"Peste ka! Ilang araw na kitang tinatawagan." galit na wika ni Ivan. "Manahimik ka muna tingnan mo kung sino ang mga ito." ani Ian na nag palingon-lingon habang suot ang shade n'ya na may video connection na makikita ni Ivan ang lahat ng nakikita n'ya. "Mga tauhan yan ni Stuart Taylor, buhay s'ya at hindi s'ya patay at ngayon binabalak nilang kunin si Autumn ng puwersahan para ilabas si Jeremiah. Kaya umalis na kayo masyadong marami ang mga yan baka ikapahamak n'yo pa. Hindi natin puwedeng gamitin ang underground society ngayon dahil hindi ako sigurado kung puwedeng pa bang pagkatiwalaan ang underground." "Anong ibig mong sabihin." "Basta makinig ka na lang muna, si Autumn ang kailangan nila ngayon. Tatawag na ako ng pulis para maka takas agad kayo." "Kapag tumakas ba kami tingin mo t

