Kabanata 7 | Hot

1602 Words
Nagbadyang umangat ang gilid ng labi ni Neo. Feeling ko napapangiti siya pero pinipigilan niya lang. Nag iwas din siya ng tingin at bumalik na din sa counter dahil bumukas ang glass door at pumasok ang iilang mga students ng school namin. “Alam mo ikaw ang feeling mo din. Pake ni Neo kung hindi ka pumunta?” nakabusangot na sabi ni Brooklyn na agad ko lang pinagtawanan. “Ang tagal niyo namang dalawa! 20 minutes na lang klase ko na,” reklamo ni Clara pagkarating ni Zoren at Dwayne. “Bumili pa kasi ako ng flowers for you,” ani Zoren sabay abot ng isang bouquet ng roses kay Clara na nakangiti naman nitong tinanggap, kilig na kilig naman sa babaero niyang suitor. “Thank you!” “Nakipaglandian pa kasi sa florist kaya natagalan,” sabay hagalpak ng tawa ni Dwayne. “Dude, gago ka ba?” agad na reklamo ni Zoren kay Dwayne. Nagsipagtawanan kaming lahat na nasa lamesa. Lalo pa at kasunod ng reklamo niyang ‘yon ay ang pamomroblema kung paano papakalmahin ang ngayong galit na si Clara. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. May mga times na napag uusapan ang mga plano nila sa birthday ni Brooklyn na hindi naman ako maka-relate, kaya inaabala ko na lang ‘yong mga mata ko sa pagsunod kay Neo na busy sa pag aasikaso sa mga customers niya. “Si Neo pala napapayag kong sumama sa gala mamaya,” biglang sabi ni Dwayne. “Saan kayo?” tanong ni Brooklyn. “Mag b-bar hopping. Ako, sasama ako kasi babantayan ko si Zoren,” si Clara ang sumagot. “Sama ako. Totoo bang sasama si Neo?” si Brooklyn. Tumango si Dwayne. “Isang subject lang kasi papasukan niya mamayang gabi.” “Napapayag niya kasi akala ni Neo mag g-golf sila.” “Hinaan mo nga ‘yang boses mo baka marinig tayo!” agad na saway ni Dwayne sa kakambal niyang si Dwight. “Ikaw, Ada? Sama ka?” tanong ni Dwayne nang lingunin niya ako. Malungkot akong umiling. Never naman akong pinayagan ng parents ko sa mga ganyang gala. I’ve been reserve for Felix. Hindi ako pwedeng pumunta sa mga ganyan dahil baka may makakilala pa sa akin at ma-eskandalo pa ako. Saka natuto na rin ako no’ng isang beses na nag club kami ni Brooklyn. “Oo nga pala. Strict ang parents mo.” “Itatakas kita, girl!” masiglang sabi ni Brooklyn na agad kong pinagtawanan. “Huwag na! Ayaw kong ma-grounded!” Minsan ka lang din naman ma-grounded, ayos lang ‘yan!” pagbibiro pa ni Brooklyn na agad kong inirapan. “Ayaw ko nang umulit no!” sabi ko na pinagtawanan lang niya. Ilang sandaling pagke-kwentuhan pa ay nagpaalam na si Clara na mauunang umalis dahil may pasok pa siya. Agad rin namang nagpasya si Zoren na ihahatid niya ito. Sasama na rin sana ako kahit wala na akong pasok pero agad akong pinigilan ni Brooklyn. “Huwag ka na munang umuwi. Sumama ka na lang sa amin mamaya,” pamimilit ni Brooklyn na agad kong inilingan. “Malalagot ako kay daddy kapag hindi ako umuwi sa eksaktong oras na ibinigay niya. Saka alam mo namang nakaabang lagi ang driver ko.” “Hindi naman niya malalaman na umalis ka!” “Naku! Iyan din sinabi mo sa akin no’n!” “Hindi naman kasi natin alam no’n na may tracker ka palang dala.” “Tsk! Hindi na nga kasi ako sasama. Hindi rin naman ako mahilig sa mga bar hopping na ‘yan.” “Tss! Alam mo nga dapat nag e-enjoy ka ngayon habang hindi pa kayo kasal ni Felix. Kasi kapag kasal na kayo at nakatali ka na sa kanya, naku! Ewan ko na lang. Ngayon pa nga lang na hindi pa kayo kasal ay para ka nang nakatali. Ano pa kaya kapag kasal na kayo?” “Brook, hindi ko naman kasi iniisip ‘yan. Ang mahalaga lang naman kasi sa akin ngayon, ay ang mapanatili ko ang tiwalang ibinigay niya sa akin. Ayaw ko ring ma-disappoint ang parents ko.” “Ay ewan! Bahala ka nga sa buhay mo!” Napapakamot sa ulo na sabi niya. Marahil ay nairita siya sa akin kaya hindi na rin niya ako pinilit. Hindi rin ako nagtagal sa café at nagpasya na rin akong mag mall. Dahil nga bibili ako ng damit at ng iba ko pang kakailanganing gamit para sa pag uwi ni Felix. Hindi ko na inaya sina Clara at Brooklyn dahil nga may ibang plano sila. Binili ko na rin ‘yong cellphone na ipang re-regalo ko kay Brooklyn. Buti na nga lang at nakahabol pa ako. Muntik pa akong maubusan. Hindi ko naman kasi alam na limited lang pala ‘yong unang release at baka sa susunod na buwan pa raw bago dumating ‘yong mga stocks nila. Pagkatapos bilhin ‘yong phone ay nagpasya akong kumain muna sa isang korean resto na nakita ko kanina pagkapasok ko. Mag a-alas siyete na ng gabi at tumatawag na si daddy. Nagpaalam lang ako na kakain saglit bago umuwi. Pinayagan naman niya ako. Hindi pa ako nangangalahati sa kinakain ko nang nakita kong dumaan si Neo na agad ikinunot ng noo ko. Hindi ko na tinawag pa ang waiter at basta ko na lang inilapag ang sampung libo sa lamesa. Nagmadali agad ako sa pagbitbit ng mga pinamili ko at agad na lumabas ng resto. Nakita kong pumasok siya sa isang boutique na panlalaki. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagtungo rin doon. Naabutan ko siyang nagtitingin-tingin ng mga suit. Pero puro tingin lang, ni hindi nga niya hinahawakan. “Bagay sa ‘yo iyong kulay pink na plain.” Gulat niya akong nilingon. “A-adaline…” Agad ko siyang nginitian ng pagkalaki-laki, “Pumipili ka ng suit?” tanong ko. Alanganin ang ngiting ipinakita niya sa akin. “Para saan?” dagdag ko pa. “Uh… Hindi. Nagtitingin-tingin lang.” Dahan-dahan akong tumango. “Window shopping? Akala ko ba aalis kayo ngayon nina Dwayne?” “Uh… Oo, mamaya. Dadaanan daw nila ako dito.” Ngumuso ako at tumango. “Bale dito kayo magkikita?” “Ganoon na nga.” “I see…” Sandali akong natahimik at hindi makatingin sa kanya. Inabala ko ang mga mata ko sa pagtingin-tingin sa mga nakahilerang damit sa aming harapan. “Nag shopping ka? Ang dami mong bitbit. Tulungan na kita dyan,” aniya sabay kuha ng mga paper bags na dala ko, ni hindi man lang hinintay ang magiging sagot ko. “Thanks,” iyon na lang ang naging tugon ko. Alangan namang bawiin ko pa mula sa mga kamay niya. “Galing ka pang school?” “Yeah…” Bahagya siyang natawa, “Ano bang nangyayari? Malamang galing kang school, naka-uniform ka pa, e.” “Ikaw din naman,” sabi ko. “Oo. Kaya nga ako nandito kasi pinapabili ako ni Dwayne ng damit. Sabi niya mag g-golf lang kami, kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang magpalit.” Natawa ako. Hindi niya pa rin pala alam kung saan talaga sila pupunta. “Bakit ka natatawa?” Agad akong umiling. “Wala lang. Halika, tulungan kitang mamili ng damit,” sabi ko at basta na lang siyang hinila sa kung saan may mga polo shirts akong nakita. “Galing na ako d’yan, ang mamahal, Ada.” “Bakit? Hindi ka ba binigyan ni Dwayne ng perang pambili?” “Meron naman. Actually, pinadala nga niya ‘yong credit card niya sa akin. Pero ayaw kong galawin ang pera niya. Ako naman ang gagamit kaya dapat sariling pera ko ang gagamitin ko.” “Oh? Magkano ba budget mo?” “200 lang.” Bahagyang umawang ang labi ko. Hindi ko alam kung may mabibili ba siyang isang pares ng damit sa halagang 200. Napakamot ako sa ulo ko. Kahit tshirt lang ay kukulangin ang budget niya. “Nasaan ang card ni Dwayne?” “Bakit?” tanong niya pa pero kinuha din naman niya sa bulsa niya ang card at agad itong iniabot sa akin. “Huwag kang mag alala. Akong bahala kay Dwayne,” sabi ko. Eksakto rin namang may lumapit na saleslady sa amin kaya agad kong pinagtuturo ang mga damit na gusto kong isukat niya. “Pa-assist ako, miss. Thank you!” “Ada!” mahinang saway ni Neo pero hindi ko siya pinansin. Bagkus ay itinulak ko siya papasok ng fitting room. Naupo ako sa sofa na nasa harapan at doon siya hinintay. Ilang damit din ang isinukat ni Neo na makailang ulit ko ring inilingan. Ilang damit din ang pumasa sa standards ko pero alam kong hindi pang bar hopping. I know he’s already handsome pero gusto ko ay mas lalo siyang gumwapo sa gala nila ngayon. Gusto ko mas gwapo pa siya kina Dwayne, Dwight, at Zoren. Iyong tipong hindi na siya ulit isasabay ng tatlo kasi lahat ng babae sa bar na pupuntahan nila ay siya ang magugustuhan at hindi sila. “Sana naman okay na ‘to? Pagod na ako. Parang ayaw ko nang mag golf.” Natatawa pa ako sa ini-imagine kong mukha ng tatlo nang narinig ko ang reklamo ni Neo. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Natulala ako. Para akong malalaglag sa kinauupuan ko. Ang gwapo niya! No! Ang hot niya! Nakakainis! Parang ayaw ko na lang siyang pasamahin sa gala nila ngayon. Gusto ko na lang yata siyang itago at solohin! “Magpalit ka! Ang pangit mo dyan!” Iritado kong sabi na agad ikinakunot ng noo niya. Nairita din yata sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD