Chapter 9

1235 Words
Kurt's POV. "Wala na ba tayong nakalimutan?" Kendrix asked. "Wala na. Teka, Brynna. Ilang araw ba tayo sa pupuntahan natin at ang dami mo dala?" Selestine look at Brynna's direction with her confusing look. "Hindi ko nga alam eh. Kaya nagdala na ko ng maraming pagkain kasi baka matagal na paglalakbay pa bago tayo makapunta sa pupuntahan na ‘tin." Brynna smiled to Selestine as she answer her question. "Sus. Matakaw ka lang talaga, Brynna." Kendrix smirk to Brynna. "Tse! Huwag ka nga makisali sa usapan ng iba." Brynna gave a deadly glare to Kendrix and before they could fight again, Sir Clyde cut the two. "Knight Raid, handa na ba kayo?" Sir Clyde smile to us especially to Selestine's direction. Tumango kami bilang tugon sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad at habang naglalakad ay napantingin ako sa direksyon ni Selestine. Hindi ko akalaing sobrang lakas ng kapangyarihang taglay niya. Kaya pala sa grupo namin siya napasama. Now I know. I can sense how much powerful her magic is. What is the real you, woman? Why I have this feeling that you are special here in Magic World? 'Naguguluhan ka rin ba?' Narinig ko ang boses ni Horin sa aking isipan. 'Oo. Isa pa, bakit kaya sa tuwing kasama na ‘tin si Selestine ay parang may nagmamanman sa atin lagi?' sinagot ko si Horin ng hindi lumilingon sa kanyang direksyon. 'Napansin mo rin pala.' I was about to talk with Horin again when we suddenly stop because of the big insects in front of us. Lalapit na sana kami sa paru-paro upang tingnan ito ng pigilan kami ni Kendrix. "Huwag! Sandali lang. May kakaiba sa paru-paro na ‘yan. Naaamoy kong patibong ‘yan sa mga taong magtatangkang pumunta sa lugar na ito at isa pa, kung hindi na ‘tin agad papatayin ang mga paru-paro na ‘yan, maaari tayong mamatay dahil sa lasong dala ng mga paru-paro na ‘yan." Naglakad si Horin sa harapan naming lahat at pinangunahan kami. "Maaari na ako ay makaligtas dahil puno naman ng lason ang aking katawan. Sa makatuwid ay hindi ako tatablan ng lason, pero sa tingin ko ay hindi kayo makakaligtas." He added. "Kung gano’n ay humanda kayo! Kailangan na ‘ting tapusin agad ang mga paru-paro na ito." Mabilis na nakapagpalit ng damit si Sir Clyde at suot-suot na ang kanyang armas. "Hehe. Nakalimutan ko, poison magic ka rin pala aking ama." Napakamot si Kendrix sa kanyang ulo habang nakatingin kay Sir Clyde. Nginitian lang siya pabalik ni Sir Clyde. Nag-iba ang aming mga damit at napalitan ito ng pang-digmang kasuotan. "Humanda kayo! Ngayon na!" Unang umatake si Kendrix. May hinagis siyang buto ng halamang may lason sa paru-paro. Maya-maya ay bigla nalang itong sumabog. Napuno ng usok ang paligid ng mga paru-paro kaya hindi namin nakita kung anong nangyare sa kanila. Mga ilang sandali pa ay nakiramdam lang kami sa paligid. Unti-onting nawala ang usok at nang tingnan namin ang mga paru-paro, ang kanilang pakpak ay nakaprotekta na sa kanila. Wala man lang silang natamong pinsala. Mukhang matatagalan kami dito. Selestine's POV. "Nasa himpapawid ang mga kaaway, anong gagawin na 'tin?" Mababakas sa mukha ni Kendrix ang pagkabahala. Sino bang Hindi? Ako nga ay gustong-gusto ko ng umuwi at bumalik sa ordinaryong mundo. Hindi ko na kaya ang mga nasasaksihan ko. Grabe! Paano ko naman mapoprotektahan ang sarili ko kung wala naman akong mahika tulad nila? "At wala man lang silang natamong pinsala sa ginawa mo, Kendrix." Humawak sa kanyang baba si Horin at saka nag-isip ng malalim. Nilabas ni Alliexynne ang flute niya at pinatugtog ito. Humaba ang buhok ni Alliexynne at pumulupot ito sa paa naming lahat. Unti-unti kaming iniangat nito sa ere. "Yan! Nasa himpapawid na tayo. Salamat, Alliexynne." Ngumiti si Horin kay Alliexynne. "Walang ano man." Nakangiti ring tugon ni Alliexynne dito. Kakaiba talaga ang dalawang 'to. Kung nasa ordinaryong mundo lang ako ay matagal na kong gumawa ng ship para sa kanila. Kaya lang, wala akong oras para doon sa ngayon. Mahal ko pa buhay ko! Nag-iba ang laki ng espada ni Brynna. Kasing laki na ito ngayon ng mga paru-paro. Mabilis niyang iginawayway ang kanyang katana sa mga paru-paro. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang hiwa na ba ng espada ang nagawa niya at sa isang iglap, isa-isang nagsibagsakan sa sahig ang mga paru-paro hanggang sa napatumba na ang lahat ng mga ito. * Bumuntong hininga ng malalim si Sir Clyde. “Narito na din tayo." Nakita ko sa mukha ni Sir Clyde ang pagod dahil sa lahat ng nangyari. Well, hindi lang naman siya ang pagod. Kaming lahat. "Nakarating din tayo. Ang dami namang patibong sa lugar na ito,” inis na reklamo naman ni Kendrix. Waah! Grabe talaga. Akala ko ay katapusan ko na talaga kanina. Pagkatapos kasi naming talunin iyong mga higanteng paru-paro, may malalaking gagamba naman ang humarang sa amin. Nagbibigay ito ng sapot na napakakapal. Bumuntong hininga ako ng malalim. Muntikan pa nga akong masaputan kung hindi lang ako niligtas agad ni Brynna. May malalaking langgam na pula rin na may sungay at ang pinakahuli ay 'yong elepanteng tao. Peew. Doon yata kami natagalan eh. Grabe talaga sa lugar na ito. Nakaramdam ako ng kaba ng may lumabas na babae sa isang kubo. Kulay yelow ang mata at buhok niya at may maliit na tigreng nakapatong sa balikat niya. "Grr! Grr!" "Magandang araw sa 'yo, Clyde. Nagustuhan n’yo ba ang mga kredang pinadala ko sa inyo?" tanong ng babae at saka lumapit sa amin. Bumuntong hininga si Sir Clyde dito at hindi pinansin ang naging tanong nito. "Yukii, nandito kami para alamin ang kapangyarihang taglay ng babaeng ito." Tinuro ako ni Sir Clyde Kaya bigla akong napaayos ng pagkakatayo. "Kumusta po? Ako si Selestine Dennise Amores." Nahihiya akong ngumiti sa babae habang hindi inaalis ang tingin sa tigre. Baka kasi tumalon bigla at lapain ako. Waah! Lumapit sa akin ‘yong babae at tinapat ang kanyang kanang palad sa aking noo at saka pumikit. Pagdilat niya ay napaatras siya habang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay tumangin siya kay Sir Clyde. Eh? Anong nangyari sa kanya? "P-pumasok muna kayo sa loob ng aking tirahan." Nauutal na pahayag niya at nauna ng maglakad sa isang kubo. Kubo ang design sa labas, I mean. Pagkapasok kasi namin sa loob ay napakalaki nito at mukhang mamahalin pa ang iilang gamit. Nagpaalam siya na aalis daw siya sandali. Pagkabalik niya ay may hawak na siyang malaking susi. Umupo siya sa sofa at binalingan ako ng tingin. "Selestine, patawad. Hindi ko maaaring ipakita sa 'yo ang kakayahan ng kapangyarihan mo. ‘Yon ay dahil pinipigilan ng kapangyarihan mo ang kapangyarihan taglay ko subalit huwag kang mag-alala. Siguradong matutulungan ka ng susi na ito." Pinakita niya sa akin ang susi na hawak niya. "Una sa lahat, ang kapangyarihan mo ay nabibilang sa mind magic. Ang pinakamalakas na mahika sa mundo ng magic world. Kung ano ang iisipin mo at hilingin sa iyong isip ay magkakatotoo. Ngunit, isa rin itong mapanganib na kapangyarihan. Kaya sana gamitin mo iyan sa tama.” Inabot niya sa akin ang susi na agad ko namang kinuha. "Halika." Inaya niya ko patungo sa kung saan. Kaya tumayo na kami at sinundan siya. Huminto kami sa tapat ng isang kuwarto. Masama ang kutob ko tungkol dito. "Pumasok ka gamit ang susi na ‘yan para malaman mo ang kahinaan at kalakasan ng kapangyarihan mo. Lumabas ka kung alam mo na ang lahat." Isang ngiti ang binigay sa akin ni Ms Yukii. Tumango ako bilang tugon habang ang mga kasama ko ay nakatingin lang sa akin. Samantala, isang buntong hininga ang napakawalan ko. Teka. . . pintuan na naman! At ano na naman kaya ang mayroon dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD