bc

Ayan tuloy, NAHULOG AKO!

book_age4+
6
FOLLOW
1K
READ
others
goodgirl
aloof
drama
sweet
lighthearted
campus
highschool
friendship
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Friends could be Lovers BUT Lovers could not be friends anymore."

Boyfie. Isang katawagang ginagamit ng mga kupol. Ay! Mali ang Spelling. KUPOL as in COUPLE. Ginagamit ng mag-boyfriend. Ginagamit din yan ng mag-asawa o mag-MU kung type nila. Pero in my case, wala namang KAMI as in purong AKO at SIYA lang pero ginagamit ko ang salitang 'yan.

Kung bakit? Basahin ang aking kwento.

chap-preview
Free preview
Ayan tuloy, Nahulog ako!
Ayan tuloy, NAHULOG Ako! Boyfie. Isang katawagang ginagamit ng mga kupol. Ay! Mali ang Spelling. KUPOL as in COUPLE. Ginagamit ng mag-boyfriend. Ginagamit din yan ng mag-asawa o mag-MU kung type nila. Pero in my case, wala namang KAMI as in purong AKO at SIYA lang pero ginagamit ko ang salitang 'yan. Kung bakit? Ganito kasi. JUNE 6, 2011 First year high school na ako noon nang makilala ko siya. Nasa parehong section kasi kami. Noong una, siyempre may ilangan. Hindi pa kasi kami magkakakilala noon. Bawat isa sa amin ay nangangapa pa but then, nang makita ko siya parang gusto ko siyang maging kaibigan. All throughout the years kasi na nag-aaral ako, wala akong naging tunay na kaibigan. Kung "kaklase bilang kaibigan" marami ako no'n pero kung ang usapan ay "mga tunay na kaibigan", 'yon ang hindi ko nahanap sa loob ng labintatlong taong pamamalagi ko sa mundong Earth. Kung bakit siya ang gusto kong kaibiganin? 'Yon ay dahil sa tahimik siya, mabait, gentleman, at higit sa lahat nasa kanya ang lahat ng ugali ng isang matinong kabataang lalaki sa 21st century. Parati akong maagang pumapasok at no'ng first day of school, maaga akong pumasok pero may naabutan na akong nakatayo at naghihintay sa harapan ng classroom namin. Mag-isa lang siyang nakatayo roon. Nang makita ko siya napansin ko agad ang kakaibang aura niya at dahil doon gusto kong maging close kami. So, yeah. Dahil sa mahiyain siya, ako ang naunang nagsalita. "Hi! Anong pangalan mo?" - sa totoo lang, nilunok ko lahat ng kahihiyan ko sa katawan kaya ko lang nagawang maglakas-loob na makipag-usap sa kanya. "Vincent Charles"-ngumiti naman siya sa akin at OMO! Ang cute niya! "A-ah, Jessica . Jessie for short." Halos nauutal-utal kong sabi. Ang Cute at gwapo kasi siya. As in, sa pagngiti niya naitago 'yong mga mata niya. Matangkad siya, ang hubog ng katawan niya ay tama lang. Maging ang buhok niya ay bagay na bagay sa kanya. Ang ayos kasi ng buhok niya ay parang ganun sa buhok ni Lee Jong Suk sa film niyang I Hear Your Voice. Grabe ang cool niya! Tapos nakapolo at slacks pa siya. Diba? Kung normal ka lang na babae, talagang mai-inlove ka sa unang pagkikita pa lang. Pero dahil ABNORMAL ako, ang gusto ko lang maging kaibigan siya at hindi nga ako nabigo. Nang araw na 'yon, naging friends na kami. No'ng dumating nga 'yong mga kaklase namin, inaasar nila kami. Kasi raw, palagi kamng magkasama. At no'ng papunta na kasi kami sa gymn dahil may flag ceremony kami, narinig ng mga kaklase ko 'yong sinabi ko na ang itatawag ko na lang sa kanya ay Charles. Ang haba kasi ng Vincent Charles. Kung Vincent naman, dalawang syllable eh di mahaba pa rin. Tapos no'ng narinig nila, ayun. Inasar na nila kami. At dyan nag-umpisa ang lahat. Siya ang palagi kong kasama.Kasabay ko siyang maglakad tuwing lilipat kami ng room para sa next subject, Kasama sa pagre-review, sa pag-uwi, sa paggawa ng assignment, sa pagbili ng meryenda maging sa pagkain ng lunch. Ganyang kami ka-close. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, kulang na lang magkapalit na kami ng mukha sabi nga nila. At sa pangyayaring 'yan, ang saya ko dahil sa wakas nakahanap na rin ako ng isang tunay na kaibigan. Kaibigang hindi niya ako iniiwan kahit na lahat na ng taong nasa paligid ko ay tumalikod na sa akin. JUNE 4, 2012 Second year na kami at dahil sa maraming natanggal sa section namin, kaunti na lang kami ngayon. Dati 42 kami ngayon 20 na lang and I am glad kasi nandito pa rin kami ni Charles. Hindi kami nasama sa unlucky 22 na natanggal at hindi nakatagal sa section namin. At dahil nga naging close na ang bawat isa sa amin dahil nga kakaunti na kami, may kanya-kanyang group of friends na kami ni Charles. Siya kasama niya 'yong mga lalaki niyang kaibigang tuwing kakain habang ako naman eh 'yong dalawang loko-lokong kaibigan ko na nerd din kagaya ko. Hindi na rin kami sabay bumili ng meryenda ngayon. Kung minsan kasi nagme-meryenda siya Habang ako naman nakikipagkwentuhan o kaya gumagawa ng assignment at nagre-review. Siya, hindi ko na siya halos nakakasabay magreview kasi tuwing pu-pwesto kaming dalawa para mag-aral, may nagpapasama sa kanyang bumili o kaya naman, nagtatanong at nanghihiram ng notes. 'Yan kasing si Charles napakabait na nga masipag ding magsulat. At ang kinaiinis ko, hindi siya marunong magalit at tumanggi. Pero sa akin, kaya niyang tumanggi. Ang dahilan niya? Kasi raw kaibigan niya ako at alam kong maiintindihan ko siya. At sa dahilan niyang 'yan, naintindihan ko at inintindi ko siya dahil kahit papaano, alam ko nang hindi siya mawawala sa tabi ko kasi nga kaibigan ko siya. Hindi na kami katulad ng dati. Masaya, kasi halos lahat kami malapit na sa isa't isa. Pero sa part namin, malungkot kasi nawala na 'yong masayang samahan na binuo namin ng kaming dalawa lang. Ganun lang ang nangyari sa loob ng isang taon at sa isang taon na 'yon, araw-araw akong nakakaramdam ng takot. Takot na baka paggising ko isang araw, wala na siya. Nakuha na siya ng mga kaklase ko. Natatakot ako na baka mawalan ako ng kaibigan. Natatakot ako na baka ang sinasabi kong "tunay na kaibigan" na sinasabi kong nahanap ko na ay tuluyan nang mawala. JUNE 3, 2013 Third year na kami ngayon at kung kumusta ang pagkakaibigan naming magkakaklase? Well, okay lang naman. Walang pinagbago. Close pa rin kaming lahat pero sa ngayon, may mga bagay-bagay na kaming pinag-aawayan. Halos lahat ng simple at maliliit na bagay, pinag-aawayan namin. Pati pagbura ng mga nakasulat sa pisara, pinagtatalunan. Pero at least, kahit ganun, alam mong at the end of the day, kaibigan mo pa rin sila. Sa ngayon, may mga kanya-kanya na rin kaming group of friends. At nakakalungkot kasi, nahiwalay na kami ni Charles ngayon sa lahat ng bagay. Masyado na kasi kaming maraming kaibigan eh. Parang ako, kung hindi 'yong dalawang babaeng nerd na kaibigan ko ang kasama ko, 'yong mga KPOP fanatic naman o kaya kung minsan, si Charles. Ganun din naman si Charles. Iba-iba na rin ang kasama niya. Pero atleast sa ngayon, madalas na kaming magkasama. Kung noong second year eh, nabago ang