Kabado si Tom habang naka-upo sa gilid ng Brgy. Health Center at nag-iintay na tawagin sila ng health worker. Kinakabahan s'ya na hindi n'ya mawari kaya panay ang buga n'ya ng hangin. Hanggang sa tawagin na sila ng health worker at pinapasok sa loob. Konting interview, kinunan s'ya ng BP, timbang at tinanong kung kelan ang huling period n'ya then binigyan s'ya ng pregnancy test at pinapasok na muna sa banyong naroon. Panay ang buga n'ya ng hangin habang nakatingin sa PT na hawak hindi n'ya alam kung gagamitin ba n'ya iyon o hindi. Baka masaktan lang s'ya kung aasa nanaman s'ya. Kailangan ba maniwala din s'ya sa tiktik na kuwento parang nakakahiya kapag may naka-alam na dati s'yang army pero na niwala s'ya sa ganun kuwento. Bigla na buksan n'ya ang box ng pregnancy test ng makarinig ng ka

