First (Practice) Date

3527 Words

HALOS lahat ng mata na nadadaanan ni Gabbe pagpasok niya ng university kinabukasan ay nakatingin sa kanya. Pinag-uusapan at pinagtitinginan siya ng mga tao. Naiilang siya dahil hindi siya sanay sa ganoong atensyon ng mga tao. She was known to be Ms. Nobody. Pero ngayon, daig niya pa yata si Lady Gaga na napadpad sa Pilipinas kung pagtinginan ng mga tao. Lumakas din ang mga bulungan kapag lampas niya. Kunot na kunot ang noo niya. What's happening to the world? Bakit tila isa siyang sikat na artista kung pagtinginan ng mga ito? Kahapon lang ay dinadaan-daanan lang siya ng mga tao at tila hindi sigurado kung nag-e-exist ba siya pero ngayon ay sikat na sikat na siya. Ngunit hindi naman nagtagal ay nasagot din ang tanong niya nang marinig ang isang babaeng napalakas ang tinig sa pagsasalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD