Nag hahain na sila ng tanghalian ng bumalik si Ian na may mga dalang mga prutas sa plastic at mga gulay na may kasama pang mga isda na agad naman na kinuha ng tiyahin n'ya na dinala sa lababo na inutusan na mag palit ng damit ulit dahil basa nanaman ito ng ulan. Muli itong pinahiram ng damit ng tiyuhin n'ya ng tumalikod para ito ikuha ng damit, panay naman ang ngiti nito sa kanya pero siya naman ay panay ang iwas ng tingin ng tumalikod ito at sa silid na nang bihis. "Tom," tawag ni Lumen habang nag lalagay s'ya ng kanin sa bandehado. "Hmmmm." "Yung panty mo na laglag." napatingin naman si Tomas sa sahig na ikinahagikgik ni Lumeng na tuwang-tuwa. Natatawa naman na hinila ni Autumn sa buhok si Lumeng. "Mga titigan n'yo parang wala ako dito e." "Hoy! Hindi ako natingin huh, wag kang an

