Agad kaming napaangat ng tingin ni Forbes ng marinig namin ang pagbukas ng pintuan ng bahay nila at ang palahaw ng iyak. Excited kaming nag-uunahan na tumakbo papunta roon. Ngayon ang araw ng uwi nina Tita Felice at Tito Diego mula sa ospital. Sinundo sila nina Mommy at Daddy. Sabi ni Yaya Yollie kanina ay dadating na daw ang baby sister ni Forbes ngayon. And it's true! Tita Felice came in carrying something wrapped in a thick pink blanket in her arms. Agad kaming lumapit doon ni Forbes. "Is this Febe, mommy?" Tanong ni Forbes kay Tita Felice nang bahagya itong yumukod para maabot at makita namin ang baby. "Yes, kuya. This is your sister." Nakangiting ani ni tita habang bahagyang tinatabing ang telang nagtatakip sa mukha ng baby. "She's so beautiful." Hindi ko napigilang sabihin. Ti

