Kabanata 11

963 Words
"Miss Ava, I'm sorry kung niloko ka namin. Wala talaga akong kapansanan. Hindi ako pilay at maayos ang aking pangangatawan." Si Mycan ang unang nagsalita. "Pero, huwag ka sanang magalit. Nagawa ko lamang ito upang subukan ang iyong personalidad. Kung pipiliin mo ako sa kabila ng aking kapansanan, ibig sabihin ay napakabuti mong tao. Wala kaming maipintas sa iyo." Tumango si Fycan. "Tama. Sis-in-law, pasensya ka na rin. Nagpanggap akong bakla. Dahil gaya ni Mycan, gusto ko rin na subukan ang iyong personalidad. At sana hindi mo sisihin si mama. Wala talaga siyang kaalam-alam na gagawin namin iyon." Tumawa si Ava. Hindi siya galit ngunit walang emosyon ang kanyang mga mata. "So, bagsak ako sa test, hindi ba? Kung ganun, pwede ba akong mag-drop out? Pwede ko bang makuhang muli ang kalayaan ko? Ibabalik ko na si Lycan sa inyo." "Hindi pwede!" Sabay na tumanggi ang mag-ina. Kukurap-kurap ang mga mata ni Ava habang tiningnan ang tatlo ng isa-isa. Naguguluhan. "Bakit hindi pwede?" "Dahil kasal na kayo. Asawa mo na siya. Hindi kami makakapayag na kakakasal niyo lang tapos hihiwalayan mo na agad siya." Sagot ng ginang. "Gng. Prince, siguro naman hindi niyo ako masisisi. Kagagawan niyo naman ito, hindi ba? Pinagplanuhan niyo itong pamilya. Niloko niyo ako. Naloko ako sa isang perpektong kasal na sa pangarap ko lang nangyari. Nahulog ako sa kasal na isa palang patibong na plinano ninyo." Huminga ng malalim si Ava. "Pasensya na ho kayo. Pero, hindi ko po kayang panindigan ang responsibilidad na ito. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi bale na walang magagarang bahay o mamahaling sasakyan ang asawa ko. Hindi na bale na hindi siya mayaman. Ang mahalaga para sa akin ay mahal ko siya at mahal niya ako. Pero, sa situation namin ni Lycan. Walang pagmamahal na nag-uugnay sa aming dalawa. At ang masama pa, isang kasinungalingan lamang ang lahat. Hindi normal na lalaki ang pinakasalan ko at dahil iyon sa inyo. So please, ibalik niyo sa akin ang kalayaan ko." Sa katunayan, nakakasakit na ang mga salita ni Ava. Pero sa hindi malamang dahilan, nanatili pa ring nakangiti ang mag-ina. Tumawa pa nga ito sa huli na parang may mga tupak din sa ulo dahil sa kanyang mga huling sinabi. Kumunot ang noo ni Ava. "Bakit kayo tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko o sadyang pinagtatawanan niyo ang katangahan ko?" Nagpalingo-lingo ng mga ulo ang tatlo. "Iha, alam namin na niloko ka ng aming pamilya." Ngiting-ngiti na sabi ng ginang. "Ngunit gaya ng sabi namin, hindi ka na pwedeng umayaw sa responsibilidad mo bilang asawa ng anak ko. Una, dahil bagong kasal pa lamang kayo. Pangalawa, ano ang masasabi ng buong pamilya, mga ka-relatives namin o mga taong kakilala namin lalo na sa negosyo kung malaman ng buong mundo na hiniwalayan mo kaagad-agad ang anak ko? Hindi kami makakapayag na mangyari sa amin ang kahihiyan na iyon. Sana maintindihan mo Iha. Isa pa, pinapili ka namin. Since pinili mo si Lycan, dapat ay panindigan mo siya." Hindi kaagad nakasagot si Ava. Tama rin naman kasi ang sinabi ng ginang. Maya-maya rin, narinig ng lahat ang malalakas na hakbang ni Lycan mula sa loob. Talo pa nito ang heganti kung maglakad dahil sa lakas ng ingay. Hindi lamang iyon, nagsisigaw pa ito habang papalabas ng kuwarto. "Darling, huwag kang umalis! Huwag mo akong iwan! Darling! Darling! Balikan mo si Baby Lycan, okay? Kawawa naman si Baby Lycan kapag ewan mo." Napatingin ang lahat sa likuran ni Ava at doon nga ay nakita nila ang malungkot na lalaki. Ngunit nang makita si Ava na nakatayo lamang sa may pintuan, muli itong ngumisi. Tinakbo niya si Ava at mahigpit na niyakap. "Darling, buti nandito ka pa rin. Takot na takot ako kanina. Akala ko eewan mo talaga ako." Kumalas ang lalaki sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ava. Ang huli naman ay hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Hinayaan lamang nitong gawin ang gusto ng lalaki. "Alam mo ba kung anong nangyari sa akin kanina? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dub-pa-dub-pa-dub, sabi niya." Nagpipigil ang tatlo na mapatawa dahil sa madungis na itsura ni Lycan, lalo pa nang dahil sa kanyang tinuran. Kahit ang ekspresyon nito ay eksakto sa mga kahulugan ng mga salita nito. Kahit nga si Lorence na nanahimik lamang sa tabi dahil nakunsensiya sa mga mangyayari ay hindi napigilan ang mapangiti. Kung iisipin ay humagikhik nga ito. Mahina nga lang ito dahil tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang dalawang kamay. Samantalang, natutulala lamang si Ava. Nagluluksa sa kanyang isipan ng mag-isa. Dahil sa hindi na nga nagsalita pa si Ava, tinapik ni Gng. Prince ang kanyang anak. "Lycan, dalhin mo na sa loob si Ava at magpahinga na kayo. Alam kong pagod kayo pareho." Lumapit ang ina ni Lycan sa kanya at niyakap siya. Lihim na ngumingiti, bumulong ito sa tainga ng anak. "Galingan mo mamaya ha. Para hindi ka iwan ng asawa mo, galingan mo. Paligayahin mo siya. Naiintindihan mo ba ako?" "Opo mom." Ngumisi pabalik si Lycan sa ina. "Darling, let's go sa loob. Oras na upang maglaro." Hindi pa rin kumikilos si Ava. Ngunit hindi naman naging problema iyon para kay Lycan. Bigla na lamang niyang niyapos ang katawan ng asawa at binuhat ng nakatayo pabalik sa loob ng kwarto. Nagtawanan naman ang tatlo. Nang sumarado na ang pintuan, bumuntung-hininga ng malalim ang ginang saka tumingin sa taas. "Ay salamat. Naikasal na rin sila. Siguro naman ay maging kampante na kayo riyan." Pinatong ng magkapatid ang kanilang mga palad sa mga balikat ng ina. "Huwag kang mag-alala, mom. Magiging maayos din ang lahat." Sabi ni Fycan. Tumango-tango ang ginang saka hinawakan ang mga ulo ng mga anak at idinikit sa kanyang ulo. Pagkatapos ay sabay na bumuntung-hininga ang tatlo at ngumiti ulit pagkatapos.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD