CHAPTER TWENT-THREE Bea's POV: "LOLA, I would like to introduce my girlfriend.", wika ni Nico habang nasa hapag-kainan kami na kasama ang matanda. Sa una, medyo nabingi pa si lola. Pero kinalaunan, natuwa siya sa nalaman niya. Tama nga si Nico, gustong-gusto ako ng lola nito na maging kasintahan niya. "Ako'y lubos na sumaya sa balita niyong dalawa. Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkakamali na magiging kayo sa huli.", nakangiting wika nito. "Bakit naman po lola?", curious na tanong ko. "Dahil ang pag-ibig, sa pagiging aso't-pusa nagsisimula. Panay-away, pero ang totoo palihim na kayong nagkakagusto. Ganyan din kasi kami ng asawa ko. Kaso nga lang, bumitaw siya.", malungkot na kwento nito. Maging ako ay nahawaan ng lungkot dahil naalala ko ulit ang anak ko. Bumitaw din siya at hind

