Prologue
"Kuya, I'll be out tonight with my friends." Paalam ni Febe sa kuya niya habang nag-aalmusal.
Sumimsim muna ng kape si Forbes bago binalingan ng tingin ang kapatid.
"Sinong kasama mo?" Tanong niya rito agad namang ngumiti ng matamis ang kapatid ng marinig ang sinabi niya.
"The usual kuya. Sina Tiffany, Gail and Pia po." Nang marinig ang mga pamilyar na pangalan ng mga kaibigan ng kapatid ay agad namang pumayag si Forbes.
"Maybe I can pick you up later or just call your Kuya Achi since he's just probably around the area." Paalala niya sa kapatid bago tumayo at pinunasan ang bibig, naghahanda na sa pag alis.
Tumayo narin si Febe para humalik sa pisngi ng kuya niya at makapagpasalamat narin.
"Thank you kuya!" Maligayang saad ni Febe sa kapatid.
"You're always welcome Princess. But..." sinadya niyang putulin ang sasabihin na siya naman ikinatawa ng kapatid.
"Of course kuya. Limitations. I'll wait for your call or I'll just call Kuya Achi." Tukoy niya sa bestfriend ng kuya niya na parang kapatid niya rin kung magbantay sa kanya.
"I'll get going. May trial pa ko, you should get ready too, malalate kana sa work mo. Take care." Paalam ni Forbes sa kapatid at magaan itong hinalikan sa noo bago kinuha ang suitcase na naglalaman ng mga papeles na gagamitin niya para sa trial mamaya.
"Bye Kuya! Love you!" Paalam ni Febe habang kumakaway sa sasakyan ng kapatid na papalabas na ng grahe nila.
Nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ng kapatid ay agad niyang kinuha ang cellphone niya at dinial ang numero ng taong kikitain niya mamaya.
"I'll see you later." Malambing niyang saad sa kausap.
"Pinayagan ka na?" Rinig ang ngiti sa boses ng kausap niya.
"Yep. Pinapasundo pa nga ko sayo." Natatawang saad niya.
Sandaling natahimik ang kabilang linya sa sinabi niya.
"Are you sure about this? Ayaw mo ba talagang sabihin sa kanya?" Tanong ng kausap sa mahinahon na paraan.
"Achilles, you know how protective he is. Ayaw na yata niya kong makapag asawa! And for heaven's sake i'm already 25!" Litanya niya habang inaayusan ang sarili para sa pagpasok sa trabaho.
"Okay baby, calm down." Pagpapakalma sakanya ng kausap.
"Ikaw kasi..." mahinang paninisi niya rito. Tawa lang ang sinagot ng kausap sa kanya.
"I'll see you later then?" Tanong nito matapos nila mag-usap.
"See you..." she said while checking herself in the mirror.
"Take care, I love you." Malambing na saad ng kausap na nagpangiti naman kay Febe.
"I love you too, ingat sa pagdadadrive." Sagot ni Febe kay Achilles Troy Catalan, ang bestfriend at tanging lalaking pinagkakatiwalaan ng kuya niya.