Selestine's POV. Binuksan ko na ang pinto gamit ang susi na ibinigay sa akin ni Ms Yukii. Isang nakakasilaw na liwanag na naman ang tumama sa aking mukha ng mabuksan ko ito. "Seles, hihintayin ka namin sa paglabas mo ha." Ngumiti ako kay Brynna bilang tugon. Nang makaalis na sila ay pumasok na ko sa loob ng kuwarto. Katulad ng dati, parang may kung anong enerhiya ang humihila sa 'kin ngayon. Pinikit ko ang aking mga mata at nang maramdaman kong nasa kinaroroonan na ko ay muli akong dumilat. Napangiti ako ng makitang tila isang paraiso ang bumungad sa aking harapan. Alliexynne's POV. Nang makabalik kaming lahat sa may sala, wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita subalit pagkalipas ng ilang minuto ay nagsalita si Ms Yukii upang basagin ang katahimikang namamayani sa amin.

