Papasok na si Ivan at Ian sa police station para puntahan si Edmond at alamin kung paano nila ito mailalabas, alam niya mahihirapan sila dahil marami itong napatay na tao. Hindi pala ito inutusan ni Ivan kusa pala itong nag desisyon dahil binalak ng kapatid nitong si Nadine na tumulong pinigilan lang nito kaya ito ang dumating. Sabay pa silang napa atras sa gilid ni Ivan ng isang stretcher ang dumaan sa harapan nila na may sakay na katawan na natatakpan ng puting tela. Mukhang bangkay ng isang preso na marahil namatay habang naka kulong. Hindi na sana nila papansin at dederetso na sila ng pasok sa police information ng aksidenteng mabangga ang strecher sa kasalubong kaya nalaglag ang isang braso ng bangkay na naka higa sa stretcher na saglit na nakita ni Ian bago itinaas ng attendant na n

