Chapter 4

1590 Words
Selestine's POV. Nandito na kami sa unang subject namin. Nadatnan pa namin ang isang lalake na kulay purple ang mata at buhok na nakaupo sa unahan ng classroom. "Psst. Brynna, Bakit tayo lang ang nandito? ‘Yong ibang kaklase na ‘tin, nasaan?" Pasimple akong bumulong kay Brynna para hindi kami mapansin ng iba. "I forget to tell you, Seles. Tayo lang ang magkakaklase. Kung gaano kalakas ang kapangyarihan mo ay ‘yon ang magiging basehan ng section na mapupuntahan mo. Tayo ang may pinakamalalakas na magic, kaya special tayo." Ngumiti sa akin si Brynna, pero hindi siya lumingon sa direksyon ko. Pareho kaming nakatingin sa unahan habang nag-uusap. Ganito kaya ginagawa ko dati sa old school kapag nakikipagdaldalan ako sa katabi ko. Hindi nalalaman ng teacher na hindi pala ko nakikinig sa boring niyang subject. Try n'yo rin! Haha. "Eh, dapat pala sa pinakamababang magic user ako kasi hindi ko pa alam ang magic na mayro’n ako. May section ba para sa mga non-magic user?" Napaisip ako sa sarili kong katanungan. Parang wala yatang gano'n dahil ako lang naman ang walang kapangyarihan sa lugar na 'to. Napabuntong hininga ako ng malalim. "Well, siguro kaya dito ka napunta ay alam ng mga namumuno dito na malakas ang kapangyarihang taglay mo." Ngumiti ulit si Brynna at tuluyan ng humarap sa direksyon ko. Eh? Natigilan ako sa sinabi ni Brynna. Paano nangyari 'yon, hindi naman nila ko kilala? Umiling-iling ako sa sinabi ni Brynna. Imposible 'yon. "By the way, ano nga palang pangalan ng guro na ‘tin ngayon?" pag-iiba ko ng usapan. "Sir Clyde ang tawag namin sa kanya. Ama siya ni Kendrix." Nagulat ako sa bulong ni Brynna kaya napatingin ako sa lalakeng nasa harapan namin ngayon. Purple rin ang kulay ng mata at buhok niya. Kawangis niya si Kendrix. Nakasuot siya ng purple suit na may purple neck tie na may mga lines na design. Kulay white ang kulay ng long sleeves sa loob ng kanyang suit. Nakasuot din siya ng kulay purple na slacks na med'yo hapit sa kanya. Isa lang masasabi ko, ang sakit sa mata. Kaya lang hindi naman nabawasan ang lakas ng appeal na taglay niya. Mas lalo pa nga siyang pumuti sa suot niya. Para rin siyang si Tita Sandra. Hindi mo malalaman kung ilang taon na siya dahil ang bata niya pang tingnan. "Okay. Tumahimik na ang lahat. So, I have a new student ha. Who are you again?" Natuon sa gawi ko ang atensyon ng aming teacher. Nahihiya akong tumayo at nagpakilala sa kanya. "I am Selestine Dennise Amores." Nag-isip pa ko na maaaring ipangdugtong sa introduction ko, pero wala akong maisip kaya hindi nalang ulit ako nagsalita. "So, Its you." Gumapang ang kaba sa aking sistema dahil sa sinabi ng aming teacher lalo na ng ngumiti pa siya sa akin. Umupo na ko ulit at bumuntong hininga na lang ng malalim para maibsan ang kaba na nararamdaman ko. "Class, look at this picture." Pinakita niya sa amin ang litrato na nakalutang sa ere. Tinitigan ko ito ng magkasalubong ang aking dalawang kilay. Ano namang gagawin namin d'yan? "Since hindi pa alam ni Seles ang magic niya, kayong old students ko na lang muna ang gagawa nito. Kung sinong unang makakasagot ay siyang pinakamabilis na student ko pagdating dito. Siyempre, ngayong araw lang ito." Pinagkrus niya ang kanyang braso habang hinihintay kung sino sa amin ang unang makakahula sa pinakita niya. Tinitigan ko pa lalo ang letrato. Isang violet hair and violet eyes. Lalake ito. Ano kaya ang gagawin d'yan? Ano kayang pangalan niya? Parang naeexcite akong malaman ang tungkol sa kanya. Edward Santiago Bigla nalang may lumabas na pangalan sa isipan ko. Huh? Saan galing 'yon? Sa isipan ba ng iba kong kasama? Tiningnan ko sina Brynna, pero halatang nag-iisip pa rin sila sa kanilang isasagot. "So, Seles?" Nabaling naman ang paningin ko kay Sir Clyde ng tawagin niya ko. Hindi na ko nagulat sa pagtawag niya. Bumuntong hininga ako ng malalim. Nabasa niya siguro ang nasa utak ko. "Edward Santiago?" Gusto ko sanang batukan ang sarili ko dahil sa sinabi ng aking sariling bibig. Ano namang kinalaman ni Edward Santiago dito? Tsaka sino ba ang tao na 'yon? Ang labo naman. "Good. Correct." Ngumiti sa akin si Sir Clyde Nanlaki ang mata ko sa pinahayag niya. Huh? Paano naman naging tama 'yon? Ibigsabihin, tama 'yong hula ko? Waah! May side kick power na yata ako! "Seles, alam kong hindi mo pa alam kung anong gagawin sa ngayon at dahil baguhan ka pa lang sasabihin ko sa ‘yo kung anong pag-aaralan ninyo sa oras ko. Sa mga letrato na nakalutang sa ere, dapat mahulaan n'yo kung anong pangalan ng nasa letrato. Pagkatapos, kapag nalaman n’yo na ay magiging takdang-aralin n'yo ang alamin ang buong pagkatao niya,” paliwanag ni Sir Clyde. Napatango-tango ako sa pinaliwanag niya. Gano'n pala 'yon. Madali lang pala ang subject na ito kung gano'n. Dito na ko mag-aaral kahit habang-buhay pa. Hahaha. "Sir Clyde, paano po nalaman ni Seles yung pangalan ng nasa picture, hindi naman niya alam kung anong gagawin?" Napalingon ako sa naguguluhang si Kendrix. Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung paano ko nalaman at paanong mayroon na lamang pumasok na pangalan sa aking isipan. Ang lahat ay tahimik na naghintay sa isasagot sa amin ni Sir Clyde. "So, what do you think?" Misteryoso siyang ngumiti sa amin at tinanong din kami. Ang daya naman. Hmm. . . Ano nga bang mayroon at nalaman ko iyon? Eh, paano malalaman nina Kendrix 'yong tanong, ako nga itong hindi alam kung anong nangyari sa sarili ko. Tumawa si Sir Clyde ng mapagmasdan ang naguguluhan naming mukha. "Kids, Huwag niyo na lang isipin kung bakit. So, ngayong alam n’yo na ang pangalan ng nasa letrato, alamin n'yo naman ang pagkatao niya. ‘Yon lang. Goodbye." Naglaho na siya bigla na parang bula sa paningin namin pagkatapos magsalita. Lumaki na naman ang mata ko dahil sa gulat at pagkamangha. Ang galing! Waah! Magic is everywhere, baby! "Eh? Gano’n lang 'yon?" nagtatakang tanong ko sa kanila pagkatapos makabawi sa pagkamangha kanina. "Oo, Seles. Tara na! Pumunta na tayo sa next classroom na 'tin." Ngumiti sa akin si Brynna bago hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng classroom. Huminto kami sa isang napakalaking gym. Ang galing nga dahil sa tingin ko ay triple ang laki nito kumpara sa succer field. Diretso lang akong naglakad patungo dito ng Hindi na hinintay ang makakasama ko. Excited na kasi ako makita kung ano naman ang mayroon dito, pero sa kakalakad ko ay bigla akong nauntog. Geez. Bakit ako nauntog, wala namang kahit anong pader o pinto