CHAPTER THIRTY Mark's POV: BUKOD sa pagkakautang, si Nico rin ang dahilan kung bakit ko nagawang taksilan si Bea. Siya rin ang naging dahilan kung bakit ko tinalikuran at iniwan ang babaeng minahal ko ng husto. At ngayon na hawak na siya ni Nico, panahon na yata para kumilos na rin ako. Sa paningin ni Bea, ako ang nagmumukhang masama. Dehado na ako at sirang-sira sa mata nito. Hindi ko intensyon na patayin ang anak namin. Naipit lang ako sa sitwasyon. Naipit lang ako dahil si mama ang magiging kabayaran kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Fiona. Sising-sisi tuloy ako nang makita ko na meron ng nobyo si Bea. Dapat sana kami pa. Dapat sana masaya pa ang relasyon namin. At dapat sana, isang pamilya na kami na kasama ang anak namin. Pero hindi nangyari, dahil nagpauto at pinairal ko a

