Chapter 5

1383 Words
Selestine's POV. Nagpatuloy silang naglaban. Hindi ko na sila halos makita dahil sa bilis ng bawat galaw nila. Parang ilaw na lang ang nasisilayan ko sa paligid. Nakapalumbaba ako habang pinagmamasdan sila. Napapoker face ako bigla. Paano ko naman sila mapapanood niyan kung wala na ko halos masilayan, Ms. Mikhaela? Habang nakatingin pa rin ako sa aking mga kaklase na naglalaban ay may bigla na lang may bagay na lumipad patungo sa direksyon ko. Dahil sa pagkataranta ay napapikit na lang ako at humiling sa aking isipan. 'Stop using magic.' Dinilat ko ang aking mga mata ng mapansin na wala namang tumatamang bagay sa direksyon ko. Doon ko lang nakita na ang mga magic na nakapaligid sa mga kaklase ko ay naglaho na lang bigla. Nagulat ako at nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Nagtaka rin sila sa nangyari at napatingin sa direksyon ko. Hala! Wala akong ginagawginaga “Hmm. . . Its okay. P’wede na kayong pumunta sa susunod n'yong klase." Napalingon ang lahat kay Ms Mikhaela ng magsalita siya at nakita namin siyang nakahalumbaba habang nakangiti sa akin. Patay! Mukhang may alam siya sa nangyari. Kinakabahan akong tumingin na lang sa ibang direksyon para iwasan ang ngiti niya. Samantala, walang nagawa sina Brynna kundi sumunod na lang sa kanya. Habang naglalakad kami patungo sa aming susunod na klase ay naging usapan nila ang tungkol sa nangyari kanina at dahil mabait ako, pinili ko na lang manahimik dahil wala naman akong kinalaman doon. Wala naman talaga, hindi ba? "Ano kayang nangyari kanina? Bakit bigla tayong nahinto sa paggamit ng mahika kanina kahit hindi naman na 'tin inuutos sa ating sarili na ihinto?" Nakasimangot na tanong ni Brynna sa amin. "Hmm. . . Seles, may ginawa ka ba nang naglalaban kami kanina?" Nabaling sa akin ang atensyon ng lahat dahil sa tanong ni Kendrix. Kinakabahan naman akong ngumiti sa kanila. Relax, Seles. Wala kang ginawang masama kanina. "W-wala. Bakit?" Nagkunwari pa kong nagtataka para mas kapani-paniwala. Best actress yata ako sa school namin no! Sana hindi ako mahalata. Inisip ko lang naman ‘yun eh. "Ah, okay." They said in chorus except kay Blue Boy kaya nakahinga ako ng malalim Tss. Asa naman na kausapin ako ng matino ni Blue Boy. Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto kami sa paglalakad at pumasok sa isang kuwarto. Nang makapasok kami sa loob ay nawala bigla sa isipan ko ang nangyari kanina dahil sa nakita ko. Hindi pala ito isang ordinaryong kuwarto lang. Isa itong hologram museum. I think history ang pag-aaralan namin dito. Wow! Para akong napunta sa isang field trip ng libre. Kung may dala nga lang akong cellphone at kumuha na ko ng litrato dito. "Hey, kids!" Napalingon kami sa isang lalake na nakaupo sa sahig ng sumigaw ito. Kulay abo rin ang mata at buhok niya. Pamilya kaya 'to ni Horin? Kapag pinagmasdan ko kasi siya ng maiigi ay kahawig niya si Horin. Nakangiti siya sa amin, pero hindi doon nabaling ang atensyon ko kundi sa hawak niyang libro ng manipis? "Narinig ko na may bago kayong kasama kaya anim na libro na ang dinala ko. For now, catch this!" Bigla niyang pinaghahagis sa amin ang libro na hawak niya kanina. Sinalo namin agad ito. Dahil sa gulat ko at sa bilis ng pagkakahagis niya ay muntikan ko pa itong hindi masalo nang mapunta sa direksyon ko ang isa sa mga libro. "Yahoo! Nasalo ko rin!" Tuwang-tuwa si Kendrix ng masalo niya rin ang isa sa mga libro, pero agad din siyang natigilan at nagtaka pati sila Alliexynne habang nakatingin sa akin. Ako naman ay napakunot ang noo habang nakatingin sa kanila. "Nasalo mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Brynna. "O-oo." Nauutal na tuloy ako sa pagsasalita dahil sa kakaiba nilang reaksyon. Ano naman kung nasalo ko? May mangyayari kaya kapag hindi nasalo? May punishment kayang magaganap? Waah! Buti na lang at nasalo ko siya. "Wow. Ang cool mo talaga, Seles. Ang galing mo pa." Pumalakpak sa akin si Kendrix at sumaludo pa sa harap ko. Tinawanan ko na lang siya. "Guys, let's start na." Sumingit na si Blue Boy sa usapan kaya wala na kaming nagawa kundi magsimula ng magbasa. Malamang, ano pa bang gagawin sa libro. Tss. Ang brainy mo, Seles kahit epal 'tong Blue Boy na 'to. Tss. Pagkabuklat ko ng libro, isang page lang ang nakita ko. Gumagalaw ‘yong mga larawan kaya parang nakikita ko mismo yung nangyayari noong panahon na 'yon. Yung mga letra naman, kapag tapos mo ng basahin ay biglang nagpapalit. Ngayon lang ako nakahawak ng libro na hindi mo kailangang basahin ang istorya, pero kailangan mong panoorin. Ang astig! MAGIC WORLD HISTORY Noon, May isang hindi pang-ordinaryong babae na nagngangalang Brittaney Loraine. Nilalayuan siya ng mga ordinaryong tao dahil sa tuwing may mahahawakan siyang bagay, hayop o tao ay unti-onti itong nagiging abo. Dahil sa pangyayaring ito ay binalak ng mga ordinaryong tao na patayin siya. Subalit, dahil sa kapangyarihang taglay niya ay hindi nagtagumpay ang mga tao na patayin siya. Lahat ng taong nagtatangkang tapusin ang buhay niya ay nagiging abo. Nang tumagal ay naawa at nakonsensya na si Brittaney sa nangyayari kaya nagpakalayo na lang siya. Nag-isip at naghanap ng dahilan kung bakit naiiba siya sa lahat ng taong nakakasalamuha niya. Sa kanyang paglalakbay ay nakilala niya ang isang lalakeng nagngangalang Xyrus Omega. Nagtaka at nagulat siya noong magawa nitong makalapit sa kanya ng hindi man lang nagiging abo. Simula noon ay naging malapit na sila sa isa't-isa. Napag-alaman niya na maging ito rin ay hindi pang-ordinaryong tao tulad niya. Kaya nitong ibalik ang oras sa limitadong paraan dahil kapag sumobra ito sa paggamit ng kapangyarihan nito ay maaari itong mamatay. Magkasabay nilang inalam ang buong pagkatao nila hanggang sa hindi na nila napigilan na mahalin ang isa't isa. Naging malalim ang kanilang pag-iibigan at sa kanilang paglalakbay ay nakilala nila ang iba pang taong gaya nila. Sina Smirkley, Galileo, at Disley. Naging kaibigan nila ang mga ito. Kasama nila ito at ang iba pang taong gaya nila hanggang sa napagpasyahan nilang magtungo sa isang gubat kung saan malayo sa ordinaryong mundo at gumawa ng isang mundo para sa mga kagaya nila. Tinawag nila itong magic world. Namuhay silang masaya. Naging tila isang paraiso ang kanilang lugar sa tulong na rin ng iba't-iba nilang taglay na kapangyarihan. Nakagawa sila ng sarili nilang gamit na tanging sa magic world lang matatagpuan. Sa kabila ng lahat na ito ay hindi napansin nina Brittaney at Xyrus na namumuno sa magic world ang paggawa ng isa pang mundo ng mahika na kakalaban sa kanila. Ginawa ito ni Disley at ng iba pang hindi mapagkakatiwalaan sa magic world upang sila ang maghari sa mundo ng mahika. Si Disley na isang hindi mapagkakatiwalaang kaibigan ni Brittaney ang namumuno dito. Ginawa nitong pagtaksilan si Brittaney dahil may lihim na pagtingin ito kay Xyrus na minamahal naman ni Brittaney. Ang mundong ito ay tinawag na powerful magical world. Hindi lubos maisip nila Brittaney na pinagtaksilan sila ng kanilang kaibigan. Isang araw, biglang sumalakay ang powerful magical world. Walang nagawa ang magic world kundi ang lumaban. Maraming dugo ang lumaganak. Maraming tao ang nagbuwis ng buhay. Nagkaharap sina Brittaney at Disley. Doon nalaman ni Brittaney kung gaano kalaki ang galit ni Disley sa kanya. Sa kasamaang palad ay napatay ni Disley si Brittaney. Nang malaman ito ni Xyrus ay lalo siyang nagalit kay Disley. Siya ang kumalaban kay Disley upang pabagsakin ito at nagtagumpay naman siya. Napatay niya si Disley ngunit sa hindi-inaasang pangyayari ay natamaan si Xyrus sa bandang puso ng isang ligaw na pana na may lason. Doon nagtapos ang labanan. Parehong nagluksa ang dalawang mundo ng mahika dahil sa pagkawala ng kanilang pinuno. Sa kasalukuyan ay parehong immortal na magkasintahang Smirkley at Galileo ang namumuno ngayon sa magic world habang si Diana naman na kapatid ni Disley ang namumuno sa powerful magical world. Hindi pa alam ng lahat sa ngayon kung kailan ulit sasalakay ang powerful magical world. Isa lang ang tiyak nila upang matigil ang alitan sa magkabilang mundo ng mahika. Iyon ay ang pagdating ng isang walang kapantay na kapangyarihan ng isang prinsesa. MAGIC WORLD HISTORY Sumarado ng kusa ang libro pagkatapos nitong magpakita ng ilang imahe. Nakaramdam ako ng kaba sa aking nabasa, pero bigla rin akong napaisip tungkol sa binanggit na prinsesa. Sino kaya siya? Sana dumating na siya para tuluyan ng magwakas ang alitan sa dalawang mundo ng mahika. Kahit pala dito sa mundong ito ay may nagaganap ding giyera. Bumuntong hininga ako ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD