"THANK you." Pagpapasalamat ni Gabbe kay Prince nang ibigay nito ang bayad nito sa kanya kahit na ba nagsisimula pa lamang at hindi pa tagumpay ang drama nila. "You're welcome. Aanhin mo nga pala ang pera?" "Ahmm. Kailangan kasi ng younger brother ko. Nasa ospital siya ngayon." Agad naman ang pagbadha ng alala sa mukha nito. "Bakit?" Ikinuwento naman niya dito ang sakit ni Briel. "Oh, I see. Sana gumaling na siya." "Sana nga," wika ni Gabbe rito. Kasalukuyan silang nasa kotse ni Prince at pauwi na galing sa restaurant. Ang sabi nito ay ihahatid na siya nito sa mismong bahay nila ngunit nag-insist siya na huwag na. Baka kasi tiyempo na nasa bahay ang isang magulang niya at malaman pa ng mga itong may naghatid sa kanya. Siguradong hindi siya titigilan ng usisa ng mga ito pati na rin an