samahan namin I think kailangan ko pang magpasalamat kasi nang dahil doon, naging matatag at mas naging close kami. Kung bakit? Siya rin ang nakapansin. Napansin niya raw na parang lumalayo na ang loob namin sa isa't isa. He even apologized to me kasi raw nakalimutan niya ang pinakaunang taong tumanggap sa kanya. At sino ba naman ako para tumanggi diba? So yeah, tinanggap ko uli siya at masasabi kong masaya ako ngayon. Sa bawat paglipas ng araw naging mas dikit kami sa isa't isa. Palagi kaming nauunang dalawa sa pagpasok at sabay rin kaming umuuwi. Pat isa pagkain at pagmemeryenda, magkasama kami. Sa pagre-review at paggawa ng assignment, solid tutor niya ako sa Math tapos siya naman solid tutor ko sa English. Palaging may tawanan, asaran, batuhan ng notebook at ang nakakatawa sa lahat, kung minsan napupunta pa kami sa labas ng room para maghabulan.'Yong iba ngang estudyante sa iba't ibang room, natatawa-tawa na lang sa amin eh. Ang saya. Masaya dahil bumalik na ang lahat. Parang bumalik kami noong first year pa lang kami at parang mayroon kaming sariling mundo na dalawa. Kund no'ng last year eh halos hindi kami magkasama, ngayon naman halos hindi na kami maghiwalay. Tuwing may magpapasama sa kanyang bumili sinasamahan niya pa rin pero bumabalik agad siya sa akin. Tuwing lilipat kami ng room para sa next subject, palagi rin kaming magkasabay na dalawa at may bonus pa. Palaging nakakawit ang kamay ko sa braso niya tuloy napagkakamalan kaming mag-BOYFIE. Pati mga classmate namin, inaasar nila kami. Sinasabi nilang crush ko raw siya o kaya nama'y kami na. Kung minsan nga na hindi ko siya kasama kasi absent siya tatabungin nila kung nasaan daw ba 'yong "boyfriend" ko at ako naman, tatawa-tawa lang. Pati 'yong dalawang babaeng kaibigan ko, inaasar nila ako na crush ko raw siya. Pero ako? OO na lang ang sagot ko. Alam ko naman kasi na alam nilang hindi kami magkakagusto sa isa't isa romantically kasi nga bukod sa bestfriends kami, seryoso kami sa pag-aaral. Alam nilang seryoso ako sa pag-aaral dahil nga Rank 3 ako sa klase at siya naman ay Rank 5. Inaasar pa nila kami na baka naman daw mabuwag friendship namin dahil nga sa magkalaban kami sa rank SAYANG NAMAN DAW. Pero hindi naman 'yon mangyayari. Alam ko 'yon. At dyan na nagsimula ang lahat. Mula sa pang-aasar nila sa amin hanggang sa asaran naming dalawa, hindi ko namalayan may nabago na pala. Oo nga't nakalimutan ko na ang takot na dulot ng ideyang baka mawala siya sa akin pero hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng takot. Takot na baka mahulog ako sa kanya dahil itanggi ko man sa sarili ko ng mahigit isang milyong beses, I can't change the fact na may nabago na. JUNE 2, 2014 Senior years. 'Yan daw ang Dapat na i-cherish ng bawat high school student kasi ito na ang last year nila sa school na pinag-aaralan nila at katulad ng sa Elementary, pagkatapos ng high school panibagong kabanata na naman ang mabubuksan katulad ng pagbubukas ng puso mo para sa mga bagong kaibigan. Sa loob ng apat na taong ipinamalagi mo sa high school, ito ang pinakadapat enjoy-in mo and at the same time kailangan din namang seryosohin. Ito na ang last year na kailangang pagbutihin dahil kung hindi, mawawala ang pinaghirapan mo ng apat tatlong taon. Sa taong ito, napakarami kong naging achievements. Isa na riyan ang pagiging rank 3 ng