"Anong ngini-ngiti mo d'yan?" napalingon naman si Lumen ng marinig ang boses ng ina sa likuran n'ya. "Ahhh wala po inay, kinikilig lang po ako kila Tom at Jerry este kay Kuya Ian po." sagot ni Lumen na muling sumilip sa bintana ng bahay kung saan tanaw ang dalawa na nag-aaway at sa paliguan pa talaga nag aaway ang dalawa pero nakatalikod naman ex ni Tom dahil kung humarap ito at dahil sa tangkad nito makikita na nito ang loob ng liguan nila. "Parang may something pa rin sa kanila." wika ng ina na naki-usyoso din. "Yang nga din ang iniisip ko po Nay, at tingin ko din po sinundan si Tom dito ng lalaking guwapong yan. HIndi totoo yung sinabi n'ya kanina pero salamat pa rin dahil dumating s'ya para sagipin si Tatay." napabuga naman ng hangin si Lumen ganun din ang ina. "Kamusta na po si T

