"Alisin mo ang kamay ng letseng yan sa bewang mo kung ayaw mong lapitan kita at baliin ko ang mga daliri n'yan." wika ni Ian kay Autumn habang May 2 metro ata ang layo nila sa isa't isa sa loob ng bulwagan ng party. Meron s'yang binigay kay Storm na isang jerwerly set na inutos n'yang ipasuot sa kapatid nito. "Wag kang maligalig Sailmooon, pektus ka sa akin kapag nasira ang mission na ito dahil d'yan sa pag seselos mo pero kinikilig ako. Yumakap pa ba ako para mabaliw ka na?" biro ni Autumn na pasimpleng nakikipag-usap sa nobyo. "Sige gawin mo ng ikaw ang balian ko ng braso mamaya." banta pa ni Ian. "Go, pero titiyakin ko naman sa'yo na matitikman mo ang lahat ng pagkain na masarap maliban lang sa akin." ngisi pa ni Autumn narinig pa ni Autumn ang pagtawa ng mahina ni Ian. "Mahahalata