dito sa harap ko eh. Hinawakan ko ang nauntog kong noo at humarap kina Brynna. "Hala! Seles, Okay ka lang ba? Dapat hinintay mo kami eh." Lumapit sa akin si Alliexynne at nag-aalala niya kong tiningnan. Sumunod naman sa kanya ang iba pa naming kasama. "Sorry. Ano bang mayroon diyan?" Kunot-noo kong tanong habang sapo pa rin ang aking noo. Ang sakit kaya ng pagkakauntog ko. Nahagip ng paningin ko si Blue Boy na nagpipigil ng tawa dahil sa nangyari kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Hindi niya ba alam na kasing sakit ng pag-untog ng balls niya ang nangyari sa akin? Sipain ko kaya ang alaga niya para maranasan niya? Sumama rin bigla ang tingin ni Blue Boy sa akin kaya tinikom ko na ang isip ko. Binabasa na naman siguro ng siraulong ito. Tss. "Isa yang illusion, Seles. Hindi mo lang nakikita ang pinto d'yan dahil para iyang isang invisible at dahil ‘yan sa illusion magic. Tara na?" Nakangiting paliwanag ni Brynna sa akin bago ako muling hinila pagkatapos hawakan ang kung ano sa harapan niya. Napanganga ako sa nakita ko pagkapasok namin sa loob. Maraming puno, halaman, bulaklak at hayop sa paligid. Iba-iba ang kulay. Sobrang ganda. "Hey! Mag-ingat ka dahil ang ibang halaman, puno, bulaklak dito ay may lason dahil sa mga poison magic," babala sa akin ni Horin. Tumango ako sa kanya at nagthumps-up bilang tugon. Nagulat ako samantalang poker face lang ang mga kasama ko nang may biglang lumitaw na babae sa harap namin. Kulay gray ang mata at buhok niya katulad ng kay Horin. "Hellooo, kidsss!" Napatakip ako at ang mga kasama ko sa tainga dahil sa sigaw niya. Grabe! Para siyang nakalunok ng mega phone mga pre. "Huhu. Ma'am Mikhaela, pakihinaan naman po ng boses mo.” Ngumuso pa si Kendrix habang nakahawak sa kanyang magkabilang tainga. "Hihi. Excited lang kasi akong makilala. . ." bigla siyang humarap sa akin at tinuro ako. "Siya!" sigaw na naman niya kaya nagtakip ulit kami ng tainga namin. "Hehe. I'm Selestine Amores,” pakilala ko ulit sa sarili ko. Ilang beses na ba kong nagpakilala? "Hmm. . . Anong mahika mo, Seles?" nakangiting tanong niya pa sa akin. "Hindi ko po alam." Napakamot ako sa aking ulo dahil sa hiya. Feeling ko kasi ako na 'yong low class sa pinakalow class. "Hahahaha. Okay lang. Panoorin mo na lang muna sila.” "Okay po." Binalingan niya ng tingin ang mga kasama ko at nakangiting nagwika sa kanila. “So, let's start!" Biglang may lumitaw na barrier sa paligid ko para maging proteksiyon ko. Nagtaka ako ng makitang may sari-sarili na silang hawak na armas. Kay Alliexynne, biglang na lang humaba ang buhok niya nang ilabas niya ang flute niya. Si Brynna naman, may hawak na dalawang katana. Si Kendrix naman, may hawak na dalawang dahon at bulaklak. Si Horin naman ay hawak-hawak ang isang mirror habang si Kurt ay may kadenang hawak sa dalawang kamay niya. Nagsimula na silang maglaban. Halos hindi ko makita ang mga galaw nila. Iba't-ibang kulay ang nakikita ko sa paligid. Sobrang bilis nilang kumilos. Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang pinagmamasdan ko sila dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kapangyarihang mayroon ako. Paano kung wala talaga akong kapangyarihan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD