"Mama, Papa's still not home?" Naiiyak na tanong ni Eliza ng umuwi akong muli na hindi parin kasama ang papa niya. Tatlong linggo na niyang hinahanap si Achi tuwing uuwi akong hindi ito kasama. Noong una ay napapaniwala ko pa ang batang abala lang ang papa niya sa trabaho pero nitong huli ay nag-uumpisa na ang mga tantrums nito. "Gusto ko si papa, mama! Where is he?" Naglulumpasay nitong iyak sa sahig. Sinusubukan ng yaya nitong itayo ang bata pero ayaw nito magpapigil. "Sige na, Hannah. Ako ng bahala." Nag-aalangan namang pumasok ng kwarto si Hannah para ayusin ang higaan nila ni Eliza. "Come here, baby." Tawag ko sakanya at lumuhod sa sahig para maging mag-kasing tangkad lang kami. Umiiyak itong tumayo at lumapit sakin. Pinunasan ko ang mga luha nito kahit na tumutulo rin ang akin.

