Habang hinahanap ni Ian si Autumn, may kakaiba s'yang napansin sa paligid. Parang may mali parang hindi ito ang nasa plano, isang malaking space ang lugar na pinasok n'ya na parang isang training ground na tulad sa underground. Napahinto s'ya sa pag lalakad ng makarinig s'ya ng matitinis na tunog na parang galing sa isang heart monitor kasunod nun biglang nag liwanag ang buong paligid at nakita n'ya si Autumn. Naka tayo ito at naka strap ang pag kakatali ng mga braso sa isang board habang meron nakadikit na parang aparato sa sintido nito. "Autumn." mabilis na tumakbo si Ian para sana tulungan ang nobya ngunit isang tranquilizer dart gun tumama sa leeg n'ya kaya bago pa n'ya makalagan ang nobya sa pag kakatali agad na s'yang bumagsak at nag dilim ang paningin. - - - - - - - - "Pa

