"Paatras kang bumaba bilis." bulong ni Autumn habang maingat silang nag lalakad patungo sa hagdan. "Paatras bakit?" bulong din na sagot ni Ian na mas kabado pa ngayon kesa ng pumuslit s'ya kagabi papasok sa bintana ng kuwarto ni Autumn. "Basta sumunod ka na lang." tulak pa ni Autumn kakaligo lang n'ya pero si Ian hindi n'ya pinayagan na maligo dahil mahahalata kasi ito kung makikita itong basa ang buhok ng umagang-umaga in case na mahuli sila. Kaya naman pa atras silang bumaba ng hagdan, nasa may kalahatian na sila ng hagdan nang parehas sila napalingon ng pareho silang batukan. Ang Kuya Cloud n'ya na masama ang tingin sa kanilang dalawa habang naka halukip-kip. Halos hindi magawang maka lunok ni Ian habang kumakain ng almusal kasama ang buong pamilya ni Autumn sa dining area ng mga it

