Kabanata 4 | Dinner

1776 Words
NEO SAMANIEGO Nag iwan na naman ng sticky note 'yong babaeng may pink na buhok sa ilalim ng desk niya. Nakasanayan kong iyon ang una kong pinagkakaabalahan sa tuwing papasok ako sa classroom na ito para sa klase namin. Alam kong mali itong ginagawa kong pagsagot sa mga assignments niya. Pero hindi ko magawa-gawang pigilan ang sarili ko. Sa tuwing nag iiwan siya ng sticky note ay excited agad akong sagutan 'yon. Abala ako sa pagsagot ng assignment niya nang napansin kong may strawberry sa ilalim ng desk ko. Pinakatitigan ko iyon saglit bago ako nagpasyang yumuko upang kunin 'yon. Pahirapan pa para sa akin ang makuha 'yon dahil talagang inabot ko lang at hindi na ako nag abala pang umalis mula sa pagkakaupo. Minsan talagang tinatamad na ako. Akala ko totoong strawberry pero nang nakuha ko ay isa pala 'yong flash drive. Hindi ko alam kung kanino kaya nagpasya akong tingnan ang files na nasa loob. Baka sakaling magkaroon ako ng ideya kung kanino ito. “Jemuel, pwedeng makahiram ng laptop mo saglit? May titingnan lang sana ako.” “Walang problema, pare,” tugon ng kaibigan ko saka nito iniabot sa akin ang laptop niya. Umalis ako sa upuan ko at piniling maupo sa pinakagilid at pinakalikod para walang ibang makakita sa kung anumang laman nitong flash drive na nahanap ko. Hindi ko alam at baka pribado ang mga files na narito. Hindi ako pakialamero kaya kung may makita man ako dito ay alam kong safe ang sekreto ng may ari. At isa pa, titingnan ko lang naman kung kanino para alam ko kung kanino ko ibabalik. Rumehistro sa laptop ang pangalan ng flash drive. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang Adaline Roa ang nakalagay. Ito 'yong pangalan no'ng babaeng may pink na buhok. Natulala ako saglit at napahilot sa tuktok ng aking ilong. Paano ko ito ngayon ibabalik sa kanya? Oh f**k, Neo! Hindi mo kailangang problemahin ang pagbabalik nitong flash drive na 'to! Pwede namang idaan ito sa mga kaibigan niya. Malalim akong napabuntonghininga at umayos sa upuan. Tatanggalin ko na sana ang flash drive nang napansin kong may files na may title na ‘Yours Truly’. Binuksan ko iyon at nakitang puro selfie niya ang nandoon. Hindi ko naiwasang mapangiti sa mga nakita. Kahit saang anggulo ay talagang napakaganda niya. Dati ko pa siyang napapansin. Hindi ko makakalimutang siya ang pinakaunang babae na napansin ko sa unang araw ng eskwela. Sino bang hindi makakapansin sa kanya? E, siya lang naman ang nag iisang estudyante sa paaralang ito na may pink na buhok. Nagagandahan ako sa kanya pero alam ko ang limitasyon ko kaya hanggang doon lang ako. Balita ko kasi'y nag iisang anak siya ng isang mayamang pamilya na may ari ng isa sa malalaking hospital dito sa lugar namin. Napatikhin ako at umayos na upo nang tila nabalik ako sa katinuan. Hindi ko napansin na panay na pala ang titig ko sa mga litrato niya. Sa katabing file kung nasaan ang mga pictures niya ay may file na date lang ang title. At bukas ang petsang iyon. Alam kong nakikialam na ako pero binuksan ko pa rin. Presentation 'yon para sa Psychiatry 2. Binasa ko ang laman at nakitang maraming mali kaya itinama ko. Iyon ang pinagkaabalahan ko habang nagkaklase. Ang akala ni Doctor Soriano ay nakikinig ako sa klase niya pero ang totoo ay abala ako sa presentation nitong si Adaline. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Hindi dapat ako nakikialam sa kanya. Gusto ko na lamang iuntog itong ulo ko sa dingding nang mabalik naman ako sa katinuan. Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nag ingay sa labas kaya ang iba sa amin ay napatingin sa labas ng bintana. Nakita kong nandoon si Adaline. Napaayos na naman ako ng upo. Bumalik ba siya para sa flash drive niya? Talagang sikat ang babaeng ito. Lahat yata ng estudyante sa paaralang ito ay kilala siya. Ang alam ko ay marami ang nagtangkang manligaw sa kanya pero kahit isa ay wala siyang sinagot. Strict yata ang parents. O baka naman pihikan siya sa lalaki. Minadali ko ang ginagawa ko sa presentation niya at nang natapos ay inabala ko ang sarili ko sa panonood sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagod at antok. Panay na ang hikab niya. Abala pa sa pagtampal ng mga braso niya. Sigurado akong nilalamok na siya d'yan sa labas. Naalala ko tuloy 'yong nangyari kahapon sa cafe. Natatawa talaga ako sa tuwing naaalala ko 'yong mga pinagsasabi niya sa akin. Napansin kong nakalingon na pala sa akin ang lahat kaya tumigil ako sa pagngiti. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. “Mr. Samaniego, ngayon lang kita nakitang ngumingiti habang nagkaklase ako. Mukhang pati ikaw ay nag e-enjoy sa topic natin ngayon na Sexuality and modes of s****l expressions.” Umingay ang buong classroom dahil sa tawanan ng mga kaklase ko. Napakamot na lamang ako sa batok dahil sa kahihiyan. Pagkatapos ng klase ay doon ko lang nagawang ibalik kay Jemuel ang laptop niya. Pumasok si Adaline sa classroom namin nang kumonti ang mga estudyanteng nasa loob. Hindi niya kami pinansin at agad siyang nagtungo sa kanyang upuan at sa palibot nito. Flash drive niya nga ang hinahanap niya. Bakas sa kanyang magandang mukha ang pagkadismaya nang hindi ito nakita. Ilang sandali pa bago ako nagpasyang lumapit sa kanya at ibigay 'yon. “Miss? Ito ba 'yong hinahanap mo?” Nanlaki ang mga mata niya at napatayo siya ng tuwid. Nanatili ang mga titig niya sa flash drive niyang hawak ko. Kahit ang tingnan ako ay hindi niya ginawa. Kumunot ang noo ko. May problema kaya? Bakit parang naestatwa siya? “Miss?” Napakurap-kurap siya at agad na kinuha ang flash drive mula sa akin. “O-oo. I-Ito nga. S-salamat.” “Walang anuman.” “Salamat ulit,” sabi niya at nagmadali na sa paglabas ng classroom. Natulala ako saglit bago ko naalalang kailangan ko palang sabihin sa kanya ang tungkol sa presentation niyang iniba ko. Agad akong tumakbo palabas. Pagkalabas ko'y nasa field na agad siya at tumatakbo papuntang gate. Nagmadali pa tuloy ako sa pagtakbo para maabutan siya. Sa mismong gate ko na siya naabutan. “Sandali!” Hinawakan ko siya sa braso upang pigilan siya. Hinihingal pa ako kaya hindi agad ako nakapagsalita. Bawal sa akin ang tumakbo ng ganun kalayo. Mahina ang puso ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawang tumakbo para lang sa babaeng ito. “B-bakit? A-ayos ka lang?” Bakit siya nauutal? Nasaan na 'yong babaeng mataas ang confidence na sabihing gusto niya akong order-in? “Sorry . . . Pinakealaman ko 'yong sa presenta—” “WHAT?!” sigaw niya. Napalingon tuloy ang ibang mga estudyante sa amin. “W-what?” biglang bawi niya sa pagsigaw. “I corrected some of the mistakes I found on your presentation. Sana ay mapag-aralan mo iyon ngayong gabi.” Natulala siya sa akin. “Seryoso ka ba? Hindi ako ang assigned sa reporting nito. At napag-aralan na ito ng kagrupo ko.” “You can be the reporter instead.” Agad siyang umiling. “Oh no!” “Bakit? I can help you study.” Napaatras agad ako at napaiwas ng tingin. Konti na lang, sasapakin ko na itong sarili ko. Miski siya ay nagulat sa sinabi ko. Hindi naman kami close para tulungan ko siyang mag aral. Oo at lagi akong tumutulong sa kanya sa mga assignments niya but it was beyond her knowledge. “S-seryoso ka ba?” nagpipigil ng ngiti na tanong niya. “Why are you smiling?” Umiling siya. “Wala naman.” Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim. Bukas pa ang cafe kaya sinuhestiyon kong doon kami. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin habang nagtuturo ako o hindi. Wala kasi siyang ibang ginawa kung 'di ang tumango at panoorin akong magsalita. “Naiintindihan mo na ba?” “Ha? Uh . . .” Nagbaba siya ng tingin sa ipad niya. “Ano nga ulit 'yong diagnosis ng paranoia?” Napatitig ako sa kanya. Hindi nga siya nakikinig ng maayos. “Neo, hindi pa ba kayo tapos? Magsasara na,” sabi ni Diane. “Ahh okay. Patapos na,” tugon ko. Muli kong in-explain kay Adaline 'yong itinatanong niya. Pagkatapos ay inaya ko na siyang lumabas. “Salamat ah! Siguro ay i-e-explain ko na lang sa mga kasama ko ito bukas. Hindi pa rin ako convince na ako 'yong mag report, e.” “You can do it, Adaline.” I smiled. Napasinghap siya na ipinagtaka ko. “Kilala mo ako?” Mahina akong natawa. “Walang hindi nakakakilala sa 'yo dito.” “Omg! Alam mo ang pangalan ko!” pagtititili niya pa. Buti na lang at wala na masyadong estudyante ngayon. Nakangiti ko siyang pinanood habang nagsasasayaw sa tuwa. Huminto lang siya nang nag ingay ang kanyang tiyan. “Ay sorry! Hindi pa kasi ako nag d-dinner, e.” Nagulat ako. Mula pa siya sa pang umagang klase. Tapos hindi pa siya kumakain? Saan ba siya galing? “Nag shopping kasi kami after class. Tapos no'ng napansin kong nawawala ang flash drive ay agad akong bumalik. I forgot to grab some food,” pag e-explain niya na mukhang narinig ang tanong ko sa utak ko. “Neo, mauna na ako sa inyo,” sabi ni Diane na tinanguan ko lang. Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng mapagkainan pero halos lahat ng establishments ay sarado na dahil gabing gabi na rin. Wala na akong ibang choice kung 'di si manong na nagsisimula na ring magligpit ng mga paninda niya. Hinila ko si Adaline papunta sa maliit na stall ni Manong Kiko. “Oh, Neo. Ngayon pa natapos ang klase niyo?” “Ah, hindi po, manong. May ginawa lang sa cafe.” Nilingon ko si Adaline. “Kumakain ka ng mga ganito?” tanong ko sa kanya. Napangiwi siya pero agad ring ngumiti at tumango sa akin. Mukhang hindi siya kumakain ng mga streetfoods. Oo nga pala at mayaman siya. Afford niyang kumain sa mamahaling restaurant. “H-hindi pa. Pero I can try. Sabi din nila masarap ito, e.” Ngumiti ako. Kumuha siya ng isaw at tinikman 'yon. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Tumatalon ang puso ko sa sobrang kaba. Baka hindi niya magustuhan. “Halaaa!” “Bakit?” “Masarap nga!” sabay ngiti niya. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti na rin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong nararamdaman kong tuwa sa puso ko. Bawal ako nito kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko. Pero sa puntong ito ay nae-enjoy ko ang sayang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD