"Ang arte mo naman sinabi ba talaga ni Ate Maggy na bed rest ka?" tanong ni Storm ng dalahan s'ya nito ng pagkain sa kuwarto n'ya dahil literal na pahiga-higa lang talaga s'ya. Bumabangon lang s'ya kapag dumadalaw si Ian na akala mo tunay na mangliligaw, pero kagabi nag ala magnanakaw nanaman ito pero hindi n'ya ito pinag buksan ng bintana. Alam n'ya pakay nito kaya it's a no, no... hindi pa alam ni Ian na buntis na s'ya kaya saka na n'ya sasabihin pag sinabi na ng pinsan na si Maggy na safe na ang baby nila. "Edi itanong mo." ani Autumn na inabot ang tray ng pagkain. "E kailan mo sasabihin kay Hinlog, masyado ka namang sarap-sarapan at feel na feel mo ang pang liligaw ni Ian." natawa naman si Autumn na tumingin sa kakambal. "Bakit ganyan ang suot mo? May trabaho ka na?" tanong ni Autum

