“Wow! Never thought you’ll be that handsome.”
Napalingon ako sa b****a ng boutique at agad na napairap ng makita doon si Dwayne. Kasunod niyang dumating ay sina Zoren, Dwight, Clara at Brooklyn.
“Sabi ni Adaline pangit daw.”
“Ada? Nandito ka? Sabi mo hindi ka sasama?” si Brooklyn na agad lumapit sa akin.
“Hindi naman talaga. Nakita ko lang si Neo dito at tinulungan na ring pumili ng damit at gastahin ‘yong pera ni Dwayne.”
“Tss… Kahit ilang libo pa ang kunin mo, hindi ‘yan basta-bastang mauubos,” singit naman ni Dwayne.
“Tama na ba ‘tong suot ko?”
“You really look good with that, Neo,” sabi pa ni Clara.
Napabusangot ako. Lalo pa at sumang-ayon sa kanya ang lahat.
Hindi na rin ako nagtagal at nagpaalam na rin na uuwi na. Hindi na rin nila ako pinilit na sumama sa kanila at inihatid na lang sa sasakyan namin.
Pagkauwi sa bahay ay naabutan ko si mommy at daddy na nagts-tsaa sa living room. May pinaguusapan silang sigurado akong nakakatawa dahil pareho silang nakangiti nang lumingon sa akin.
“You’re here,” ani dad.
Agad na lumapit ang personal maid ko at kinuha ang mga paper bags na ipinasok ng driver ko.
“Saan po ito, miss?”
“Pakidiretso na lang sa kwarto,” sabi ko bago lumapit kay daddy at iniabot sa kanya ang card niya.
“Mukhang marami ang mga pinamili mo, hija. Make sure na magugustuhan ‘yan ni Felix. I don’t want him to be disappointed, okay?”
Tumango ako. “Of course, dad.”
“You told your father that you’ll have your dinner at the mall kaya hindi ka na namin hinintay at kumain na rin kami.”
“Tapos na rin po ako, mom. Akyat na po ako sa kwarto.”
“Okay. Tomorrow, I’ll check everything you bought, okay?”
Tumango ako at hindi na rin nagtagal sa living room. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay ang cellphone ko agad ang pinakauna kong inatupag.
Dwayne invited me to their group chat. I opened it and found pictures of them na masaya sa bar hopping nila. They were having fun, kahit kasisimula pa lang ng gabi nila.
Sometimes, I get jealous a little bit whenever my friends are having such gatherings or mga gala. Naiinggit ako kasi hindi ko ‘yon magawa anytime I want, unlike them na kahit anong oras at kahit saan nila gusto, ay walang pipigil sa kanila.
While they were having so much fun and living the best out of their lives, ako nandito… Naka-stuck sa apat na sulok ng kwarto ko.
Kaya hindi ko maintindihan ang mga students sa school ko kung bakit inggit na inggit sila sa akin. Some were even mad because mayabang daw ako dahil ipinanganak akong mayaman at lahat daw ng gusto ko ay nakukuha ko. Tsk! Kung alam lang nila.
“May pera nga ako, hindi naman ako masaya,” naibulong ko na lamang bago nahiga sa kama.
Nakatulugan ko ang ganoong posisyon. Nagising ako na mataas na ang sinag ng araw na pumapasok mula sa glass door ng balcony. Naka-uniform pa din pala ako.
Hindi ako lumingon sa pintuan nang narinig ang iilang katok mula roon. Nanatili ang mga tingin ko sa balkonahe.
“Miss, naihanda ko na po ang breakfast niyo.”
“Sina mommy at daddy?” Doon pa lamang ako lumingon sa kanya. Nakapasok na siya ng kwarto ko pero nanatili siya sa hamba ng pintuan.
“Kaaalis lang po ng daddy niyo. Si mommy niyo naman po ay kagabi pa pong umalis at may biglaang operasyon.”
Tumango ako at naghikab pa muna bago bumangon.
“Sige. Maliligo lang muna ako. Sabayan niyo akong kumain, Che.”
“Po? O-okay po. May request po ba kayong pagkain na gusto niyong ipaluto?”
“Just make sure na may fried rice at bacon sa lamesa,” sabi ko at pumasok na ng banyo.
Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay agad na rin akong bumaba. Si Cheche lang ang naabutan ko sa kusina.
“Si Yaya Luz at Manong Gil?” tanong ko at naupo na sa harap ng malawak naming dining table.
“Si Manong Gil po ay kanina pa pong nag umagahan. Si Yaya Luz naman po ay nasa likod, naglalaba.”
Kumunot ang noo ko. “Didn’t I tell you na sasabay kayong mag umagahan sa akin?” I am not sounded as disappointed but sad instead. Hindi ko na nga kasabay ang parents ko mag breakfast, pati ba naman itong mga paborito kong kasama sa bahay ay ayaw pa akong sabayan.
Si Manong Gil ay ang aking personal driver. I am not yet 18 kaya may driver pa ako at hindi pa pinapayagang mag drive mag isa kahit pa alam ko naman na kung paano. I already took lessons kaya easy na lang sa akin ang magpatakbo ng sasakyan. Si Yaya Luz naman ay mag si-sixty na at ang mayordoma namin dito sa mansion. She’s like my second mother and one of my favorite person since siya na ang kinalakihan ko. Sa kanya rin ako laging tumatakbo kapag may pinoproblema ako na ayaw kong sabihin kina mommy at daddy. While, Cheche is my personal maid at tinatrato ko na ring parang nakababata kong kapatid.
“Pasensya na po, Miss Ada. Tatawagin ko na po si Yaya Luz.”
“Please, Che sabihan mo na din na huwag na maglaba at ipaubaya na lang ‘yon sa ibang maids dito sa bahay. Ang dami-daming katulong dito.”
“Opo, Miss Ada.”
Umalis si Cheche upang tawagin si Yaya Luz. Hindi rin nagtagal at kasunod na niya itong pumasok ng bahay.
“Hindi ka ba makakakain ng wala ako?” reklamo ni Yaya Luz.
“Wala akong kasabay kumain, ya!”
“Andito naman si Cheche.”
“Gusto ko kayong kasabay.”
“Haynaku! Male-late ka na nga sa klase mo, nagagawa mo pang mag inarte. Che, ilapag mo na rin ‘yong pinrito kong tilapia at ipapakain natin dito sa amo mo.”
“Opo, Yaya Luz.”
“Yuck? What’s tilapia?” reklamo ko agad kahit na hindi ko naman alam kong ano ‘yon. But it sounded like mabaho kaya napa-yuck agad ako.
“Isda ‘yon, anak.”
“Kasingsarap ba ‘yon ng salmon?”
“Mas masarap sa salmon.”
Inilapag ni Cheche sa harapan ko ang tilapia. Kumunot ang noo ko nang nakitang may mga kakaunting kaliskis pa akong nakikita.
“Malinis ba ‘yan?”
“Aba! Nag iinarte ka na ngayon ha! Gusto mo akong kasabay kumain ‘di ba? O, ayan at sabayan mo akong kumain nyan.”
Alanganin akong ngumiti. “No thanks, ya. Papasok pa akong school baka mangamoy ako. I’ll stick with my favorite bacon na lang muna.”
“Halika na dito, Cheche. Maupo ka na,” tawag ni Yaya Luz kay Cheche.
Nagsimula na rin kaming kumain. Kinamusta ni Yaya Luz ang pag aaral ko at nagawa ko pang ikwento sa kanya ang mga nangyari sa akin these past few days especially the part where I successfully did our group presentation. She was so proud at sobrang saya niya para sa akin kaya nakakataba ng puso.
“Tamang-tama at may bini-bake akong cupcakes, Miss Ada. Pwede mo ‘yong ibigay sa taong tumulong sa ‘yo bilang pasasalamat.”
“Do I really have to? Is a simple thank you not enough?”
“Ah eh…” Hindi alam ni Cheche kung paano akong sagutin.
“Anak, depende naman kasi sa tao ‘yon kung gusto niya ng kapalit o mas tatanggapin niya ang simpleng pasasalamat mo. Pero bilang ikaw ‘yong ginawan niya ng pabor, responsibilidad mo ang magbigay kahit hindi siya humihingi.”
Tumango ako. “I see. Sige at dadalhin ko ang cupcakes mo, Che. Basta siguraduhin mong masarap ‘yan ah? Ayaw ko ring mapahiya do’n sa taong ‘yon.”
“Ako pa ba, Miss Ada?” natatawang sabi ni Cheche.
Masarap talaga kasi ‘yang mag-bake si Ada. Senior high school na siya at ang kinuha niyang strand ay may kinalaman sa baking. Medyo magastos kaya ayaw niya sanang kunin ‘yon pero dahil pinilit ko siya ay ako na ang nagbibigay sa kanya ng funds para sa mga kailangan niya sa pag aaral niya, since sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa akin nina mommy at daddy.
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay ramdam ko na agad ang kaba ko habang yakap-yakap ang kahon ng cupcakes na balak kong ibigay kay Neo. Hindi ko naman kasi alam kung mahilig ba siya sa matamis o hindi. Baka hindi niya magustuhan.
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ngayon ko lang din naman kasi gagawin ‘to. Hindi naman sa ipipilit ko sa kanya ‘to pero natatakot akong baka ma-reject niya. I never know the feeling of being rejected pero ayaw ko do’n. Iniisip ko pa lang, parang nakakatakot na.
Kinakabahan pa ako at inaayos ko pa ang composure ko nang nagpang-abot ang mga mata namin ni Neo. Kasalukuyan kasi siyang nagdidilig ng halaman sa labas ng café. Nasa gate pa ako ng school namin at hindi pa nakakatawid pero parang ayaw ko nang tumawid.
Nanatili ang mga titig niya sa akin ng ilang sandali bago nagbaba ng tingin sa hawak kong box. At pagkatapos no’n ay nagbalik siya ng tingin sa akin pero nakakunot na ang noo.
Hahakbang na sana ako at tatawid na papunta sa kanya pero tinalikuran niya ako at pumasok siya sa loob ng café.
I guess… I was rejected?