CHAPTER TWENTY-NINE Bea's POV: DAHIL sa pag-amin ni Mark, hindi na nagsalita pa si Fiona. But still, yung titig nito sa akin halos gusto akong kainin ng buhay. Pero syempre, mas inasar ko siya sa pamamagitan ni Nico. Lagi akong nakahawak sa pinsan niya na tila isa akong ahas sa sobrang pagkakapulupot. Tumigil na rin ang sagutan nila nang pumasok si Lola para sawayin ang dalawa. "Apo, nagugutom na ako. Wala ba kayong pagkain na niluto?", saad ng matanda. "Ahm, hindi pa po tapos lutuin. Pero konting hintay na lang.", wika ni Mark. Umupo na kami para hintayin ang niluluto ng binata. Kaya tinuon ko ang pansin kay Nico na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. Siguro, nagseselos pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Kung alam niya lang, ako ang may gawa no'n para pag-awayin sila ni

