Akira
"Sigurado ka bang kaya mo ng mag biyahe mag-isa bukas, ha apo?" tanong sa akin ni Lola Miyu habang inaayos ang mga gulay sa box na dadalhin ko sa Tokyo kung saan ako mag-aaral bilang Senior High School.
"Opo," sagot ko sa kanya at saka itinali isinara ang bag na pinaglalagyan ng aking mga damit.
May kapatid ang aking Mama na nakatira sa Tokyo at kasalukuyang agricultural professor ng Seiryo University. Siya ang nag boluntaryong magpapa-aral sa akin bilang pantanaw loob niya sa pagpapaaral ni Lola at Mama sa kanya noon. Nung una ay ayaw ko dahil narito ang aking mga kaibigan hanggat sa napilit din niya akong doon na mag-aral. Pumayag naman ang Mama sa kagustuhan ng tita. Sabi nga niya ay kailangan ko rin daw maranasan ang mag-aral sa isang eksklusibong eskwelahan at nasa pusod pa ng Capital ng Japan, ang Tokyo. It would be my first time travelling alone and living there kung sakali.
"Aki tara na. Kanina pa naghihintay sina Jimmy sa atin," sabi ni Achi sa akin habang nakadungaw sa bintana ng aking silid.
"Sandali, tatapusin ko lang ito," sagot ko sa kanya.
"Bilisan mo. May mga dayo pa namang nagawi. Gusto raw nila masubukan kung magaling ka daw bang maglaro."
Napakamot ako ng ulo.
"Ano na naman ba kasi ang ipinagkalat mo sa kanila huh, Achi?" tanong ko sa kanya matapos maitabi ng ilang bagahe na dadalhin ko bukas.
"Wala. Sinabi ko lang na magaling kang maglaro ng basketball," sagot niya sa akin habang nakatingin sa mga bagahe na nakatabi. "Wow. Tuloy na ba talaga ang alis mo bukas?"
Tumango ako sa kanya.
Nakita kong bahagya nalungkot ang mukha niya.
"Iiwan mo na talaga kami ng tropa," sabi niya.
Lumabas ako sa bahay pagkatapos nakapag paalam kay Mama at lola.
"Mag-aaral lang ako roon, ano ka ba. Uuwi din naman ako kapag break."
"Eh paano kapag may nagyaya na sa amin na maglaro tapos wala ka? Tiyak matatalo kami," nag-aalalang sabi niya.
Ginulo ko ang kanyang buhok.
"Loko, magtiwala ka kasi sa sarili mo. Magaling ka naman maglaro ng basket ah," sagot ka kanya pagkatapos ay inakbayan siya habang patungo kami sa court na ginawa lang namin noon.
Street ball, iyon ang sikat na laro naming mga kabataan kapag walang kaming pasok sa eskwelahan o kapag nakapagpahinga na kami mula sa pagbubukid. Pampalipas oras lamang namin ng aking mga kaibigan ang larong ito mula pa noon dahil madalas naming nakikita ito sa mga grown up.
Maraming pagkakaiba ito sa pormal na basketball tulad na lang half-court lang ginagamit at tatlo o hanggang lima lamang ang player at wala kaming referee at minsan ay nilalaro ito ng may pustahan at minsan ay nakapaa lamang.
"Panalo na naman," nakangiting si ni Achi habang hinihingal kaming nakaupo sa damuhan kasama pa ng iba naming mga kaibigan.
"Ang lupit mo talaga pagdating sa ganitong laro, Aki," sabi naman ni Jimmy. "Bakit ayaw mong subukang maglaro ng real deal? Iyong totoong laro."
"Hindi ko pa naman naisip iyan," sagot ko.
"Ang sabihin mo, baka matakot lang sila kapag nalaman nilang magaling maglaro itong kaibigan natin," sabi naman ni Souta.
Ah. Sigurado akong mami-miss ko itong mga kaibigan kong ito.
"Maligayang pagdating sa Tokyo, Akira," nakangiting sabi ni Tita Menchi ng sunduin niya ako sa istasyon ng train. "Woah! Noong huli kitang makita ay ang liit mo pa lang pero ngayon ang tangkad mo na. Binata ka na talaga," sabi pa niya sa akin.
"Hindi naman po, Tita," sagot ko.
"Tamang-tama baka gusto mong maglaro ng basketball? Balita ko ay naghahanap ng mga players ang high school department namin ng mga manlalaro nila," aniga pagkatapos naming maipasok sa sasakyan niya ang aking mga gamit.
"Hindi na po Tita. Hanggang Streetball lang po ang alam ko."
"Basketball pa rin naman ang larong iyon. Ang kaibahan lamang ay ito yung totoong laro na ang tanging goal nyo ay manalo kasama ang buong team. Bakit hindi mo subukan?"
"Pag-iisipan ko po," sagot ko sa kanya.
Sa dorm ako inihatid ni Tita pagkasundo niya sa akin sa istasyon ng tren. Sabi niya ay provided daw ito ng Serio para sa mga kagaya niyang nagtuturo doon pero dahil sa may sarili na siyang asawa at anak, ako na lang daw ang umukopa sa dorm na iyon dahil sayang lang daw. Sabi pa niya na pwede kong taniman ang bakanteng lote ng dorm na iyon kapag gusto ko raw. Syempre dahil sa laking probinsya ako at laking nagtatanim ng mga gulay, hindi ko palalampasin ang sinabi niya.
Unang araw ng pasukan ay kabado ako. Syempre unang araw ko bilang high school at sa isang eksklusibong eskwelahan sa Tokyo pa mismo. Isinabit ko ang aking bag sa aking balikat at pagkatapos ay naglakad papasok sa gate. Napakaraming estudyante ang nagsisi pasukan sa gate.
Hindi ko sinasadyang mabangga ang isang lalaking nakasuot ng maikling short at may hawak na bola. Mas matangkad lang ito ng konti sa akin.
"S-sorry," sabi ko sa kanya na bahagya pang yumuko bilang pagbibigay ng galang.
Hindi ito umimik bagkus ay nakatitig lang ito sa akin.
"Hoy Captain," sabi sa kanya ng kasamahan nito ngunit hindi pa rin ito natinag at nakatitig pa rin sa akin.
Na-conscious tuloy ako at pakiramdam ko ay may dumi sa aking mukha.
"Captain Hiroaki!" anang isang pang kasamahan niya bago ito binatukan.
Tila natauhan naman ang lalaki sa harapan ko at saka bigla na lamang kinuha ng aking kanang kamay.
"Please marry me. You are my destiny," seryosong sabi niya.
"Huh?!" shocked na tanong ko sa sinabi niya.
Agad siyang piningot ng isang babae sa tenga.
"Pagpasensyahan mo na ang kapitan ng volleyball team ha? Sige. See you around," sabi ng babae bago hinila ang lalaki palayo sa akin habang nakatingin pa rin sa akin na parang hindi nasasaktan sa ginawa ng babae.
"Destiny, mahal ko! Magkikita pa tayo?" sigaw nito habang papalayo ng sila.
"Shut up Captain! Have a shame!" sabi pa ng isa nilang kasama at saka nilagyan ng packaging tape ang bibig nito.
Naiwan akong napakamot sa aking ulo.
Ano iyon? First day of school tapos nangyari ito sa akin. Seryoso?
"Saan ko ba kasi iyon nailagay?" inis na sabi ko habang hinahanap ang school identification ko. Naroon pa naman ang aking locker number at ang dorm number.
"Oi, looking for this?" tanong ng lalaking may kulay asul na buhok ng nakasalubong ko ito patungo sa canteen. May kasama itong shorter na lalaki habang nakangiti sa akin. Hawak hawak nito ang aking school id.
Kinuha ng shorter na lalaki ang Id mula sa matangkad na lalaki at saka ibinigay sa akin.
"Hi. Ako nga pala si Maki at ito namang kasama ko ay si Raiga, mula kami sa basketball club. Nakita namin sa likod ng Id mo ang picture nyo ng mga kaibigan mo habang may hawak na bola, naglalaro ka ba ng basketball?" nakangiting sabi nito.
"Naku, streetball lang ang nilalaro ko dati. Hindi ko kasi galamay ang totong basketball," sagot ko sa kanya.
"Don't worry, matutunan mo rin iyon. Hindi naman malayo ang pagkakaiba ng streetball sa basketball eh. Nagre-recruiter kasi kami ng bagong members ng team. Sa ngayon ay may tatlo pa lang kaming members. Gusto mo bang sumali?"
Napakamot ako sa aking batok. Bilang tanaw ng loob dahil sa naisauli nila ang aking ID, napa-oo na lamang ako.
Hindi ko alam kung paano ako nadala ng mga ito sa kanilang lungga, este headquarters para mapa pirma sa isang papel na ibinigay ng babaeng nagngangalang Yuki. Sabi ni Maki ay ito raw ang team manager na siyang naghahanap ng mga potential players at sila ni Raiga ang magre-recruit.
"Akira, welcome to the club at sa team," sabi ng babae sa akin pagkatapos kong makapapirma.
Tumayo ito at saka lumapit sa akin.
"Here," sabi pa niya bago kinuna ang aking kanang kamay at saka inilagay sa aking palad ang isang candy. "Candy?"
"Eat it. Masarap iyan," nakangiting sabi ni Maki. "She really likes to give candy to the new members of the team. That's her way to thank you for joining us."
"Wanna play with me?" biglang tanong nung lalaking nagngangalang Raiga habang tinatanggal ang suot nitong blazer.
"Eh? Now?" gulat na tanong ni Yuki at Maki.
"I want to see how experienced you when it comes to streetball. Naglaro na rin ko ng ganoon dati. I wanna see kung may potential ka ba sa Basketball."
"Eh?"
Wala akong nagawa kung hindi tanggalin ang blazer ng aking suot na blazer ng uniform namin.
"Huwag mong pigilan ang sarili mo. I wanna see how far you can go," sabi niya.
"Okay," sagot ko sa kanya bago ko kinuha ang bola ng nakarating kami sa basketball court.
Hindi pa ako nakapasok sa ganitong kalaking court noong nasa middle school pa lang kami ng aking mga kaibigan.
"Begin," sabi ni Yuki.
Habang nagdi-dribble ako ng bola, nakita kong nakaposisyon na si Raiga sa harapan ko bilang defender. Sabi niya ay susubukan lang niya kung saan ang kaya sa laro pero syempre, hindi ko siya bibiguin. Ipapakita ko sa kanya ang aking mga nalalaman kahit na walang proper training na katulad ng ibang players.
Alam ko naman ang mga violations at fouls ng basket na wala sa streetball. Kahit papaano ay nagbabasa naman ako ng mga articles tungkol sa totoong laro na pwede kong i-apply ngayon.
Tumingin ako sa backboard kung saan naroon ang hoop. I need to shoot this ball to score but considering how Raiga's defence won't gonna let me pass, umatras ako mula sa kanya. Nakita kong mabilis itong nakalapit sa akin at tinangkang agawin sa akin ang bola. Nakita kong nakabuka ang kanyang mga paa at saka ko pinalusot ang bola doon kasabay ng paggalaw pakanan at hinuli ang bola at saka akmang isu-shoot ito ngunit mabilis na tumalon ito para pigilan ang aking plano, but of course I'm faking at pinatulan niya ito.
Ngumisi ako sa kanya before spinning from the left ang shoot the ball ng walang kahirap-hirap.
Sabi niya he will be the defender at ang role ko ay ang offence.
Raiga's one of a hell player dahil nabasa nito ang galaw mo kahit na hindi naka-focus ang mga mata nito sa iyo, but the problem is, I'm good at faking. He can read every move I can do but he'll never know if I am faking it or not.
Nahinto lamang ang laro namin joong tumunog ang bell indicating na magsisimula ang afternoon lessons namin.
Nagpunas ako ng pawis sa aking katawan at mukha ko pagkatapos kong tanggalin ang shirt na suot ko.
"Not bad," sabi niya bago tinapik ang aking balikat.
"Your skills are extraordinary. Are you sure you never played the real thing before?"
"Nope. Never," sagot ko sa kanya bago isinuot ng aking extra shirt. Nakaugalian ko na ng ganito dahil nasanay akong maglaro ng streetball bago umuwi ng bahay.
"Seriously, I thought you did. Nice moves and faking by the way. That your special skill," aniya bago rin itong nagpalit ng damit.
Nagpaalam ako sa kanila at saka naglakad pabalik sa aking classroom.
The real thing huh? It's fun.