Chapter 8

1532 Words
Brynna's POV. "Kung hindi tayo lumayo, malamang ay nasa loob na rin tayo ng ipo-ipong gawa ni SELESTINE." Hindi ko napigilang magsalita dahil sa nakikitang pangyayari. Ngayon, sigurado na ko sa hinala ko tungkol kay Seles. "What do you mean?" Nagtatakang tumingin sa akin si Kurt, pero ramdam ko any seryoso sa bawat titig niya. "Nothing." Ngumiti ako sa kanya at nagpeace sign. Sino bang nagsabing marunong akong magseryoso? Haha. Tumakbo kami ng mabilis pabalik sa kinaroroonan ni Seles ng mawala ang ipo-ipo. Naabutan naming nakahiga si Seles sa lupa at wala ng malay. Nagbalik na rin sa dati ang kulay ng buhok at mata niya. Sa kabilang banda naman, nakahiga rin si Edward at wala ng buhay. Bigla na lang lumitaw si Sir Andrew mula sa kung saan at naglakad sa direksyon namin. "Dalhin niyo na ang kaibigan niyo sa byeong-won. Ako na ang bahala dito." Tumango kaming lahat bilang pagsunod sa utos ni Sir Andrew. Walang nagtangkang magsalita habang naglalakad kami pabalik sa Magic World at nagtungo sa byeong-won. Nang makapunta na kami sa byeong-won, ginamot ni Doktora Margo si Selestine. Kami naman ay naupo lang sa couch habang hinihintay ang resulta ng paggamot sa kanya. "Ano bang nalalaman mo, Brynna?" Napatingin ako sa direksyon ni Kurt ng bigla niya kong kausapin. "Alam kong may nalalaman ka dahil ang kapangyarihan mo ay makakita ng hinaharap, kasalukuyan at nakaraan ng isang tao," dugtong niya pa habang nakatingin sa ibang direksyon upang hindi mapansin ng iba ang pag-uusap namin ni Kurt. Tumingin na rin ako sa ibang direksyon, pero ang pandinig ko ay na kay Kurt pa rin. "Eh ikaw, ano bang napansin mong kakaiba tungkol sa nangyari kanina?" tanong ko rin sa kanya. Nakita kong sumeryoso lalo ang mukha ni Kurt at tila inalala ang nangyari kanina gamit ang sulok ng aking mata. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay bigla siyang napatingin sa akin. "Huwag mong sabihing-" Sabay kaming napalingon ni Kurt sa bagong dating na si Doktora Margo. Hindi na namin natuloy ang aming pag-uusap dahil mas gusto naming malaman muna ang kalagayan no Seles ngayon. Sana naman ay ayos lang siya. Kakarating lang niya sa mundong ito, pero may masama na agad na nangyari sa kanya. Bumuntong hininga ako ng malalim. Tumayo kaming lahat ng makalapit na si Doktora Margo sa amin. "Knight Raid, ayos lang ang kaibigan n'yo. Nawalan lang siya ng malay dahil sa paggamit niya ng labis na kapangyarihang hindi pa naman niya kayang kontrolin." Panimula ni Doktora Margo sa amin. Katulad ng aking inaasahan ay agad nagsalubong ang kilay ng mga kasama ko dahil sa pinahayag ni doktora. "Pero doktora, hindi pa niya po alam ang kapangyarihang mayroon siya. Kaya paano po nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Kendrix sa sinabi ni Doktora Margo. "Tulad nga ng sabi ni Doktora Margo, nahimatay siya dahil sa labis na paggamit ng kapangyarihang hindi pa niya kayang kontrolin. Ibigsabihin, hindi pa niya nalalaman. Kaya bukas ng umaga, kayo, si Selestine at ako ay pupunta sa gitna ng gubat kung saan nakatira si Yukii upang alamin ang kapangyarihang taglay ni Selestine." Napalingon kaming lahat sa direksyon ni Sir Clyde na kadarating lang, pero mukhang batid na niya ang aming pinag-uusapan. Tumango kami sa kanya bilang pagsunod sa kanyang sinabi, pero bakit kaya parang iba ang pakiramdam ko tungkol dito? Selestine's POV. Nang imulat ko ang aking mga mata, aking nabungaran ang kulay purple na paligid. Sinubukan kong tumayo, pero biglang sumakit ang ulo at katawan ko. Nasaan ako? Sinubukan ko ring ibuka ang bibig ko, pero walang boses na lumalabas. "Sa tingin ko ay gising kana," nakangiting saad ng babae na bigla na lang sumulpot sa harap ko. Kulay purple ang mata at buhok niya. "Sino ka? Nasaan ako?" magkasunod na tanong ko sa kanya na tila hirap pang magkapagsalita. "Ako si Doktora Margo at nandito ka sa byeong-won.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa akin ng babae lalo na ang kakaibang titig niya. Sinubukan ko ulit tumayo, pero sumakit na naman ang ulo ko. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari sa 'kin, pero wala talaga kong maalala. Samantala, bumukas ang pintuan ng kuwarto. Pumasok dito sina Brynna at ang iba pa. Pagkatapos lumapit sila sa kamang hinihigaan ko ngayon. "Seles, ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Brynna ng makalapit sila sa akin. Umupos siya sa aking tabi habang iba ay nanatiling nakatayo. "Ano bang nangyari?" Nagkatinginan silang lahat dahil sa tanong ko. Totoo naman kasi. Wala talaga kong maalala kung anong nangyari pagkatapos naming makaharap si Edward Santiago. "Ah, nauntog ka na naman kasi kanina. Pagkatapos, napalakas yung pagkakauntog mo. Kaya 'yan, dinala ka na namin dito." Ngumiti sa akin si Alliexynne ng malawak habang nakatayo sa tabi ni Horin. "Ah, okay. Nauntog na naman siguro ako sa hindi makitang pinto." Tumawa ako sa aking sinabi. Grabe! Napakalampa ko talagang tao. Nadala ko pa rito sa Magic World. Bumuntong hininga ako ng malalim. "Hehe. Tama ka, Seles. May sasabihin din pala kami sa'yo." Hinawakan ni Brynna ang kamay ko bago siya lumingon sa iba pa naming kasama. "Ano naman 'yon?" Lumingon na rin ako sa kasamahan namin at nginitian sila. "Bukas, aalis daw tayo kasama si Sir Clyde upang alamin ang kapangyarihang taglay mo." Nakita ko ang saya sa mga mata ni Kendrix habang nakatingin sa akin, pero natigilan ako sa sinabi niya. "Talaga? Eh, paano kung-" biglang sumingit si Horin sa pananalita ko. "May kapangyarihan ka at sigurado yun." Nakaramdam ako ng pagtataka sa sinabi ni Horin. Haha. Mukhang mas sigurado pa siya sa 'kin ah. Sana lang ay hindi ko siya mabigo. "Gano’n ba? Teka, nagugutom yata ako." Sakto pagkasabi ko ay napahawak ako bigla sa aking tiyan ng bigla itong tumunog. Yumuko ako dahil sa hiya. Sinong Hindi makakaramdam ng hiya kung may kasama akong tatlong nilalang sa kuwartong ito? "Ah, ikukuha ka na namin ng pagkain. Kurt, bantayan mo muna si Selestine ha." Tumayo si Brynna at tinapik ang balikat ni Blue Boy. "Sige." Nanlaki ang mata ko sa naging tugon niya. Seriously? Pumayag talaga siya? Mabilis na nawala sina Alliexynne at naiwan kaming dalawa ni Kurt. Teka, totoo ba ito? Pumayag agad si Kurt? Nananaginip yata ako eh. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa pagkalipag ng ilang segundo na Wala ang presensiya nina Brynna. Asa pang magsalita si Kurt ng kung anu-anong bagay, 'di ba? "Kumusta na ang pakiramdam mo?” Hindi man kapani-paniwala, pero si Kurt ang unang bumasag sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin ngayon. Hindi rin pala ito makakatiis eh. Tiyak malapit na mapanis laway nito kaya nagsalita. "Ayos lang ako, pero hindi ko alam kung bakit masakit din ang buo kong katawan. Nauntog lang naman ako." Gustuhin ko man ngumiti sa kanya ay hindi ko magawa. Naiilang kasi ako sa kanya ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Umupo siya sa kamang hinihigaan ko at lumapit siya sa ‘kin. Inilagay niya ang kanyang palad sa aking noo. "May mga katangian ang kadena ko at dahil blocking magic ang meron ako, kakayahan din ng kadena ko ang makapagpatanggal ng kapangyarihang naging sanhi ng pagkakaroon ng sakit ng isang tao. Gagamutin kita kaya huwag kang magulo." Nagulat ako sa kadenang lumabas sa palad niya. Tinapat niya lang iyong kadena sa aking mukha. Bigla namang nanlamig ang paligid ko. Mga ilang minuto ang nakalipas ay bumuti ang pakiramdam ko. Nawala bigla ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina. Naglaho na ang kadena sa palad ni Kurt pagkatapos ng nangyari. "Maayos na ba ngayon ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. "Oo. Maayos na ako. Thank you." Nabibilang n'yo pa ba kung ilang words na ang nasasabi ni Kurt ngayon? Teka, tinawag ko ba siyang Kurt? Tss. "Mabuti naman." Tinitigan niya ko sa aking mga mata. Patitig na rin sana ako sa kanya , pero bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok sina Brynna. "Seles, kumain kana." Nakangiting inabot sa akin ni Brynna ang hawak niyang pagkain. Haha. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin akong isipin tungkol sa mga kakaibang bagay at pagkain dito. "Seles, maiwan na namin kayo ha. Gabi na kasi eh." Humikab si Alliexynne at nag-unat ng kanyang kamay. "Iiwan kana lang namin kay Kurt." "Pero-" "Sige. Umalis na kayo." Napatingin ako kay Kurt dahil sa sinabi niya. Seryoso? Dahil dito ay tuluyan na ngang umalis sina Horin at naiwan na naman kaming dalawa ni Kurt. May sapak yata ngayon ang isang ito. "Ah, Kurt. Saan ka nga pala matutulog?" Pinili kong basagin ang namumuo na naming katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ngayon lang ako magiging mabait sa kanya ha. Wala ni isang upuan o kahit anong p'wedeng mahigaan dito bukod sa hinihigaan ko ngayon kaya naitanong ko rin sa kanya ang bagay na 'yon. "Sa tabi mo." Teka, nagbibiro ba siya? Pero, mukhang hindi talaga siya nagbibiro dahil humiga na siya sa kama. "Hoy! Bakit dito ka hihiga? Umalis ka nga dito sa kama!" sigaw ko sa kanya, pero parang wala siyang narinig at hindi man lang gumalaw sa hinihigaan niya ngayon. Nang tingnan ko siya, natutulog na pala. Naknang! Ang bilis naman nito makatulog. Tsk. Paano na 'yan? Humiga nalang din ako at tumalikod sa kanya. Okay lang naman siguro 'to. Hehe. Bumuntong hininga ako ng malalim. Bakit ang init bigla sa kuwartong 'to? Hindi ba uso aircon dito? Bukas malalaman ko na yung kapangyarihang taglay ko. Isang malalim na buntong hininga ulit ang napakawalan ko. Kinakabahan ako. Ano kayang mangyayari bukas? Hmm . . . Pero bago 'yon, takte. Kurt, umalis ka muna sa kama!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD