Riah Vallejo Naaawa ako kay Vanessa. Putlang putla ang kaniyang balat at bakas pa rin ang panghihina niya kahit tulog siya. Tumayo ako at napagpasiyahang lumabas muna ng kwarto ni Vanessa. Umupo ako sa mga upuang nakahilera at hinayaan ang malamig na aircon na tumama sa balat ko. Ngayong gabi, andaming nangyari ngayong gabi. I never expected this to happen. Hindi ko aakalaing darating si Kris upang saktan lang si Vanessa. Basagulero si Kris. Palaging may pinagtitripan. Palaging may binubully kahit noong kaibigan pa sila ni Kraig. But I did not expect him to do such thing. To mark someone who's not for him. "I knew this would happen." Biglang may nagsalita sa gilid ko. Inangat ko ang tingin ko at nagulat nang makita ang emo-girl ng Vlad High, si Odile Romana. Her usual dark purple out

