Raiga "Are we there yet?" tanong ni Eiichi sa amin kay Aki habang naglalakad kami pag-akyat sa sementadong kalsada patungo sa barangay nila. "On hour hike or more," sagot niya. "Sorry inaccessible kasi dito ang mga sasakyan since maliit lang itong daan. Short cut na kasi ito patungo sa amin," sabi pa niya. "What? Saan pa lokasyon ang barangay ninyo? Nasa dulo ng walang hanggan?" reklamo ni Xyril. "Gosh, Inoue please, carry me," anito sa kasintahan. Agad na namaywang si Yuki sa harapan niya. "First of all, bawal ang maarte dito. Kaya ayaw kong sumama kayong mga boyfriends ng team eh. Pabigat lang kayo sa kanila," sabi pa niya. "Ows? Gusto mo lang kasi sila masolo kaya ayaw mo kaming isama," sagot ni Xyril. "Sira! Gusto ko lang na mas lalong gumaling ang team natin so that no one

