SINUSUBUKAN yata talaga ako ng araw na ito, wika ni Gabbe sa isip-isip nang sa wakas ay matapos na rin ang session niya ngayon sa tutee niya. Malapit ng mag-alas nuwebe ng gabi. Umabot sila ng ganoon ni Serena dahil isa na naman ito sa mga araw na sinusumpong ang bata. Hindi naman niya maaring pabayaan ito dahil na rin kailangan nitong sauluhin ang tula na ipe-perform nito bukas para sa isang activity nito sa school. Ganoon ang usapan nila ng magulang ni Serena. Kapag hindi pa naayos ang lahat para sa mga lessons ng bata, hindi pa siya maaring makaalis. Pagod na si Gabbe. Emosyonal at pisikal. Kahit ilang oras na ang nakakalipas, hindi niya pa rin maggawang maalis sa isip ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Prince at Antoinette. Masakit pa rin iyon kahit na ba gumawa siya ng bagay

