Selestine's POV. "Saan ka ba nakatira, Joe?" tanong ni Tita Sandra kay Joe. Ang mytical creature na kamukha ni Kurt. "Nakatira kami sa ibabaw ng ulap. Nang magkagulo dito sa Magic World ay biglang nagdilim ang langit at siyempre pati ang ulap kaya nagkagulo at nagambala rin kaming mga mytical creature at dahil doon ay maraming naligaw, nalaglag at nawala sa amin kasama na ko. Pagkatapos ay naglakad-lakad ako at nagbabakasakaling may makita akong katulad o kauri ko. Kaya napadpad ako dito. Nabigla pa ko kanina ng tawagin niyo kong Kurt, pero binalewala ko nalang kasi baka may kamukha lang ako sa mundong ito at saka umalis. ‘Yun na nga, nahuli n'yo na nga ako." Dama namin ang lungkot sa boses ni Joe habang kinukuwento ang nangyari sa mga kagaya nilang mytical creatures. Grabe! Hindi la