klase, pagkapanalo sa isang regional competition at higit sa lahat, sa successful na pag-accomplish ng research paper na hindi karaniwang gawain ng isang high school student. Naging matatag pa rin naman ang pagkakaibigan ng lahat. Magkasama sa lahat ng asaran, lokohan at bangayan. Pati nga pag-i-skip sa klase nagawa na namin eh. Ilang beses na rin kaming napagalitan at napalabas ng teacher kasi hindi kami nakikinig sa tinuturo niya. Nakakalungkot dahil nagagawa namin ang mga bagay na 'yon pero sa halip na mag-iyak-iyak o manlumo, tinatawanan at ini-enjoy na lang namin. Ano bang magagawa namin? Eh sa boring magturo ang teacher eh. HAHAHA Sa mga karumal-dumal na gawain naming 'yan, si Charles ang palaging pumipigil sa amin. Siya ang nagsusuway sa amin tuwing maingay kami, siya ang nagpapakalma sa bawat isa tuwing may awayan o bangayan at higit sa lahat, siya ang pangunahing umaayaw tuwing naiisipan naming mag-skip ng klase. Matino siya eh. Mabait, masunurin at oh, ang greatest fear pala niya ay makikita ng mga taong nag-aaway o nagagalit. Tuwing may ganun kasi, natatakot siya. At ako naman, ang trabaho ko ay ang tawanan siya. Hindi ko alam ang mangomfort eh. Sa taon ding ito, napakaraming beses sa isang linggo ang wala kaming klase. Akala ko nga dahil graduating eh busy pero sa kaso namin, iba. Minsan nga sa isang araw isa lang klase namin eh at first subject pa. Oh diba? Eh di ang labas, mula 8:30 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, naglalaro, nag-aasaran, nagmomovie marathon at parelax-relax lang kami. Kami naman ni Charles, ganun pa rin. Talagang masasabi kong SOLID mag-bestfriends na kami ngayon. Hindi na rin Charles ang tawag ko sa kanya kundi Vincent. 'Yon kasing mga kaklase namin, Charles na rin ang tawag sa kanya. Ayaw ko nga ng ganun. Gusto ko ako lang ang tatawag sa kanya no'n kaya Vincent na lang. Pero ang madalas na tawag ko sa kanya ay BOYFIE. Nagsimula ko siyang tawagin ng ganyan no'ng mga panahong palagi nilang sinasabi na magkasintahan kami. *** "Oy, Jessie. Bakit di ata kayo magkasabay maglunch ng boyfriend mo ngayon?" Yan ang lagi nilang pang-asar sa akin tuwing dumarating ako ng room pagkatapos mag-lunch. Ako naman, sinasakyan ko lang. Ang sagot ko? Ganito. "Ah, kasi hindi namin trip magsabay ni Boyfie ngayon kumain. Di bale, magkasabay naman kaming uuwi mamaya eh, diba BOYFIE?" Akala ko, maiilang siya o kaya'y magagalit at lalayo pero hindi ganun ang nangyari. Sa halip, sinasang-ayunan pa niya. Sinasagot pa niya. *** "Bye, guys. See you tom." 'Yan palagi ang naririnig namin sa bawat isa tuwing uwian na. At dahil maram sa aming magkakaklase ang magkakasabay dahil nga may mga nakatira sa iisang baranggay lang, kanya-kanyang grupo naman ng barkada tuwing uwin. Pero ako? Wala akong kasamang uuwi kasi wala naman akong kaklase na ka-barangay ko. "Uy, Boyfie. May pupuntahan ka pa ba sa bayan kaya ka sumasabay sa akin? Gabi na ah." Pansin ko kasi hindi siya sumabay sa mga ka-barangay niya eh als-siyete na ng gabi. Wala na siyang masasakyan kapag wala siyang kasama. "Yun nga eh. Gabi na. Hatid na lang muna kita sa may sakayan niyo ng tricycle para may kasama kang maglakad." At dahil do'n, parang may something sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Ang sweet kasi niya eh. Hindi kami pero na-swi-sweetan pa rin ako sa mga kilos niya. He's really a gentleman. *** Ang mga sweet moments na nangyayari sa aming dalawa ay nagtuloy-tuloy. Umabot pa sa puntong talagang kaming dalawa lang ang magkasama nuong araw no'ng hindi natuloy ang practice namin sa isang play at kaming dalawa lang ang hindi na-inform. Nakakatawa nga no'n. Nilakad namin ang Robinsons para lang bumili ng Mr. IceCream. Tapos habang naglalakad pa kami, lakad-takbo ang ginagawa namin at dahil nga sa makulit ako, palagi ko siyang inaasar na nauuwi naman sa habulan. Ang saya-saya. Pero isang araw... "Jessie, baka naman inlove ka na dyan sa bestfriend mong 'yan ah." "Oo nga. This fast few days kasi, napapansin naming hindi na healthy ang pagsasama niyong dalawa. Para na kayong may sariling mundo, ganun." Pag-usisa ng dalawa kong kasama sa pagkain ng lunch. "Naku, hindi ah. Talagang friends lang kami. Hindi kami magkakagusto sa isa't isa 'no." Pero sa totoo lang, matagal ko nang napapansin. Last year pa. Tuwing magkasama kami, masya ako. Tuwing may kasama siyang ibang kaklase namin at nawawalam siya ng time sa akin, naiinis at nagtatampo ako pero hindi ko pinapakita nor pinapahalata sa kanya. Baka mamaya sabihin niyang makasarili ako. No'ng una, akala ko kaya lang ako nakakaramdam ng ganung mga bagay ay dahil sa ayoko siyang mawala sa akin. Dahil ayokong mawala siya sa tabi ko kasi nga siya ang bestfriend ko. Na baka lang ako masyadong apektado pagdating sa kanya kasi nga, masyado akong na-attach sa kanya. Kasi nga nag-iisa siyang bestfriend ko mula pa noong una. Pero, i-deny ko man ng i-deny, alam kong may mali. Kasi kung kaibigan ko siya, hindi ako magtatampo sa tuwing may kasama siyang babae. Kasi kung talagang bestfriend ko siya, hindi sana ako apektado sa mga ngiti at tawa niya. Na ang pagbabagong sinasabi ko sa relasyon naming dalawa noong third year high school pa lang kami ay ang katotohanang may isa sa amin ang nahulog na sa isa. At sa kasamaang palad ako 'yon. Ngayon, tanggap ko na. Tanggap ko na na mahal ko na siya. Na sa bawat pagtawag ko ng BOYFIE sa kanya, wala nang halong biro at seryoso na. Kasi naman. Napaka-careles ko. Pero somehow, sinisisi ko rin siya. Kasi naman, sa bawat asaran, tawanan, nakiki-cooperate siya. Pati ang pagtawag ko ng boyfie sa kanya, sinasakyan niya. Ayan tuloy, NAHULOG Ako! Isang araw nagising na lang akong umiiyak dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko. Kung ipapaalam ko ba ang totoong nararamdaman ko o ilihim ko na lang kasi malapit na rin naman kaming maghiwalay ng landas eh. Napakahirap nitong sitwasyon ko. Ngayon, alam ko na. Alam ko na na sa lahat ng relasyon, ang pag-ibig na nabuo sa pagkakaibigan ang pinakamahirap i-handle. 'Yang mga "You and Me Against the World", o kaya naman "Pretend-Girlfriend-Turned-Into-Real" o kahit pa "Childhood Lovers", walang panama 'yan sa sitwasyon ko ngayon. At napakahirap magdesisyon. Either mawala siya sa akin pag nalaman niya o kaya matuwa siya. Kaya ayokong sumugal. Kapag kasi ang magkaibigan lumagpas sa limitations nila bilang magkaibigan, mababago na ang lahat at hindi na maibabalik sa dati. "Friends could be Lovers BUT Lovers could not be friends anymore." DECEMBER 18, 2014 Christmas Party namin ngayon and guess what? Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung sino ang nakabunot sa akin. Ang sabi ko ang gusto kong regalo ay libro. No'ng matapos kasi ang bunutan, ang sabi ni Vincent may nagpapatanong daw kung anong libro 'yong gusto ko. Sinabi ko naman ang title pero hindi naman niya sinabi kung sinong nakabunot sa akin.Kahit ngayon na bigayan na, nandito lang ako sa upuan ko at hinihintay ang taong 'yon para ibigay sa akin ang regalo niya. "Merry Christmas" Nagulat ako nang bigla kong makita si Vincent sa harap ko at may hawak na gift. "Boyfie?" Tanong ko na sinagot naman niya agad. "Oo. Ako ang nakabunot sa'yo." Sa sobrang saya ko lalo na't tinupad niya ang gusto kong regalo, napayakap ako sa kanya at saka nagsisigaw ng "thank you". Hay naku. Ang sabi ko, Dapat iwasan ko na siya ngayong araw. Ba't ko pa siya niyakap? Pagkatapos ng araw na iyon, bakasyon na. Sa January na ang balik namin. At ipinapangako ko sa sarili ko na kasabay ng pagtatapos ng taon ay ang pagtatapos ng nararamdaman ko sa kanya. JANUARY 5, 2015 Bagong taon, bagong pag-asa para sa bawat tao. Bagong pag-asa para magbagong buhay. At para sa akin, Bagong pag-asa para kalimutan ang nararamdaman ko para kay Charles. Sa two weeks na vacation, hindi ko naman siya nakalimutan eh. Kaya ang goal ko ngayon ay ang iwasan siya at sana sa pagkakakataong ito, hindi na ako mabigo. MARCH 28, 2015 Ngayon na ang graduation namin. Ang saya! Sa wakas makakamit ko na rin ang bunga ng mga sakripisyo't paghihirap ko. 'Yon nga lang, hindi ako ang rank 3. Natalo ako sa extra eh. Pero okay lang, at least nakasama pa rin sa ranking. "Second Honorable Mention, Jessica Romualdez!" ngiting-ngiti akong tumayo mula sa upuan ako nang tinawag ng Emcee ang pangalan ko. Nakita ko rin sina Mama at Papa na papalapit sa akin na halatang masaya at proud kasi 'yong panganay nila ga-graduate na sa high school. Ang bilis ng panahon. Dati, isa pa lang musmos na bata na umiiyak kapag hindi ako binilhan ng Barbie doll. Ngayon, hindi na Barbie doll ang iniiyakan ko kundi lalaki. Bago ako umakyat, pasimple ko pang sinilip si Vincent pero nakakalungkot kasi wala na siya sa upuan niya. Asan kaya siya? Baka nag-CR? Ba't naman ngayon lang siya nag-CR kung kailan ako na ang bida? Nang makaakyat kami sa stage, sinalubog kami ng adviser ko. At habang isinusuot sa akin ang mga medals ko, sinasabi ang awards ko. Sa totoo lang, hindi sa mga medals at awards nakapokus ang atensyon ko ngayon kundi sa mga taong nakapaligid sa akin. Halos lahat ng estudyante nakangiti. May mangilan-ngilan na halatang walang pakialam sa nangyayari pero pansin kung nagtatawanan sila, na parang ang saya-saya nila. Nang ibaling ko naman ang paningi ko sa bleachers, nando'n ang mga parents na matyagang nanunuod at hinihintay na matawag ang pangalan ng kani-kanilang anak. Sa bandang gilid naman ng mga estudyante, kita ko ang mga gurong tumulong sa akin at naging kasangkapan para maging remarkable ang high school life ko. At ang huli kong sinulyapan bago bumaba ng stage ay ang mga kaklase kong nakangiti sa akin nang hindi maintindihan ang kahulugan. Nagtaka naman ako. Ba't ganyan sila makatingin? Gayon na lamang ang pagkabigla ko nang ma-realize kong naiba na pala ang tugtog. Ang dating graduation march na karaniwang pinaatugtog ay napalitan na ng kantang 'Forevermore'. Nang lumingon ako sa kabuuan ng gymn ay nakita kong halos lahat sila ay kinilig. Bakit kaya? "Jessie..." At ang katanungang iyon ay nasagot nang biglang magsalita ang lalaking ilang buwan ko nang iniiwasan. Naglalakad na siya ngayon papalapit sa amin. Gano'n pa rin ang ayos niya. Naka-toga pero tinanggal niya ang graduation cup niya. Ang kanang kamay niya'y may hawak na microphone at ang kabila nama'y ginamit niyang panghawak sa isang bouquet ng mga paborito kong bulaklak. Nang makalapit siya sa akin ay ibinigay niya ang bulaklak sa akin at saka hinawakan ang isang kamay. "Jessie, ang tagal kong hinintay ang araw na 'to. Ang araw kung kailan ko masasabi ang totoong nararamdaman ko sa'yo." Huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. Sa mga mata lang siya nakatingin. "No'ng unang araw pa lang na nakita kita, nakuha mo na agad ang atensyon ko. Nasa malayo ka pa lang, napansin na agad kita. At no'ng nakalapit ka na sa akin, gusting gusto kong tanungin ang pangalan mo 'yon nga lang, nalunok ko ata dila ko. Hindi ko kasi mabanggit-banggit ang mga salitang 'yon nang makita ko ang mga ngiti mo sa akin. At nakakatawa dahil sumang-ayon sa akin ang tadhana dahil hindi ko na kailangan pang magtanong. Ikaw na kasi ang naunang nagsalita at nagtanong ng pangalan ko. No'ng ginawa mo 'yon, ang saya ko pero at the same time, kinabahan ako. Natorpe na naman ata ako. Pati pangalan ko, hindi ko na mabanggit. Pero ang sabi ko, it's now or never. Kaya kahit mahirap, inilabas o ang dila ko saka nagsalita." Natawa naman lahat ng tao nang marinig nila ang sinabi niyang iyon. Naalala ko tuloy no'ng una naming pagkikita. Hindi ko akalaing nakatingin na siya sa akin no'n. Pero tama ang hinala ko. Nahihiya siya no'n. Hihi "No'ng sinabi mong Charles ang itatawag mo sa akin, parang nanigas ako no'n sa kinatatayuan ko. Hindi mo lang napansin pero napatigil ako no'n sa paglalakad dahil kailangan kong pakalmahin ang puso ko. Naghurumintado kasi dahil sa sinabi mo. Ayon kasi sa nabasa ko, kapag may unique na tawag sa'yo ang isang tao, mahalaga ka sa kanya. And I assume na parehas kayo ng rason. At 'yon nga, dahil sa sinuwertel, naging magkaibigan tayo. Bestfriends to be specific. At doon NA MAS LUMALIM ANG NARARAMDAMAN KO SA'YO." Tumingin siya sa mga kaklase namin at saka muling nagsalita. "Sila ang saksi sa mga pinaqgdaanan nating dalawa. Sila ang nakikita ng mga asaran natin, nakitawa sila sa mga tawanan natin at nakakainis mang isipin, sila rin minsan ang umaagaw sa'yo sa akin. Alam kong ang selfish pero sa tuwing nagpapasama sila sa akin o kaya nang-iistorbo sila sa akin tuwing magkasama tayo, naiinis ako. Hindi ko lang pinapakita sa'yo dahil ayokong ma-turn off ka sa akin at sabihing makasarili ako." Nakakatawa. Siya, kaya hindi makatanggi kasi iniisip niyang matu-turn off ako sa kanya. Samantalang ako, naiinis sa kanya dahil sa payag siya ng payag. "Na-realize ko ang totoong nararamdaman ko noong tinawag mo akong boyfie for the first time." Nang dahil sa sinabi niya, naiyak na ako. Hindi ko mapigilan eh. "Mahal kita, Jessie. Matagal na akong aware sa nararamdaman mo pero pinili ko pa ring balewalain 'yon dahil hindi pa iyon ang tamang oras. At saka, natatakot ako sa Papa mo. Pero ngayon, pwede na. Kung tutuusin, napakaswerte natin dahil ang ganda ng love story natin. Parang isang ordinary lang pero napakahirap palang i-handle. Nagsimula sa tanungan ng pangalan, naging magkaibigan, nag-asaran, nagtawanan at naging masaya sa tabi ng isa't isa. At siyempre, naghabulan. At sa habulan nating iyon, nadapa ka. Pero ang nakakatawa, nadapa rin ako.Dinaluhan kita kaya ngayon parehas tayong nahulog. " Tumili naman ang mga estudyante na parang kinikilig sa sinabi ni Boyfie. Ako naman, sobrang pula na ng mukha. Shockkssss!!!! This is sooooo.... Nandito ang Papa ko. Strikto 'yan. "Kaya Girlfie, can I court you?" Akala ko naman, tatanungin niya akong maging girlfriend. PSH Pero gayun pa man, nag-aalangan pa rin ako. Iniisip ko kasi sina Papa. Baka magalit sila sa akin. At tila nabasa naman iyon agad ni Boyfie dahil sa dumepensa siya kaagad. "H'wag kang mag-alala. Naipaalam ko na kay Tito. Dapat nga tatanungin kita kung pwede kitang maging girlfriend eh pero 'di nakalusot. Strikto. Ligaw daw muna dapat." Natawa na naman ulit ang mga tao sa sinabi niyang 'yon. Nang lumingon naman ako kina Papa, nakangiti lang siya at nag-thumbs up pa sa akin. "So, Jessie, Girlfie, tinatanggap mo na ba? Can I court you?" Puno ng pag-asang tanong niya na agad ko naman sinagot. "Yes!" Sino ba naman ako para tumanggi diba? Kasabay ng pagsagot ko sa kanya ay ang mahigpit niyang yakap. "I love you. And I promise, hindi ko sisirain ang pagkakaibigan natin. Manliligaw ako sa'yo pero gusto kong malaman mo na I can be you bestfriend, your boyfriend, your brother and also your husband. Kung papaya ka. I love you. Always and endless." Mas lalong nagsigawan ang mga tao. Narinig ko pang sinabi nilang kiss at ang mokong may balak nga ata akong i-kiss. Kinilig naman ako. Hahaha. Pero... Teka?!!! Nandito si Papa! Magagalit siya. At tama nga ang hinala ko dahil papalapit pa lang ang mukha ni Boyfie sa mukha ko eh sumigaw na agad si Papa ng "HOY! BAWAL PA! KASAMA SA USAPAN NATIN 'YAN. Try it and I'll kick you!" Nang dahil doon, tawang-tawa ang mga tao. Pati nga si Boyfie nakitawa rin. Hmp! Pero maya-maya, napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang mainit at magaan niyang halik sa aking noo sabay bulong ng I love you. "I love you." "I love you, too." Alam kong magiging masaya na ako pagkatapos ng araw na ito. Sa wakas, nahanap ko na rin ang taong matagal ko nang hinahanap. Nagsimula sa isang awkward na pagkakakilala magtatapos sa isang napaka-sweet na ending. Dati ang hinahanap ko lang naman ay isang totoong kaibigan. Pero dahil pilyo si kupido, kung sino pa ang nerd at loner, siya pa ang pinana. But then, thankful naman ako sa kanya. Kasi hindi lang ako nakahanap ng isang kaibigan, natagpuan ko rin ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Alam kong darating ang mga bagyo at dagok sa buhay naming dalawa, pero alam kong kakayanin namin ito. Pasasaan pa't naging magkaibigan and at the same time, magkasintahan kung hindi kami lalaban, di ba? Isa pang natutunan ko, hindi porke't magkaibigan kayo ay hindi na kayo pwedeng maging magkasintahan. Hindi rin rason ang pagkakaibigan niyo para sumuko kayo at itago ang nararamdaman natin. Tandaan, habang may buhay, may pag-asa. And through my own love story, I learned that: "Friendship could lead to a romantic relationship and if the two persons know how to handle the situation, romantic relationship could not break friendship but it could make friendship stronger and better than before. And friendship also leads love into its forever." ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook