Maki "So how was it?" nakangiting tanong ko kay Raiga habang init na init ito sa suot niyang butler outfit. "It's hot," sagot niya sa akin. Natawa ako. I mean who could not? Halatang-halata sa mukha niya ang pagka-irita. Iyong dating messy hair style niya ay maayos na naka combed back at may bahagya pa siyang make-up. Maid cafe kasi ang theme ang napili ng classroom nila. "That outfit actually look good on you," sabi ko pa sa kanya. Hindi ito umimik sa akin. "Kiss," sabi niya maya-maya. "Give me a kiss para mawala ang inis ko dahil sa costume na ito," aniya pa bago itinuro ang mga labi niya. Nagpalinga-linga muna ako at siniguradong walang tao sa paligid before I gave him a peck on the lips. "Satisfied?" nakangiting tanong ko. Ngumiti siya showed me his one deep dimple whi

