ANG YAKAP SA LIKOD NG PINTO
PROLOGUE
May mga lihim na kayang manatiling nakabaon sa dilim sa loob ng maraming taon.
May mga kasinungalingang nagtatagumpay dahil walang nagtatanong.
At may mga lalaking naniniwalang kaya nilang mahalin ang maraming babae nang hindi sila kailanman mahuhuli.
Isa na rito si Efren Hernandez.
Sa paningin ng lipunan, isa siyang matagumpay na negosyante. Kagalang-galang. Marespeto, at responsable. Ngunit sa likod ng kanyang malinis na pangalan ay isang buhay na binuo ng mga lihim.
May legal siyang asawa. May babaeng matagal nang itinuturing na tunay niyang asawa. May babaeng rin namang pinangakuan niya ng kasal. At may babaeng matagal na niyang pinapangarap na mapasakanya.
Sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang pagdugtungin ang mga kasinungalingang ito.
Hanggang sa isang gabi. Isang gabing magpapabagsak sa lahat. At sisira sa buhay ng apat na babaeng naniwalang sila ang pinakamahalaga sa kanyang puso.
KABANATA 1
Ang Yakap sa Likod ng Pinto
Nagliliwanag ang napakalawak na grand ballroom ng JBH Intertainment Hotel sa Maynila. Kumikislap ang mga kristal na chandelier sa kisap ng ilaw habang pinupuno ng mga artista, negosyante, pulitiko, at kilalang personalidad ang bawat sulok ng marangyang bulwagan. Ito ang pinakahihintay na fashion event ng taon.
At ngayong gabi, iisa lamang ang sentro ng lahat ng atensyon.
Si Jenelyn Bartolome.
Nang lumabas siya sa runway, tila huminto ang oras. Bawat hakbang niya ay napaka-sophisticated. Bawat galaw ay puno ng kumpiyansa. Ang kanyang Filipina gown na kulay pula, manipis at may habang sumasayad sa sahig ang dulo ay kumikinang na tila binuhusan ng mamahaling-oil dahilan upang mapako ang mga mata ng lahat sa kanya.
Pagkatapos ng kanyang huling ikot, dumagundong ang buong ballroom sa palakpakan.
At sa gitna ng mga manonood, napangiti si Sharmaine Hernandez. Punong-puno ng paghanga ang kanyang mga mata.
"Napakagaling mo talaga, Ate Jen..." mahina niyang bulong.
Mula pagkabata, si Jenelyn na ang kanyang inspirasyon. Hindi lamang dahil sa kagandahan nito.
Kundi dahil sa tibay ng loob nito.
Para kay Sharmaine, walang taong mas karapat-dapat sa isang malaking tagumpay kaysa sa kanyang pinsan. Kaya matapos ang programa, agad siyang nagtungo sa VIP area upang personal niya itong batiin.
Ngunit habang naglalakad siya sa tahimik na pasilyo, may kakaibang pakiramdam na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit, at wala namang dahilan.
Ngunit habang papalapit siya sa dressing room ni Jenelyn, lalo lamang lumalakas ang kakaibang kaba.
Parang may babalang ibinubulong ang kanyang isip, na hindi siya dapat nagtungo ngayon dito..
Pero matagal na rin niyang hindi nakikita at nakasama ang pinsan, kaya excited siyang makausap ito ngayon at mayakap kahit na saglit lang.
Huminto siya malapit sa pinto, huminga ng malalim para ihiwalay ang sarili na tila sinusundan ng bad-vibes.
Hanggang sa narinig niya ang mahinang tawanan. Isang lalaki at boses ng isang babae. Ang naturang tawanan ay tila normal lang sa dalawang taong matagal nang magkakilala. Pero ang usapan ay may halong lambing, kakaiba sa lahat at masasabi mong may relasyon ang dalawa.
Masyadong pamilyar pa, ang boses nila.
Napakunot ang noo ni Sharmaine. Nanggaling kasi ang boses sa isang pribadong suite na karaniwang ipinagbabawal sa mga bisita.
Binalewala niya sana iyon. Ngunit nang marinig niya muli ang tinig ng lalaki, biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Masyadong pamilyar.
"Hindi... Hindi maaari"
Mabilis niyang ikinuyom ang kanyang mga palad. Pinilit niyang pigilan ang kung anumang iniisip niya.
Ngunit parang may sariling isip ang kanyang mga paa habang dahan-dahan siyang lumalapit sa pinto.
Habang papalapit siya, lalo niyang naririnig ang mahihinang tawanan.
Pagkatapos ay katahimikan. Isang napakahabang katahimikan. At sa hindi malamang dahilan, iyon ang mas nagpanginig sa kanya.
Dahan-dahan niyang itinulak ang bahagyang nakabukas na pinto.
At sa isang iglap. Parang huminto ang mundo. Nawala ang lahat ng tunog. Nawala ang lahat ng liwanag. Nawala ang lahat....
Dahil sa loob ng silid ay nakita niya si Efren Hernandez, ang kanyang asawa.
Nakatayo ito sa harap ni Jenelyn na kanyang pinsan. Naguusap sila at masyadong magkalapit ang kanilang katawan.
Ang mga kamay ni Efren ay nakahawak sa baywang ng kanyang pinsan. At ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Jenelyn, isang tingin na hindi magkaibigan. Hindi mata ng isang bayaw. Kundi mata ng isang lalaking matagal nang umiibig.
Sumikip ang dibdib ni Sharmaine. Parang may humahawak sa kanyang lalamunan. Hindi rin siya makagalaw, at parang hindi pa rin siya makahinga ng maayos. Ngayon ay nakita niya ang isang bagay na dumurog sa kanyang katinuan.
Habang sa loob, ay marahang hinaplos ni Efren ang mukha ni Jenelyn. Na parang isa itong bagay na mahalaga, isang bagay na matagal na niyang inaangkin.
Napapikit si Jenelyn. At sa sandaling iyon, nawala ang lahat ng pagdududa. Nawala ang lahat ng paliwanag.
Dahil bago pa man makapag-isip si Sharmaine, nasilayan niya kung paano yumuko si Efren at marahang hinalikan ang kanyang pinsan.
Hindi iyon aksidente, hindi iyon pagkakamali na tila natisod lang. Kundi isa iyon bugso ng damdamin na masyadong natural sa isang taong may gusto.
The way Efren looks at her and treats her, ay parang ilang ulit na nila itong ginagawa, na parang
matagal na silang sanay sa isa't isa.
At iyon ang pinakamasakit.
Napaatras si Sharmaine.
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanyang buong katawan. Nanghina ang kanyang mga tuhod. Nanginginig ang kanyang mga kamay.
"Efren..."
Halos hindi lumabas ang kanyang boses. Ngunit sapat na iyon.
Agad na naghiwalay ang dalawa nang marinig ang boses ni Sharmaine.
Mabilis na napalingon si Jenelyn, at namutla ang mukha ni Efren na natigilan. Parang nahuli silang dalawa sa isang krimeng matagal nang itinatago.
"Sharmaine..." tawag ni Efren.
Ngunit hindi makalapit si Efren kay Sharmaine, dahil kapag ginawa niya iyon. Mabubuking siya na kasal siya kay Sharmaine. Hindi rin ito makapagsalita nang maayos.
At sa unang pagkakataon, nakita ni Sharmaine ang takot sa mga mata ng kanyang asawa. Ngunit hindi iyon nakapagpagaan ng kanyang nararamdaman. Sa halip, nakaramdam lang siya ng sakit, kahihiyan at magkahalong takot, dahil iyon ay patunay na alam nilang mali ang kanilang ginagawa.
Matagal na nilang alam.
"Lihim na ba ito noon pa?" tanong ni Sharmaine.
Nanginginig ang kanyang boses. Ngunit mas mabilis ang kaba ng kanyang puso.
Tahimik lang ang buong kwarto, at walang sumagot sa kanya.
Tumingin si Efren kay Jenelyn.
Tumingin naman si Jenelyn sa sahig.
Wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob na magsinungaling.
At sa katahimikang iyon. Parang may kutsilyong dahan-dahang bumaon sa dibdib ni Sharmaine.
"Ilang buwan? Ilang taon?" sunod na tanong ni Sharmaine.
Napalunok si Jenelyn at itinaas ang ulo.
"Ahmm., Sha.. magkakilala kayo?!" tanong ni Jenelyn.
Tumingin si Sharmaine kay Efren. Ang Mukha ni Efren ay tukuyang namula, ngunit ang labi niya ay parang gigil na gustong patahimikin na lamang siya.
Kung wala si Jenelyn, tiyak magagalit ka sa akin at sasabihin mong wala lang ito. bulong ni Sharmaine sa sarili. Dahil sa loob ng dalawang taon bilang mag asawa ay alam na niya kung paano siya tratuhin ni Efren.
"Friend of friends, you know college days?!" sagot ni Sharmaine na pinigilan ang galit sa loob niya.
Ang totoo ay halos maiyak na siya sa nasaksihan, pero mas pinili niya ang tahimik na buhay kaysa masasaktan siya physically ni Efren.