ADALINE ROA
Hindi iyon date 'di ba? It's not a date!
Pero bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko? Why am I so happy? Bakit para akong lumulutang sa ere habang kumakain ng isaw? Bakit sobrang sarap sa pakiramdam? Ang sarap pala ng isaw!
"Where have you been?"
Agad akong tumigil sa pagngiti at huminto sa paglalakad. Paakyat na sana ako ng hagdan, paakyat sa kwarto ko nang narinig ko ang boses ni daddy.
"D-dad! G-gising pa po pala kayo?"
Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Akala ko po tulog na kayo kaya—"
"Alas dose na ng madaling araw, Adaline. Saan ka nanggaling?"
"S-sa school po."
"School? Pang umaga ang klase niyo. Anong ginagawa mo sa school niyo ng ganitong oras?"
"Naiwala ko po kasi 'yong flash drive ko at natagalan po akong hanapin 'yon."
Actually, nagsisimula na akong kabahan. Pinagsalikop ko na ang mga kamay ko habang tinitingnan ako ni daddy. Nagsumbong ba agad ang driver namin? Ang bilis naman niya!
"Pwede ka namang bumili ng bago."
"Nandoon po kasi 'yong presentation namin para bukas, dad. Aawayin ako ng mga groupmates ko if naiwala ko 'yon ng tuluyan."
Ilang sandaling nanatili ang mga titig sa akin ni daddy bago siya tumango.
"Make sure na totoo ang mga rason mo, Adaline. Ayaw kong magkaroon ka ng eskandalo bago ang kasal niyo ni Felix."
Nakayuko akong tumango. "Yes po, dad."
"Umakyat ka na sa kwarto mo— oo nga pala, cancel all your plans this Saturday. We might go out of town that day."
"Po?"
Pero birthday 'yon ni Brooklyn!
"Why? If it's not related to your studies, cancel it. The Griffins will be with us on that day. Hindi ka pwedeng mawala."
Wala akong nagawa kung 'di ang tumango na lang kay daddy. Wala rin namang point kung ipagpipilitan ko pa ang sarili kong pumunta sa party ni Brooklyn. Because whether I like it or not, I have to be somewhere kung saan kasama ang pamilya ni Felix. They were my future in laws. So dapat ay magpa-good shot ako nang magpa good-shot sa kanila. Because that's what my parents wants me to do.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay nahiga na ako sa kama't una kong ginawa ang pagtitipa ng mensahe para kay Brooklyn.
Me: I'm sorry, Brooklyn. I can't make it to your birthday. May biglaang family gathering kami out of town. I might send you gifts na lang. Sorry talaga, girl.
Tumingala ako't marahang huminga ng malalim habang nakatingin sa kisame. Naalala ko bigla ang mga ginawa namin ni Neo kanina. He's just being nice right? Wala namang ibig sabihin 'yong pagtulong niya sa akin para sa presentation namin bukas 'di ba? At 'yong panlilibre niya ng street food, wala lang naman 'yon hindi ba?
Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi bigla siyang naging mabait sa akin pagkatapos niya akong sungitan no'ng nakaraan? May pa I can't afford a brat like you—I can't afford a brat like you pa siyang nalalaman.
Nagbaba ako ng tingin sa phone ko nang mag-vibrate ito. Brooklyn replied.
Brooklyn: You know that I'll appreciate it more if you spare me a little of your time, right? Hindi ka ba pwedeng tumakas d'yan? Sabihin mo may group project tayo.
Kung meron man akong kaibigang sulsulera at bad influence, si Brooklyn na talaga 'yon. Last time itinakas niya rin ako dito sa bahay para lang mag club. Inihatid pa niya ako sa bahay para lang sabihin kay daddy na group project talaga ang ginawa namin. But dad won't be dad kung hindi niya maaamoy ang mga kasinungalingan namin ni Brooklyn. Hindi ko alam na may tracker pala akong dala-dala sa bag ko. Ang nangyari? Isang linggo akong grounded. Pinag-sorry pa ako kay Felix, promising him that I won't do it again.
Ako: We already did that palusot, girl. Remember what happened after?"
Brooklyn: Sayang naman. Kayo na nga lang ni Clara ang friends ko, hindi ka pa pupunta.
Ako: You can still enjoy the party naman kahit without me 'di ba?
Brooklyn: Iba pa rin kapag nandun ka, girl no!
Matagal na natapos ang usapan namin ni Brooklyn. It took me a while before I pursuaded her that I'll be sending her gifts na lang instead of attending the party. But heck! Iyong hininging gift ay 'yong pinaka-latest phone pa na labas ng pinakasikat na brand ngayon ng cellphone dito sa Pinas. Nang uubos yata ng allowance 'yong babaeng iyon, e!
Kinabukasan ay parang lutang pa ako paggising na hindi ko man lang maintindihan ang mga kinikwento ni Felix habang kumakain ako ng breakfast.
"Uuwi si Ate d'yan this week. Gusto mo bang makita ako? Uuwi din ako if you want."
Alanganing ngiti ang ipinakita ko sa kanya. Hindi naman kasi ako excited na makita siya no! Kung uuwi siya dito ay ayos lang, pero kung hindi ay mas mabuti. Mas lalo kasi akong nawawalan ng time sa mga kaibigan ko kapag nandito siya kaya mas mabuti sana kung hindi na muna siya uuwi dito. Besides, busy rin ako sa school. Baka mawala ako sa focus. Yari na naman ako kay daddy kapag nagkataong bumagsak ang mga grades ko.
"It's all up to you, Felix."
"Hmp! Mukhang ayaw mo yatang umuwi ako ah? Hindi mo ba ako nami-miss or may iba ka na ba d'yan?" bakas ang pagtatampo sa kanyang boses nang sabihin 'yon.
"What?!" Medyo napalakas ang boses ko. Eksakto namang kabababa iyon ni daddy at mommy kaya naagaw ko agad ang atensyon nilang dalawa.
"Sinong kausap mo ng ganito kaaga? At sa harap pa talaga ng hapagkainan. Where are your manners, Adaline?" agad na tanong ni daddy.
"Uh, it's Felix, dad."
"Is that so?" tugon nito sa kalmadong boses. Taliwas sa paraan ng pagtatanong niya kanina.
"Hija, I know you misses each other but isn't it too early para mag usap kayo? Can it wait hanggang matapos ang klase mo? Baka ma-late ka. Your dad told me na may presentation ka today... Good morning, hijo," bati ni mommy kay Felix na ngayo'y nakikinig na lang habang pinagsasabihan ako ni mommy dahil sa kagagawan niya.
"Hello po, tita. I'm sorry I had to call Ada this early."
"Walang problema, hijo basta ikaw," singit ni daddy. Of course! Nga naman, basta si Felix anytime pwede akong tawagan. And that's according to dad's rules. Kapag nagpapaalam ako na aalis kailangan ko pang dumaan kay Felix at mapapayag ito para payagan din ako ni daddy. Kasi kung didiretso ako kay daddy ay laging balik tanong nito sa akin ay kung nakapagpaalam na ba raw ako kay Felix at kung pumayag na ba raw ito. Daig ko pa ang may dalawang tatay.
Partida at hindi pa kami kasal ni Felix. Pero may magagawa pa ba ako? E, alam ko namang ito na talaga ang kapalaran ko. Nasanay na rin naman akong sunod-sunuran sa kanila palagi.
"I have to go, Ada. Mag aral kang mabuti," he then winked na nginitian ko lang.
Minadali ko na rin ang pagkain ko matapos kong patayin ang tawag ni Felix.
"Anong napag usapan niyo?" Dad asked.
"Uh... He asked me if gusto ko ba raw siyang umuwi dito this week."
"Oh? Sinabi mo bang gusto mo?" sabik agad na tanong ni dad pabalik.
"Uh..."
"You should prepare for that, hija. Dalhin mo 'tong isa sa mga credit card ko, bumili ka ng mga bagong damit at gamit. You should look good and fabulous in the eyes of Felix."
Tipid na lamang akong ngumiti nang tanggapin ang black card na inaabot ni daddy.