Sinadya kong hindi magparamdam ng malaman kong my boyfriend na siya. I wanted to respect her. Her decision. Hindi naman siya susuway sa utos ni Forbes at magboboyfriend kung hindi niya talaga mahal yung tao. Pero ng mabanggit ni Forbes sakin kung paano niya nahuli ang dalawa habang nagdedate sa mall ay halos kainin na ako ng selos. Mas lalong nabuo ang loob ko na tuluyan ng umiwas. But then again, when my mom opened up the topic of adopting them. Agad na nagliyab ang kinikimkim kong inis at galit. Hindi ko na nga siya makuha ngayon, paano pa kaya kung kapatid na talaga ako? "No, mom. That's not gonna happen." "Why? Halos magkapatid narin naman kayong tatlo. Sabay sabay na kayong lumaki. What difference will changing their surname bring?" pamimilit niya habang mariin akong inoobserb

