Third Person's "Hey, bro!" nakataas sa ere ang kamay ni Idris ngunit hindi ito pinansin ng kaibigang si Kraig. Galit na galit ito habang naglalakad sa ilalim ng araw. Maraming bumabati sa kaniya ngunit hindi niya ito pinapansin at sa halip ay dumiretso siya sa administration building kung saan naroon ang opisina ng kaniyang ina. "Dude, Idris. 'Nyare kay Kraig?" umakbay kay Idris si Jael habang tinatanaw ang kaibigan. Nagkibit balikat si Idris. "Ewan ko doon. Galit na galit na naman." Tila nagpanting ang tenga ni Jael at agad na sinundan ang kaibigan. Walang magawa si Idris kundi ang sumunod na din. * * * Sa pagpasok sa opisina ni Kraig ay gulat na napatingin sa kaniya si Mrs. Henrietta dahil sa lakas ng pagkakabukas ng pinto at kulang nalang ay masira ito. "You startled me, son "

