ryuk. "Quit it out senpai," natatawang sabi nito sa lalaki. Senpai? "But you made another homerun again," sabi pa nito sabay himas sa balikat at leeg ni Ryuk. Bigla tuloy akong naiinis sa ginawa nito. "Oi, stop touching him," sabi ko bigla sa inis. Nanananching lang ang ito kay Ryuk. Halatang-halata ko at hindi ko ito gusto. "Eh? At sino ka naman?" tanong ng lalaki. "Ah senpai, ito nga pala si Andro, transferee at bagong member ng basketball team," sagot ni Ryuk. "Oh? Hindi nga? Akala ko ba wala ng basketball sa school? Akala ko ba na-dissolve na dahil sa puro kahihiyan at pagkatalo lang ang binigay ng sport na iyan sa school," sabi pa nito. Gustong-gusto ko ng banatan ang lalaking nasa harapan ko kung hindi lang naunang nag-react si Raiga na kanila ay tahimik at may sariling mundo. "Nakapaglaro ka na ba ng basketball?" tanong nito sa lalaki. "Bakit ako maglalaro sa sport na hindi ko gusto?" sagot ng lalaki. "Kung hindi mo gusto ang basketball, tumahimik ka na lang at huwag na huwag mong iinsultuhin ang sports na gusto namin kung ayaw mong gawin kitang bola at i-shoot sa ring. Naiintindihan mo ba?" sabi niya sabay tayo. Natakot ang senpai ni Ryuk. Nagpaalam ito bigla at lumipat ng ibang mesa. Nakita kong binitbit ni Raiga ang tray niya na walang laman at saka humakbang patungo sa buffet table. Naiwang napakamot na lang kami ni Ryuk ng ulo. "Seriously, what's with your cousin? Ganyan ba siya talaga?" tanong ko sa kanya. Ngumiti si Ryuk. "No. He wasn't used to being like that back then." "What do you mean?" curious kong tanong. Ikinuwento ni Ryuk ang nangyari kay Raiga noong freshman panlang ito sa middle school. "So when he suddenly decided to go back here in Japan, I was shocked with his new appearance. Dati ay magkasing tangkad lang kami pero napag-iwanan ako," natawa niyang sabi. "I don't know how did that happen pero sabi sa akin ni Tito, yung Papa ni Raiga na may lahing Americano ang family side ng Mama niya. Plus lahat ng side ng Mama niya ay matatangkad. Pagbalik niya rito ay isa na siyang magaling na basketball player. Malayo sa dating kilala kong Raiga noon na mahiyain at madaldal lalo na kapag pagkain ang usapan." "Why did he change? I mean bakit?" "Well," sabi niya bago nilaro-laro ang pagkain sa kanyang pinggan. "He was bullied by someone he really liked back then. That guy was used to be the ace player in our middle school. After bullying him, everyone in school bullied him too. I was there all along with him trying to save him from bullies kaya lang hindi kami pareho ng classroom back then. One day, nabanggit na lang ng Tito na nagtransfer na pala siya sa Pilipinas." Naiintindihan ko ang sinasabi ni Ryuk. Kung ganun naman ang mangyayari sa akin ay sigurado akong magbabago din ako. "Pero bakit siya bumalik?" "The thing was he wanted to follow the guy whom he liked before kahit na nabully siya dahil dito. The guy I'm talking about is Maki, your captain," sagot niya. "Huh?" Tama ba yung narinig ko? Si Maki ang nambully kay Raiga? Sa higanteng iyon? Napatawa si Ryuk na halatang alam niyang hindi ako makapaniwala. "Funny right? But yeah, Maki's the reason." "Gusto niyang makaganti kay Maki?" Tumingin sa akin si Ryuk. "Who knows? Masikreto ang pinsan ko at madalas ay tahimik." Pagkatapos kumain ay hinatid ako ni Ryuk sa pintuan ng aking dorm. "So paano kita-kita na lang sa school bukas?" aniya. "Yeah sure," sagot ko. "Thank you nga pala sa pagsama sa akin, ha?" Ngumiti siya. "Wala iyon. O sya mauna na ako," sabi niya bago binuksan ang pintuan ng kanyang dorm. Napahawak ako sa aking dibdib pagpasok ko sa aking sariling dorm. Aaminin kong bisexual ako. I used to play with girls and boys back then when I was still in middle school. I was famous for being playboy dahil na rin sa nature nf trabaho ko. Kadalasan ng mga nagiging syota ko ay naiinlove sa boses ko or sa mukha ko. Si Ryuk din kaya? This time, how about considering being serious? Now that I set my eyes to Ryuk, I'll do whatever it takes to have him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD