"That was smooth, clear and on point presentation, Ms. Roa. Congratulations to your group. Hm, improving huh!" iyan ang naging komento sa akin ng professor namin nang natapos ako sa aming presentation.
I'm improving? Yeah. Maybe a bit. Hindi ko naman kasi talaga ito ginagawa dati. Sikat man ako sa school na ito, iyon ay dahil kilala ang pamilya ko sa syudad na ito at close friend ng family namin ang may ari. Hindi dahil matalino ako. Kaya ngayon ay gulat na gulat at manghang-mangha ang prof namin at ang mga kaklase ko. Kahit ako nga ay hindi makapaniwala na nakaya kong mag present ng mag isa sa harapan. Of course, may mga konting mistakes pero sobrang konti lang talaga. Kinabahan din naman ako pero hindi gaano. Sinunod ko lang kung anong mga itinuro sa akin ni Neo. This is all thanks to him. Kailangan ko talagang magpasalamat sa kanya sa personal. Okay na ba kung mag thank you lang ako? I think it isn't enough. E, kung ilibre ko kaya siya? Total, nilibre naman niya ako kagabi.
"Ada, paano mo nagawa 'yon? Hindi naman ganun 'yong napag-aralan natin kagabi, ah?" one of my groupmates asked me pagkatapos ng class namin. I chose to keep my silent and just shrugged my shoulders. Ayaw kong mag kwento ng tungkol sa ginawang pagtulong ni Neo sa akin, because I know they'll make it a big deal. Ma-issue pa naman itong mga students sa university na ito. Isa pa, ayaw kong umabot pa ito kay Felix.
Though wala naman akong ginagawang masama pero ayaw kong mag isip siyang nagpapatulong ako sa ibang lalaki. He'll get jealous for sure. Kasi hindi niya ako magawang tulungan sa academics ko.
"Uhh..." Kahit na anong pag iisip ang gawin ko ay hindi ko talaga alam kung anong pwede kong ipalusot na alam kong paniniwalaan nila.
"Ada! Tapos na klase mo?"
Agad akong napabuga ng hangin nang narinig ang boses na 'yon ni Clara. Hindi niya alam kung gaano akong nagpapasalamat sa kanya. You saved me, girl!
"Yep!" nakangiti kong lingon sa kanya.
Lumapit siya sa akin at agad na iniyakap ang mga kamay sa braso ko.
"Tara sa café sa tapat ng school?"
"Ha?"
Inakay niya ako palabas ng classroom pero agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ang sinabi niyang pupuntahan namin.
"Sa café?" paniniguro ko pa. Baka kasi namali lang ako ng pandinig.
"Yeah. Sa café na paboritong tambayan ni Brooklyn. Naghihintay na sila sa atin do'n."
"Ah eh..."
Hindi ako pwedeng pumunta doon! Siguradong nandoon si Neo. Hindi pa ako handang makita siya. Alam kong kailangan ko siyang pasalamatan do'n sa nangyari kagabi at pati na rin sa ginawa niyang pagtulong sa akin sa presentation ko pero hindi pa ako ready na makita siya.
"Why? Is there something wrong?" bakas agad ang pag aalala sa boses ni Clara.
Umiling ako. "Wala naman. Gusto niyong sa ibang café naman? Or gusto niyong mag mall?"
I'm trying to make palusot. Sana naman umubra sa babaeng 'to. Kilala ko pa naman itong si Clara, alam na alam kung kailan ako nagsisinungaling.
"Girl, ano ka ba! Isang oras lang 'yong mga break natin. Lalo na ni Brooklyn kaya wala tayong choice. So, let's go. Huwag ka na munang mag inarte," aniya at muli akong hinila.
Wala akong ibang nagawa kung 'di ang magpatianod na lang sa paghila sa akin ni Clara. Habang nasa daan ay iniisip ko kung paano ko haharapin si Neo. Wala naman akong ibang dapat gawin kung 'di ang magpasalamat sa kanya pero bakit ganito na lang ako kung kabahan? Parang humihilab ang tiyan ko.
Hindi ko alam kung sadya bang malapit ang nilakad namin ni Clara o nalapitan lang ako dahil hindi ko pa gustong pumasok ng café? Sa labas pa lang kasi ay kita ko na si Neo na naroroon sa counter. At pagkatunog na pagkatunog pa lang ng chimes nang buksan namin ang pinto ng café ay agad nang nagtama ang mga mata naming dalawa.
Parang kinuryente ang buo kong katawan. Malamig ang buong café dahil sa aircon pero alam kong hindi iyon ang dahilan kaya ako nakaramdam ng ganoon. Alam kong dahil iyon sa nangyaring tinginan namin ni Neo.
"Ang tagal niyo naman!" reklamo ni Brooklyn.
Si Clara ay dumiretso na sa counter pero ako ay agad na dumulog kina Brooklyn at Dwight.
"Anong nangyari kagabi? Nakita mo ba 'yong flashdrive mo? How about your presentation?" Hindi pa man ako nakakaupo ng maayos ay iyon na agad ang pambungad na tanong sa akin ni Brooklyn.
Bago ko siya sinagot ay tumingin pa muna ako kay Neo. I don't want him to know about the result yet. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanya na kaming dalawa lang. Pero...
"It went well. I got praises after reporting it," mahina kong tugon sa tanong niya, trying not to make Neo hear about it.
"Wow! Really? Ikaw ang nag report?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Brooklyn at nagawa pa talagang tumayo. Napasimangot ako.
"Oh right! Naabutan ko nga siyang nag re-report. And you won't believe me, guys when I say na para siyang napakatalinong tao habang nag re-report sa harap ng klase!" natatawang singit ni Clara which makes us lingon to her. Nakita ko pa si Neo na sinasalansan sa tray ang mga in-order ni Clara.
"Hoy, Clara! Buti na lang walang ibang tao ngayon dito sa café. Makasigaw ka naman kala mo nasa bahay lang, e!" agad na saway ni Brooklyn kay Clara bago ako muling nilingon. "Pero seryoso, you, did it? Ikaw ang nag report? Paano mo nagawa 'yon?"
Sumimangot ako.
"Same question." Hindi pa rin mawala-wala ang mapaglarong ngisi sa labi ni Clara. Lumapit na rin ito sa amin at naupo sa tabi ni Dwight na kanina pang tahimik.
"Huwag niyo na nga akong tanungin tungkol doon!"
Ilang minuto lang ay pumunta na rin si Neo sa table namin para ilapag ang mga order ni Clara.
"Neo, ano na? Nakapagpasya ka na ba?" tanong ni Brooklyn kay Neo. Nawala na agad 'yong usapan tungkol sa akin.
"Oo. Buo na naman na 'yong pasya kong hindi pupunta."
Brooklyn pouted her lips. "Mmm... Sabi mo pag iisipan mo?"
"Yeah. I've thought about it at gano'n pa rin ang desisyon ko."
"Bakit kasi?" pangungulit pa ni Brooklyn.
"Asan na ba kasi siya?" Narinig ko namang tanong ni Clara habang pareho sila ni Dwight na nakatingin sa cellphone nito.
"Papunta na raw. Magkasama sila ng kakambal ko."
"Ang tagal naman."
"Hindi ba pang mayamang party 'yon? Hindi ako bagay do'n." Nagbalik ako ng tingin kay Neo nang narinig ko ang naging sagot niya sa tanong ni Brooklyn.
"Ihhh! Ikaw 'yong pinaka-special na bisita ko doon."
Bahagyang natawa si Neo. "Paano naman ako magiging special? E, wala nga akong pang regalo sa 'yo. Nagtitipid ako, Brook."
"Ano ka ba! Sapat na sa akin 'yong pumunta ka. Saka kahit 'yong sarili mo lang dala mo do'n sa party ko ay pinakamalaking regalo na 'yon na matatanggap ko sa birthday ko no!" sabay kindat pa niya.
"Ano?" Agad na naitakip ni Neo ang tray sa katawan niya.
"Brooklyn!" halos kasabay ko lang ding reaksyon kay Neo. I can't believe this girl.
"What? What's wrong?" Gulat niya akong nilingon.
Gulat ring nagbaba ng tingin sa akin si Neo. Napayuko ako. Parang mas nakakahiya 'yong pagsigaw ko kaysa sa mga sinabi niya kay Neo.
"Uh... N-nothing... I-it's just your... Choice of words?"
Tumaas ang isang kilay ni Brooklyn. Hindi na ako makaangat ng tingin kay Neo dahil sa hiya. Bakit kasi ganoon na lang ang sigaw ko? Parang ang over ko yata mag react?
"What's wrong with my choice of words? Tama naman kasi ang mga sinabi ko. Kaya, Neo I'll be the happiest person in the world kapag dumating ka sa birthday ko."
"Oa naman! Pilit ka nang pilit sa kanya samantalang ako, ayos lang kahit hindi dumalo," singit ko.
"E, kasi ibibili mo ako ng phone kapalit ng hindi mo pagpunta. I've been saving for it for months kaya sobrang happy ko no'ng sinabi mong iyon ang kapalit."
Sumimangot ako. "Tss... Huwag mo nang pilitin 'yan si Neo. Kahit anong gawin mo, hindi 'yan pupunta."
Kinuha ko ang kape ko at humigop doon.
"And why is that?"
Nag angat ako ng tingin kay Neo habang hawak pa rin ang baso at pinaglalaruan ang straw. I found him looking at me intently with his eyebrows furrowed.
Sumandal ako sa likod ng upuan. "Kasi wala ako do'n."